Prologue

130 3 0
                                    



Ringg ringgg ringgg~~~~


Tunog ng alarm clock ko nakapikit ang isa kong mata na tinignan ang alarm clock 9:30 a.m na pala pinatay ko na ito at bumangon na buti nalang at sabado ngayon pero bumangon ako ng maaga dahil may bibilihin akong libro na bagong release lang daw sa national bookstore


Inayos ko muna ang kama ko at kinuha na ang towel ko at pumanhik na sa banyo para maligo makaraan ng minuto ay natapos na rin ako at nakabihis na din bumaba na ko sa kusina para kumain 


kumuha lang ako ng tinapay at palaman na tuna spread at hinati ito sa dalawa at nagtimpla na din ako ng hot choco kung tatanungin nyo kung ako lang dito sa apartment eh hindi po dahil na una ng umalis ang kasama ko dahil may trabaho ito sa fastfood chain bilang cashier so ako lang ang naiwan dito magisa 


Pagkatapos kong kumain ay umalis nako pero syempre nilock ko yung mga pintuan mahirap na at baka manakawan pa 


hindi ako nababahala na kung hindi makapasok ang kasama ko dahil may extra susi ito kung matatagalan akong umuwi 


naglalakad ako sa papuntang waiting shed para maghintay ng bus umupo muna ako sa upuan ng waiting shed ng mga ilang minuto din ay nakarating na din ang bus na sasakyan ko 


Pumasok na ko sa loob kahit na wala ng maupuan dahil no choice ako kung maghihintay pa ko ng ilang minuto baka maubusan nako ng libro ang hula ko pa naman ay madaming bumibili dahil bagong release ng mga libro 


haysss


pagbaba ko sa bus ay dali dali akong pumasok sa mall para makapunta sa national bookstore 


lakad takbo akong pumasok pagkatapos akong in inspection ang bag ko sa pagkapasok ko ng mall ng sa kalagitnaan ng paglakad takbo ko ay may naramdaman akong pananakit puso ko 


parang hinahabol ako nito na hindi ko maintindihan wala naman akong natatandaan na sumakit ito ngayon pero bakit ngayon hinihimas ko ito at binaliwala nalang tumingin tingin ako sa harap at likod pero ewan ko may hinahanap ako na hindi ko maintindihan 


hayss baka pagod lang to 


buti nalang at nawala na din ang pakiramdam na iyon hayyy binuksan ko ang bag ko para kuhanin ang baon kong tubig  


pagkatapos ko itong inumin tumingin ako sa sign na national bookstore buti nalang at dito na ko nahinto nung may naramdaman akong hindi maipaliwanag kanina 


Napailing iling nalang akong pumasok sa national bookstore at hinanap ang mga libro nong nakita ko na ay isa nalang ito ng kukunin ko na ay saka naman may humablot nito 


pagkakita ko dito ay isang magandang babae base sa suot nito ay mayaman ito at hindi basta basta nakasuot ito ng office attire at naka glasses pa ito 


"Staring is rude you know." agad naman akong na nagising sa imahinasyon ko pero nong nalala ko kung bakit nandito ay bigla akong humarap sa kanya at hinablot din ang libro 

When We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon