4.1/11: Parañaque

3.5K 18 0
                                    

[NICOLE]

"Ay!" tili ko nang may dumaang ipis sa harapan ko habang naglalakad ako sa makipot at maduming eskinita dito sa Parañaque.

I immediately look at my heels. Sa kasamaang palad, naapakan ko ang ipis at tumusok siya sa takong ng sapatos ko. Oh, no! This is a Chanel kitten heels!

"Yuck... this is so gross..." I dramatically said and tried to shake my leg para sana matanggal ang ipis na nakatusok. Mabuti naman ay natanggal ang ipis. But still, may dugo-dugo pa rin na naiwan sa heels ko.

"Gross, gross. Ang arte naman."

"Pa-heels heels pa kasi, eh."

"Tagarito ba 'yan?"

Napatingin ako sa isang gilid nang makarinig ng mga bulungan. May isang grupo pala ng mga nanay na nakatambay sa isang tindahan malapit sa 'kin. Ako ba ang sinasabihan nila ng maarte?

"And so?" taas-kilay kong tanong sa kanila.

Nagbulungan lang ulit sila pero mas mahina na so I can no longer understand what they're saying. Well, marami talagang tsismosa na gaya nila sa lugar na 'to kaya dapat masanay na 'ko. Inirapan ko na lang sila at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nandito nga pala ako sa isang baranggay sa Parañaque kung saan normal na marami kang madadaanang mga tsismosa sa bawat kanto. Kaya nga ayaw ko sa lugar na 'to, eh.

At kung nagtataka naman kayo kung anong ginagawa ko dito, well, this is my hometown. This is where I grew up. Pero hindi na ako nakatira dito syempre. Tinalikuran ko na ang buhay ko dito. Pero ang nanay ko ay dito pa rin nakatira and she's the reason why I'm visiting here.

Mayamaya,

"Wow! Chicks!"

"Ang puti ng legs, ah. Hehe."

"Hi, miss! Kailangan mo ng tulong?"

Napahinto ako sa paglalakad nang may madaanan naman na grupo ng mga lalaki na nakatambay dito sa tulay. Mga nakahubad sila. Mukha silang maaasim.

"No thanks," I said.

"Alalayan ka na namin."

"I said no thanks!" mataray kong sabi at pinandilatan sila ng mata. Mukha ba 'kong hindi nakakapaglakad ng maayos na kailangan pang alalayan?!

Nagmamadali na naglakad na ulit ako. I need to get out of here as soon as possible. Hindi ko na kayang i-take ang mga tao dito. I feel like I can't breathe.

"Ang suplada mo naman! Akala mo ang ganda mo! Mukha ka namang pokpok!" pahabol na sigaw ng isa sa kanila na malaki ang tiyan.

Sidechick 1: "Yes, I'm His Bitch!" [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon