The Castillos

4.4K 6 0
                                    

"My deepest condolences, my dear. Hindi ko inaasahan na maagang mawawala si Tunying. He was a good farmer, very loyal at talagang maaasahan."

Nilunok ni Daniela ang bara na nakaharang sa kaniyang lalamunan habang nakikinig sa employer ng kaniyang mga magulang. Nininerbyos siya habang kausap ito dahil kalat sa kanilang lugar kung gaano kasuplada ang isang Doña Castillo.

"Kumusta ang iyong Ina? Magtatatlong linggo na siyang hindi pumapasok ng walang pasabi." Pagpapatuloy nito habang matalim na nakatitig sakaniya.

"Pasensya na po, Doña. Hindi po kasi maganda ang kalagayan ng Inay simula ng mamatay ang Itay."

"I understand that death of a loved one is the most devastating thing that could've ever happened to someone, but people come and go, Hija. Hindi hihinto sa pag-ikot ang mundo para sa'yo dahil lang nawalan ka. I hired your Mom dahil akala ko naintindihan na niya ang mga rules sa pamamahay kong ito. Pero anong nangyari? Halos masira ang ilang linggo kong plano and our family almost lost millions of pesos because of your mother's incompetence. Kung hindi dumating si Julian para resolbahan ang ginawa ng iyong Ina ay nagkanda leche-leche ang lahat."

"Humihingi po ako ng tawad, Doña." Nakayukong sabi ni Daniela at halos lumuhod na sa harapan nito.

"Hija, kaya kong magpatawad. Pero ang gamit na nagkakahalaga ng ilang milyon na nasira ng iyong Ina ay hindi na maibabalik sa akin. What should I do about that, huh? Hahayaan ko na lang ba ang iyong Ina dahil hindi niya kayang mabayaran ang gano'ng halaga kahit ilang taon pa siya magtrabaho sa akin? Parang lugi naman 'ata ako doon, dear."

Tuluyan na ngang lumuhod si Daniela sa harapan ni Doña Castillo habang humihingi ng tawad sa pagkakamali ng Ina, at nagmamakaawa na h'wag itong ipakulong. Wala pang isang buwan na namatay ang kanilang Ama, ayaw niyang pati ang Ina ay mawalay sa kanilang magkakapatid.

"Ako na lang po ang magtatrabaho para sa inyo. Bata pa po ako at malakas pa. Kahit ho maliit lang sa sahod ko ang mapunta sa akin ay ayos lang po. Bata pa po ang mga kapatid ko at kamamatay lang din po ng tatay namin. Pakiusap po, patawarin niyo po ang Inay."

Doña Castillo stared at Daniela with her ferocious eyes as if she were going to swallow the young woman whole. Nanghihinayang siya sa dalagang ito dahil bukod sa taglay na kagandahan ay ubod din ng katalinuhan. Hindi lang ito natuloy sa pag-aaral sa kolehiyo dahil kapos ang kanilang pamilya at maagang nagtrabaho. Pero nasisiguro niyang maganda sana ang kinabukasan nito kung nakatapos lang ng pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho.

She knew a lot about this young woman because she was sometimes the topic of her nephews. She was also schoolmates with her son, Julian, and his wife, Katherine.

Matagal nag-isip ang Doña bago may sumagi sa kaniyang alaala. Tumitig ito ng husto kay Daniela at halos sisirin ang kabuuan ng dalaga gamit ang kaniyang matatalim na tingin.

She sighed and said, "Okay, pero hindi ka sa akin magtatrabaho kung hindi kay Julian at sa kaniyang asawang si Katherine. They're newly weds, and I believe they need someone to assist them in their new home. Are you willing to go to Manila and leave your family here, Daniela?"

Hindi na nag-isip ng matagal si Daniela at sumang-ayon na sa Doña. Kahit naman labag sa kaniyang kalooban ay wala siyang ibang magagawa kung hindi ang magsakripisyo.

~

"Daniela, it's nice to see you again. How are you doing?" Malaki ang ngiting bati sa kaniya ni Katherine habang inilalapag ang kulay itim na luggage. "I heard from Tita na you'll be working for us from now on?"

Ngumiti si Daniela dito. "Opo, Ma'am. Noong nakaraang linggo pa ako dumating."

"Ano ka ba. H'wag ka ng mag-po sa akin. Para namang hindi tayo naging classmates dati. Wala ba si Julian dito nung dumating ka?"

SPG One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon