CHAPTER 9

2.9K 37 1
                                    

Chapter Nine

Love Language


After so many years of being single, I finally have a girlfriend.

I couldn't believe that finally happened. Hanggang paggising ay hindi nawala ang ngiti ko't kasiyahan sa puso habang inaalala ang matamis na ngiti ni Imara pagkatapos niya akong sagutin. We took a video call after that and I was damned we only see each other through screen. Gayunpaman, ngayong alam kong opisyal na kaming magkarelasyon ay marami pang bagay na dapat kong paghandaan.

I still kept my mouth shut about it. Sa lahat ay si Vlasta lang ang sinabihan ko dahil imposible rin namang hindi niya malaman gayong bente kuwatro oras ko siyang kasama. I trust him with it, too, and I also needed someone to vent out the flooding happiness in my heart. And when he heard it, he was more than happy for me.

Kasama ko siyang namili ng mga bagong regalo para kay Imara. Ewan ko ba. Kahit na alam kong hindi niya naman kailangan ng mga regalo at sanay na siya sa gano'n ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. It was one of my love language. Mabuti na lang at nang magkita kaming muli ay hindi na gaya noong gabing nag-dinner kami. This time, she was glowing again. Abot langit ang ngiti.

Nang ibigay ko na ang mga regalo ay kitang-kita ko kaagad ang malaking pasasalamat niya kahit na ilang beses na niyang sinabing huwag na akong mag-abala.

I took her to Coron the next day. Gusto ko lang buong araw siyang makasama. I know ocean calms her and she was happy by it. Mas nagustohan niya pa ang pagkakataong makasama ako sa napakagandang lugar kaysa sa milyon-milyong halaga ng mga regalo ko.

I sometimes love the idea how she was spoiled by her parents. Kung gaano rin sila kayamanan dahil alam kong hindi iyon ang habol niya sa akin. I've met a lot of women who has one thing in common when it comes to knowing me. And that was only my money.

I remember my father talking about wealth also being a curse. Iyon din kasi ang dahilan noon kung bakit sila nagtagpo at nagkaroon ng mas malalim na koneksiyon ni mommy.

"Even if you have loads of security, you still need to be careful and evaluate what people may take away from you. You need to be wise on choosing who you hang out with and who you give your attention to, because most people only likes people whom they know they can use. Bukod sa maraming manggagamit sa paligid na dapat mong iwasan, you also have to be careful with those people who are jealous of you dahil kahit na mukhang masaya ang mga iyan para sa 'yo, mas parte pa rin sa kanilang mas sasaya kapag bumagsak ka. You always need to use this." he said while tapping the side of his forehead, pertaining to his brain.

Growing up, those words lingers on my head like a broken record. It was my reminder. Nagpapasalamat akong ibinigay ni daddy sa akin ang mga paalalang 'yon dahil talagang nagamit ko rin at wala namang nakagamit sa akin at sa kapangyarihang saklaw ng pagiging isang Rozovsky ko.

"Does my gifts overwhelm you? Ayaw mo ba?"

"Why do you think of that?"

Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Imara. I hugged her body tighter. Nasa iisang hammock kami habang pinanunuod ang dagat sa hindi kalayuan. Maliwanag ang buwan at masarap ang sariwang simoy ng hangin. We only have two hours before our flight back to Manila. Gustohin man naming manatili sa lugar ay hindi pwede dahil parehas kaming may trabaho pa bukas.

"I don't know. Baka lang iniisip mong ni-la-love bomb kita para mas mahulog ka sa 'kin. That's not my intention at all. It's just that I love giving gifts especially when I'm happy."

"So ibig sabihin masayang-masaya ka dahil ilang designer bags at cartier watches ang binili mo para sa 'kin?"

"I want you to have an option tsaka para hindi ka rin magsawa. I don't know. Seeing those things reminded me of you. Naisip ko lang na baka magustohan mo so I bought it. We can take it back to the store if you want to exchange it to some design you want."

The Billionaire's Lover [The Rozovsky Heirs 8]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon