15.10/17: Gold Digger

850 6 0
                                    

[SABRINA]

I can still remember that Kurt told me na anak-mayaman si Nicole at nagrerebelde lang sa family niya.

Kaya binibigyan niya ng pera si Nicole.

But the truth is, mahirap lang pala talaga si Nicole at gold digger!

"Argh! Nanggigigil ako sa babaeng 'yan!" galit na sabi ko.

"What should we do now, Sabrina?"

"Kaya nga. Now that we already know about this, pwede na ba tayong umuwi? Nanlalagkit na 'ko dahil sa init."

"Me too. At bukod sa ang init, ang baho at ang ingay pa dito."

"True. I can't live in this kind of environment. Yuck."

"We can't still go home, girls," sabi ko.

"What?!"

"I'm still not satisfied sa mga nalaman natin. We still need to verify everything. Kailangan pa nating magmanman."

"But how?"

Tumingin-tingin ako sa paligid ng bahay na pinuntahan ni Nicole.

Good thing, nagsimula nang maglakad palayo ang lalaki.

Sa harap naman ng bahay nina Nicole, may nakita akong parang isang maliit na milktea shop.

"There, girls. We can stay there," sabi ko sabay turo sa shop na nakita ko. "I think it's a milktea shop. We can stay there. It's also a good spot para mamanmanan natin ng maayos ang bahay nina Nicole."

Mukhang pagod na ang mga mukha nina Mara at Clara.

"Okay. But I hope it's air-conditioned."

"I hope too. Hindi ko na kaya ang init. Parang mabu-burn na ang face ko."

"Let's go, girls," sabi ko at nagsimulang maglakad.

Sumunod naman agad sina Mara at Clara.

Just wait, Nicole.

Malalaman din namin ang lahat!

Sidechick 1: "Yes, I'm His Bitch!" [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon