[NICOLE]
Lakad-takbo ang ginagawa ko ngayon habang binabagtas ang pasikot-sikot na eskinita papunta sa bahay nila Jake.
I need to see him.
I need to know what happened to him.
I need to know that he's just okay.
Para mapatanag ako.
Sa wakas ay nakarating ako sa tapat ng bahay nila.
Hingal na hingal ako.
"Jake!" malakas kong pagtawag.
Walang sumagot.
Napatingin ako sa pinto nila–naka-padlock.
Biglang may sumilip na kapitbahay nila Jake.
Isang may edad na babae.
"Nicole? Anak ni Nela? Ikaw ba 'yan?" tanong nito.
"Uh... opo."
"Anong sadya mo?"
"Hinahanap ko po si Jake. May nangyari po yatang hindi maganda sa kanya, eh."
"Oo nga raw."
"Nasaan po siya?"
"Kakaalis lang."
"Alam niyo po ba kung saan siya pupunta?"
"Hindi ko alam, eh."
Paano na 'to?
Nagpalakad-lakad ako.
Hindi ko kakayanin kapag napahawak ng tuluyan si Jake.
"Subukan mong tingnan diyan sa labasan. Baka maabutan mo pa. Kakaalis niya lang talaga, eh."
Medyo nabuhayan ako sa sinabi ng babae.
"Sige po."
Naglakad na 'ko palabas ng kanto nila.
Pero pagliko ko sa isang kanto, natigilan ako nang may tumambad na isang aso.
Ito 'yong aso na kumuha ng isaw ko noon.
Tumahol-tahol 'to sa 'kin.
"Sshh. Bati tayo, doggie," pag-aamo ko dito.
Pero mas lalo lang lumakas ang pagtahol nito.
Galit na galit ito.
Tsk.
Takot pa naman ako sa aso.
Hindi ako makakadaan dito.
Tumingin ako sa daan na nasa likod ko.
Papunta 'to sa tulay.
At dead-end na pagkatapos ng tulay.
Pero may alam akong pwedeng lusutan doon papunta sa labasan.

BINABASA MO ANG
Sidechick 1: "Yes, I'm His Bitch!" [SPG]
RomanceSidechick Series #1: "Yes, I'm His Bitch!" (SPG) (Completed) (Nicole Policarpio's story)