Simula

10 2 0
                                    

Ang langit ay tuluyan nang nilamon ng kadiliman.

Sana pala ay palagi nalang maliwanag. Dahil sa tuwing sumasapit ang gabi naiisip kong mag-isa na naman ako at patuloy na nagluluksa sa pag-iwan nya sa akin.

Hindi ko lubos maisip kung anong kulang sa pagmamahal ko. Halos ibigay ko na ang buong sarili maging ang kaluluwa ko ngunit heto at bigo pa din. Pinagpalit nya ko sa isang hampaslupa! Mas matatanggap ko pa kung umabot man lang sa kagandahan ko e, pero hindi!

Sa dami nang ipapalit nya yun pang nakilala nya sa bar. Mapapatawad ko pa sana kung isang beses lang pero maraming beses na pala silang nagkikita and take note nabuntis pa ng walanghiya!

O diba wala ng mas hihigit pa don. Magsama nalang sila at bahala na ang karma. Nakakahinayang lang dahil sa anim na taon namin na pagsasama ay ipagpapalit nya lang ako over that girl!

Ayaw kong makasira ng bubuuin nilang pamilya kaya kahit masakit ay ako na mismo ang nakipaghiwalay. Dahil walang kasalanan yung bata na nasa sinapupunan nya.

"Maam Daphne kanina pa po nagri-ring ang cellphone nyo." dinig kong sabi ng kasambahay

Nandito ako sa veranda at naiwan kong naka-charge ang phone ko.

"Okay ako na ang kukuha. Thank you." nginitian ko sya at bumalik na sa kanyang ginagawa.

10 missed calls.

Hindi ko pa man natatanggal sa pagkaka-charge at nag-ring na ulit ito. Bakit ba tumatawag ang babaeng 'to. Sinabi ng wag ako istorbohin dahil nagluluksa ako.

Nagluluksa dahil nilibing ko na sa isip ko yung ex ko at yung kabit nya!

Hindi ko pa man nalalagay sa tenga ko ay nagsisi-sigaw na sya.

"Daphne bakit naman ang tagal mong sagutin kanina pa ko tawag ng tawag sayo!"

Nilapag ko ang charger sa side table at naupo na sa may sofa. Malamang mahaba na naman ang iku-kwento ng babaeng ito.

"Nasa labas ako kaya di ko naririnig na may tumatawag." Sabi ko nalang

"Sus ang sabihin mo iniisip mo na naman yang ex mo na yan!"

"One week palang kaming break kaya malamang naalala ko pa din sya. Ano ganon lang kadali mag move on."

Kahit na galit ako at mas pinili nya yung babae nya ay nasaktan pa din ako. Highschool sweetheart kami at buong akala ng pamilya ko sya na ang magiging asawa ko. Sobrang nagalit din ang Daddy ng malaman nya. Hindi ako naglilihim ng sikreto sa pamilya ko kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong magsumbong.

"Kung bakit ba naman kasi hanggang halik lang ang kaya mong ibigay sa kanya. Ayan tuloy hinanap sa iba." pang-aasar pa nya.

"Isang taon nalang hindi pa nya nagawang maghintay. Alam naman nya na ayaw kong gawin yun hanggat hindi pa kami kasal." hindi ko na naman mapigilang hindi maiyak.

Dapat ba binigay ko nalang ang sarili ko sa kanya ng sa ganon hindi nya ko iwan. Pero kung mahal nya ko dapat naghintay sya! Ang sabi ni Mommy yun daw ang the best gift na maibibigay ko sa mapapangasawa ko. Kaya hindi ko yun pwedeng baliwalain.

"Anyway huwag na nga natin pag usapan ang walanghiya mong ex. Kaya ako tumawag sayo dahil bakasyon na next week at may naiisip na ako kung san tayo pwedeng gumala!" excited na sabi nya, kahit na hindi ko sya nakikita alam kong nagtata-talon ito sa kama nya.

"Hay naku Eloisse saan na naman yan at baka mapahamak ulit tayo dyan." Naiiling na sambit ko

Elloise is my cousin from my father side. Si Daddy at ang Daddy ay magkapatid, laking America kaya masyadong liberated. Fifteen years old sya nung lumipat ulit sila dito sa Pilipinas and since then naging close kami.

Our Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon