chapter two: cigarettes and alcohols

91 7 4
                                    

"Ilapag mo na 'yan dito, nak!" utos sa akin ni mama habang nakaupo siya sa picnic blanket

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ilapag mo na 'yan dito, nak!" utos sa akin ni mama habang nakaupo siya sa picnic blanket. Inilapag ko naman kaagad ang picnic basket na dala-dala ko kanina pa.

It's now 2pm in the afternoon. Nag-order pa sila ni papa ng mga desserts at drinks para sa iseset-up naming picnic.

Sinet-up lang naman namin ito sa harap ng dalampasigan, medyo malayo sa hotel ng resort at ibang mga gusaling nakatayo sa loob ng resort.

Sout ko ngayon ang rashguard ko habang si mama naman ay naka-one piece swimsuit. Si papa ay nakasimpleng board shorts lang.

"I-try mo 'to nak!" saad ni mama at sinubo sa akin ang isang spoon ng cake na inorder niya. "Masarap?"

In fairness at masarap naman siya. Hindi siya masyadong matamis hindi parehas ng ibang cakes na parang lalanggamin na dahil sa tamis. Napatango naman ako upang sagutin ang tanong niya.

Kung ano-ano ang pinag-usapan namin habang nagfo-foodtrip kami. It's either about say mga marites naming mga kapitbahay o 'di kaya tungkol sa akin. Pero mostly talaga, tungkol sa akin ang topic nila. Katulad nalang nito.

"Napapaisip talaga ako minsan kung may boyfriend na ba 'tong si Sol," syempre, hindi 'yan mawawala kapag ang topic na nila ay tungkol sa lovelife mo.

"Ma! Not interested in that kind of stuffs muna!" suway ko naman kaagad.

"Pero what if nak dito muna mameet ang forever mo? Yiiee!" parang kinikilig pa si mama dahil sa sinabi niya na tatawa-tawang sinuway naman ni papa. Ako naman ay napangiwi lang.

"Tigilan mo nga 'yang anak mo! Hindi muna 'yan pwedeng mag-boypren dahil baby girl ko pa 'yan!" isa pa 'tong papa ko! Ang cringe talaga nila pero I still love them!

"Pa! Hindi naman na ako bata! I'm nearly 18 years old!"

Nakibit-balikat lang naman siya at kinagat ang kanina niya pang kinakain na apple. Kung ano-ano pang pinagsasabi nila pero hindi na ako nanatili doon at nagpaalam na maliligo muna sa dagat.

Pagdampa pa lang ng tubig sa paa ko ay agad akong napangiti. Nagsimula akong maglakad hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng dagat na kaya kung matapakan.

Sobrang lamig ng tubig lalo na't malapit na ring mag-hapon. Pinagmasdan ko pa ang ibang mga taong naliligo rin sa hindi kalayuan. May mga batang nakakapit sa mga salbabida nila, may mga matatandang maligayang lumalangoy at may mga lovebirds na kahit nasa tubig ay naghahalikan. Napa-cringe tuloy ako.

Lumangoy-langoy muna ako bago bumalik sa pwesto namin kung saan natagpuan ko sila mom at dad na umiinom ng wine. Hays! For sure ay maglalandian na naman 'tong dalawang 'to.

Ibinalot ko ang sarili ko ng dala-dala naming towel at naupo sa may gilid. Kinakain ko ang mga chitcherya at kung ano pang mga pagkain na binili nila habang sila naman ay enjoy na enjoy sa pag-iinom ng wine nila.

SEA you or neverWhere stories live. Discover now