A Love Story of a Ghetto (Lyrics of my song) - Carnal Fellas

33 0 0
                                    

Tanggapin moko walang alinlangan ikaw ay pangangalagaan.

Ikay parang diwata sa isang kagubatan akoy alipin ng iyong kagandahan.

Dulot ng imahey nakakabaliw napapangiti pag gising ko kinaumagahan.

Mga bagay na di maare kase mahirap ako at ikay mayaman.

Ngunit nalaman kong, hindi iyon ang yong basihan.

Saiyong ngiti at buka na kamay ay niyakap mo lahat ng aking kapintasan.

Na parang hindi magkaiba ang ginagalawan nating mundo.

Siguro sa mata ng iba akoy hindi nararapat sayo.

Kahit madalas ay nahihirapan nahihiya ako sayong dumikit.

Kahit walang salitang lumalabas sa mga tingin ng nasa paligid ay napakasakit.

Parang inuuri ang pagsasama ang tingin ay hanggang baba.

Tila hindi makapaniwala sabay irap ng muka.

Ganun ba talaga kalupit ang mundo lahat ng bagay hinuhusgahan.

Salamat sakanila nagging dahilan upang magsikap sa eskwelahan.

Para masabi balang araw na ang balat natin pwedeng magdikit.

Maka daop palad habang naglalakad at ngumingiti ka saking pangungulit.

Sa lamig ng gabi at tipa ng gitara ay naisulat ang harana.

Na magsisilbing patnubay aawitin hanggang tumanda ka.

Kahit hindi mo man hilig ang paraan ko ng pag-aalay ng awit.

Mga daliri sa pag-guhit kaylanman hindi mangangawit.

Dahil walang pinansyal at bagay pag-ibig lang ang tanging sandalan.

Na maari kong maiaalay sa kamahalan ng isipan.

Na nabuo saking guni-guni ang ating palasyo at aking pangarap.

Na habang buhay ka ng makakasama kahit na alam kong mahirap.

Dahil maraming hadlang saating pag-ibig parang mga bida sa pelikula.

Kahit ipaglaban man natin ng pilit ay pinaghihiwalay parin ng pamilya.

Ano ba naman ako bilang isang ghetto na walang sinabe sa buhay.

Ang pag-aalay lang ng buhay ang siyang tangi kong patunay.

Na magpakailanman ay pangiingatan ko ang iniaalay mong tiwala.

Kung magkabitaw ng palad ay kakalabanin kung ninais yon ng tadhana.

Bastat kasama kay walang hirap malalamapasan ang mga panganib.

Ngunit kung ikaw mismo ang sumuko ay kusang guguho ang aking pananalig.

Sinabi na nga bang wala talagang permanente sa mundo.

Nang sabihin mo saakin na ayaw mo na sabay may sumundo.

Sayong magara na sasakyan nung nakaharap ay nakangiti.

Ngunit saiyong pagtalikod ay nadama ko ang iyong hikbi.

Ramdam ko ang buntong hiningang nagpapabigat sayong damdamin.

Ganun paman dumurog sa pagkatao ang mga sinabi mo saakin.

Na hindi tayo nababagay ang estado naten sa isat isa.

Hindi magdidikit ang langit sa katulad kong hampas lupa.

Sadyang dumidilim ang langit kasabay ng aking pagluha.

Nakikiramay sa pighati ng binatang lumaki sa kalsada.

Sabihin mo saakin. Ang mga bagay na yon taliwas sayo.

Alam kong lumuluha ka bago matulog at ang lalaking yon ay hindi gusto.

Akoy tumakbo naglalakad lakad hinahanap ang sarili.

Sinisigaw ang yong pangalan dahil ang puso ay nahati.

Sa maraming piraso ikaw ang paraiso na akala kong saakin ay ipinangako.

Hindi mo ipinaglaban ang ating pagsasama at lahat ng salita mo sakiy pinako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love Story of a Ghetto (Lyrics of my song) - Carnal FellasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon