𝖢𝖧𝖠𝖯𝖳𝖤𝖱 10
Nasa harap na kami ng bahay ko at kanina ko pa sinasabi na umalis na ito dahil hindi ako makakatok sa bahay dahil baka makita siya ni Nanay, naiwan ko kasi ang susi ko kaninang umaga sa pagmamadali na maabutan ako ni Nanay, hanggang ngayon kasi ay hindi pa din niya ako kinakausap kaya umiiwas na lamang ako.
Ngunit sadiyang pinaglihi ata talaga si Sir Syxto sa bato sa sobrang tigas ng ulo.
"Aalis lamang ako kapag pumasok kana." saad nito.
"Ayos na ho ako dito, sige na umalis na po kayo." sabi ko.
"Bakit ba ayaw mong pumasok? Siguro..may dadaanan ka pa." sabi nito na kinanganga ko.
"Sir wala na po akong ibang dadaanan, kaya sige na umalis na po kayo." sabi ko at napabuntong hininga siya kaya naman akala ko ay aalis na siya pero biglang dating naman ni Tiya Isang kaya napapikit ako ng mariin.
"Anong ginagawa mo dito sa labas, bat hindi ka pa napasok?" tanong nito at sa lakas ng boses ni Tiya ay siguradong rinig na yon sa loob at hindi nga ako nagkamali dahil bumukas na nga ang pinto at iniluwa don si Nanay na seryosong nakatingin saamin.
"N-Nay?" kinakabahang saad ko at napatingin naman siya sa lalaking nasa likuran ko.
"Good evening po, Ma'am." bati ni Sir Syxto na kinayuko ko, lagot na.
"Sino 'tong lalaking kasama mo, Ahluna?" tanong ni Tiya at napalingon naman ako kay Nanay at tila nagaantay din siya ng isasagot ko.
"Ahh..si Sir Syxto po...ang boss ko po.." sabi ko at ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko.
"Boss mo? Ang sosyal mo naman dahil may pahatid pa sayo ang boss mo." sabi ni Tiya at parang gusto ko na lamang busalan ang bibig ni Tiya sa kaniyang pagkaatribida.
"Tiya, husto na ho." mahina kong saad at natawa naman siya.
"Marahil ikaw ang lalaking nakasiping ng aking pamangkin, ano?" walang ano-anong tanong nito kay Sir na kinagulat ko.
"Tiya!" bulalas ko.
Nilingon ko naman si Nanay at tila iba na din ang expression ng mukha nito.
"Ikaw nga ba?" tanong naman ni Nanay at mas lalo akong kinabahan.
"Hindi po Nay/ Oo, ako nga po." halos sabay naming sabi kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Sir naman!" mahina kong sabi dito.
"Huwag kang magsisinungaling sakin, Ahluna, sinasabi ko sa'yo lalo tayong magtatalo." sabi ni Nanay na kinayuko ko.
"Siya ba ang lalaking nakasiping mo o hindi!" sabi nito at huminga ako ng malalim saka tumango.
"Siya nga ho, inay.." sabi ko at nag-antay ako ng isisgaw nito pero wala akong narinig kundi.
"Pumasok kayo sa loob." sabi ni Nanay na kinaangat ng tingin ko, hindi ko man alam kung bakit pero sumunod nalang kami.
Pagpasok namin ni Sir ay naupo kami sa sala at naupo sa parang sofa na gawa sa kawayan.
"Anong balak mo sa anak ko?" tanong ni Nanay na kinatingin ko kay Sir saka sakaniya.
"Nay, anong hong sinasabi ninyo?" tanong ko at lalo lamang nadaragdagan ang kaba sa dibdib ko.
"May nangyari sainyo? Ganun nalang ba yun?" tanong nito.
"Hindi ba kung matino kang lalaki alam mo sasarili mo na ikaw ang nakauna sa anak ko kung kaya't pananagutan mo siya." sabi ni Nanay
"N-Nay naman, tama na ho." saad ko sabay hawak sa kamay nito ngunit tinabig lamang niya.
BINABASA MO ANG
One Night Stand with a Stranger [Completed]
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...