𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄 🐾
-
𝐀𝐡𝐥𝐮𝐧𝐚 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳 𝐚𝐤𝐚 '𝐋𝐮𝐧𝐚'🌙"Ahlu! Tara na!" sigaw ni Max, bunso kong kapatid ngunit kung makaasta ay parang mas matanda pa sakin, kita niyo naman di ba? Ahlu lang ang tawag sakin.
Pagbaba ko ay kaagad ko siyang kinonyatan sa ulo niya.
"Aray naman!" daing nito pero inirapan ko lamang siya.
"Saan ba kasi ang punta ninyong magkapatid ha?" tanong ni Tiya Isang kapatid ng aking ama na namayapa na kaya't tanging ina na lamang namin ang sumusuporta saaming pangangailangan sa araw-araw, idagdag pa itong tiyahin naming... patawad saaking sasabihin ngunit isa lamang siyang pabigat dahil puro tulog at sakit sa ulo lamang ang kaniyang naiaambag sa pamilyang to.
Kung hindi pagbibingo sa umaga, lasing naman sa gabi, kung hindi ka nga naman minamalas.
"Tinatanong ko kayo? Wala bang sasagot ha?" tanong nito.
"Sasamahan ko muna ho si Maximo sa paghahanap ng magiging summer job niya para naman may ipangdagdag tayo sa mga gastusin dito.." paliwanag ko at tumikhim to.
"Sus, kung makapagsalita ka naman akala mo ay malaki ang kikitain niyo diyan sa mga yan, ang sabihin mo dagdag gastos yan sa pamasahe---"
"Tiya---"
"Kaya nga ho maghahanap kami ng trabaho sa malapit lang para hindi ho kailangan mamasahe, pero buti pa nga ho kami ni Ate naghahanap ng trabaho na kahit dapat ay ang inaatupag lamang namin ay pagaaral." inis na sabi ni Maximo kaya agad ko siyang tinapik dahil alam kong gulo nanaman ang mangyayare ngayon.
"Napayabang mong bagito ka, ano bang pinagmamalaki ninyong magkapatid, ha?! Sige sabihin niyo---"
"Tama na ho, hindi ho kami makikipagtalo sainyo, pasensya na." saad ko at tiningnan si Maximo saka hinila na palabas.
----
"Alam mo ikaw talaga, yang bibig mo!" inis kong sabi sa kapatid ko.
"Nako Ate, nagpipigil pa ako kanina." sabi nito. Napairap nalang ako, hindi ko alam kung saan ba nagmana ng ugali itong kapatid ko, napakabait ko namang kapatid.
"Pero alam mo Ate, hindi ko maintindihan si Nanay kung bakit pilit pa din nitong pinipigilan si Tiya na umalis kahit na ilang beses ng nagtangkang lumayas si Tiya." sabi nito na napapapaypay pa gamit ang envelope na hawak nito.
"Parang hindi mo naman kilala si Nanay, alam mo naman yun at saka tinutupad lang din nito ang pangako niya kay Tatay na hindi nito pababayaan si Tiya.." paliwanag ko.
"Ngunit Ate, hindi mo ba naisip na mas maganda o kaya maayos man lang ang buhay natin kung wala siya, dahil halos ang mga kinikita ni Nanay sa pagtitinda at paglalako sa palengke ay kinukupitan pa ni Tiya para lamang ipanglaro o ipangsugal." sabi ni Maximo na kinabuntong hininga ko.
"Wala tayong magagawa, alam naman yon ni Nanay pero isinasawalang bahala lamang niya." turan ko na kinailing lang niya.
"Kaya ikaw ayusin mo, magaral kang mabuti, tapusin mo ang pagaaral mo." sabi ko dito.
"Oo magtatapos ako, ng sa ganon ikaw naman ang makapag-aral, dahil sayang Ate Ahlu isang taon nalang tinigil mo pa." sabi nito at ngumiti ako.
"Ayos lang yan." sabi ko at ginulo ang buhok nito na kinasimangot niya kaya naman natawa ako.
Kung saan-saan na kami naghanap pero wala pa ding makita na malapit lang sana sa bahay namin para pwedeng lakarin.
"Ate, mukhang malabo to." sabi nito na nagpupunas ng pawis niya.
"Maximo, wala sa lahi natin ang sumuko. Hanggang pinagpapawisan ka pa diyan ng dahil sa init ay ibig sabihin lamang non ay may araw pa, ibig sabihin hindi pa tapos ang isang araw, ang ibig sabihin may oras pa tayo maghanap kaya naman tumayo ka na diyan at maghahanap tayong muli." sabi ko at napakamot naman siya sa ulo niyang sumunod sakin.
Napatigil naman ako sa paglalakad na pigilan ni Maximo ang kamay ko.
"Bakit nanaman? Magrereklamo ka nanaman ba? Nako Maximo sinasabi ko sayo, hindi uubra sakin yan." sermon ko dito at agad siyang napakamot sa ulo niya.
"Ate naman eh, pagsalitain mo kaya muna ako, salita ka ng salita diyan e hindi mo pa naman alam ang sasabihin ko." inis niyang sabi kaya natahimik ako.
"Ano ba kasi yun?" tanong ko at itinuro nito ang isang restaurant na may nakapaskil na Wanted waiter.
"Waiter?" tanong ko ng nakakunot ang noo saka tiningnan siya ng may pagaalangan saka pinasadahan siya mula ulo hanggang paa.
"Bakit?" takang tanong nito.
"Ikaw? Magwi-waiter? Talaga lang ha? E baka paghugasin ka diyan e sa bahay nga ang tamad-tamad mong magligpit ng pinagkainan natin at kahit maghugas man lang." pangaasar ko sakaniya at agad niya akong sinamaan ng tingin.
"Ate Ahluna!" inis nitong tawag kaya natawa naman ako.
"Alam mo Ate, ayos lang yan at saka kapag waiter kukunin ko lang ang order nila at magse-serve ng pagkain, ganun." sabi nito kaya napatango-tango naman ako, ganun pala yun, akala ko maghuhugas HAHA ay dishwasher pala yon, grabe isang taon lang akong hindi nagaral ah, pumurol na kaagad ang utak ko.
"At saka grabe ka sa tamad ha, for your information sayo madam, masipag ho ako." sabi nito at natatawang tumango-tango.
"Sige, sabi mo yan eh." sabi ko at inirapan naman niya ako at pumasok na nga kami sa loob.
Pagpasok namin ay kaagad yumuko saamin ang isang babae.
"Welcome po." sabi nito ng nakangiti at nginitian naman siya ni Maximo.
"Ate, ang ganda niya." sabi nito ng makalayo kami sa babaing sumalubong saamin kaya napalingon ako at tumaas ang isang kilay.
"Hoy Maximo Postacio, Perez. Andito tayo para sa summer job mo ha, hindi para maghanap ng love life." sabi ko at sinimangutan naman niya ako.
"Hello Ma'am, Sir Good afternoon, may I know what is your order?" tanong nito sabay pakita ng menu saamin kaya agad napataas ang kamay ko.
"Ay no, no este hindi, naghahanap kami ng work. Actually itong kapatid ko, nakita kasi namin yung nakapaskil sa labas na hiring kayo ng Waiter masipag po itong kapatid ko." sabi ko.
"Ahh yun po ba, sige po tawagin ko lang po ang boss namin, maupo po muna kayo." sabi ng babae samin kaya tumango ako.
----
Ilang sandali lang ay lumabas sa isang pinto ang magandang babae kaya tatayo sana ako pero mas nauna pa itong kapatid ko, jusme talaga.
'Pag babae, ang bilis-bilis, napapailing nalang ako habang nakatingin sakaniya kung paano makipagshake hands kay Ma'am.
"Oy Maximo, tama na, wag mong pigain yung kamay ni Ma'am, nako pasensya na kayo sa kapatid ko ha, ngayon lang ho kasi siya nakakita uli ng maganda bukod ho sakin." sabi ko at natawa naman si Ma'am.
"Oh my god, sorry natawa ako, nakakatawa kayo." sabi nito.
Agad kong hinila si Maximo palapit sakin. "Loko tong babaing to ah, ang ganda-ganda pero ginawa lang akong clown, sikmuraan ko naba to?" bulong ko sakaniya at pinandilatan naman niya ako ng mata niya kaya agad na napazipper ako saaking bibig, sabi ko nga eh shut up di ba.
BINABASA MO ANG
One Night Stand with a Stranger [Completed]
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...