Isang linggo na rin ang nakakaraan ng magumpisa ang pasukan, busy ang lahat sa paggawa ng kanikanilang flag independence day kasi bukas.
"hoy bes, pahingi ako ng color paper mo wala na pala akong red."
"ano? kakabili lang natin kahapon yan ah"
"namali kasi ako ng cut imbis na parectangle, naging puso naman na ahahah" sabay proud na pinakita pa ito sakin, hay naku kahit kailan talaga itong si kia.
"ayaw ko bilhin mo kung gusto mo dalawang piso." sabi ko rito sabay ngisi.
"ano? napakamahal mo naman."
"oo naman mahal talaga ako ahahah"
"Yra Pahinga ng red mo"
"luh! mga to magsi bili kasi kayo, oh heto na oh kia, oh geo okay na? oh sige magsilayas na kayo dito."
grabe tong mga to.
"hmmmmp.... Niña?"
"oh problema mo? hihingi ka din? ito na oh" aabi ko rito ng di tinitignan busy ako eh.
"uhmm. hindi naman ako hihingi eh"
"eh ano?" sabi ko rito sabay lingon.
"ah ano" sabay kamot sa batok
"ahy sorry, ano ba yun?"
"tatanungin ko lang sana kung sino ang group mo sa filipino?"
"ahy oo nga pala kagrupo kita, yung sa Ibong Adarna na ibubuod yan diba?"
"oo, sa library na lang natin gawin mamayang vacant time."
"sige di bale tayong apat naman nina kia at geo ang magkakagrupo madali na lang yun."
"sige sige."
"Hoy! nalingat lang ako saglit may nagaganap ng kung ano dito?"
"magtigil ka nga nagtanong lang about sa filipino."
"ahy oo nga no nakalimutan ko na din tuloy, paano naman kasi 1 week pa lang ang klase halos pang 2nd grading na din ang binigay na activities."
"kaya nga eh, napapagod na yung utak ko."
"meron ka ba?"
"grabe ka meron naman kahit papaano ahahah"
"gaga, ahah"
"ahy, nga pala sabi ni madam may role play tayong gagawin para sa ibong adarna dahil ikaw lang naman itong magaling kumanta satin sa grupo ay ikaw na ang bahala duon."
"kailan sinabi? gagi bakit ngayon lang sinabi?"
"eh, nakalimutan daw hayaan mo na basta importante mahalaga."
"ewan ko sayo baliw."
"lahat daw tayo hindi na daw by group kaya mamaya maguusap usap tayong lahat."
"okay sige sige, ilagay na natin ito sa harap."
nilagay na nga namin yung natapos naming flag sa harapng aming classroom.
pagdating nga ng aming filipino time ay agad kaming nagusapusap, sa pangunguna ni kia.
"So guys, sabi nga ni sir Peralta gagawa tayo ng role play ng ibong adarna, kaya ngayon magdedecide tayo kung sino ang ibong adarna at tatlong magkakapatid."
"yung tatlong magkakapatid sina Ciro, Geo at Jer na lang." sabi ni Vanessa isa sa kaklase namin.
"pwede din eh yung adarna?"
"pwede namang ako ahehe" suhestyon ulit neto.
"luh! si Ynara na lang." pangongontra naman nitong si geo at sinangayunan naman ng karamihan.
"tsk bahala kayo." walang nagawang sabi ni vanessa.
"okay so final na, si geo, ciro at jer ang tatlong magkakapatid at si Ynara ang Ibong adarna. start na lang tayo ng practice bukas guys."
At dahil wala si sir peralta dahil may meeting sila para sa darating na nutrition month ay vacant time namin ng dalawang oras kaya napagdecisyunan ng lahat na gumawa muna ng gagamiting props para sa role play namin.
"hmmmmm... Niña pwede na nating aralin ang ating dialogo para maunti unti na." sabi ni lesyel oo Niña tawag niya sakin ng maiba naman daw kaya lesyel naman sakin dahil lahat sila dito ciro ang tawag.
"sige ba, para madali na lang iact."
kaya naman napagdesisyunan naming dalawa na pumunta munang library at duon basahin ang buong kwento.
habang nagbabasa kami diko maiwasang hindi tumitig sa mukha nitong si lesyel. Grabe naman sa ganda ng mukha nito.
"baka naman matunaw ako sa pagtitig mo? aheh" panunukso nito sakin dahil nahuli ako nitong nakatirig sa kanya.
"uy! nalingat lang naman grabe ka."
"alam mo ang ganda mo, walang halong biro." hirit pa nito
"h-hu-h wag ka ngang ano dyan, magbasa kana nga lang ng tahimik baka mapalabas tayo dito eh."
"ahah namumula kana, alam mo pwede mo naman akong maging kaibigan kung gusto mo para may kaibigan ka nang pogi." sabi nito sabay ngiti ahahah loko
"ahahah pwede na din ahahah" sabi ko rito ng biglang may magsalita sa harapan namin.
"ahemmm kung magiingay kayo lumabas na lang kayo ng library." sabi ng librarian
"sorry po ma'am,sige po aalis na po kami hiramin na lang po namin itong libro, salamat po." sabi ko na lng dito at hinila na ang kasama ko ng makalabas na kami ng library sabay na lang kaming natawa ni lesyel.
"ikaw kasi ang ingay mo yan tuloy."
"ahahh no way ikaw kaya maingay."
"luh! ahah tara na nga." nagpatiuna na akong naglakad ng bigla itong magsalita.
"Hey Niña, Call me Yel dahil Bestfriend na tayo." sabi nito sabay akbay sakin at naglakad na kaming pareho.
Bestfriend na daw kami?
_____________🧚🧚🧚____________
I Fell inlove w/ my best friend?
Ayieeeee🤍🤍🤍🤍
BINABASA MO ANG
VISIONS OF FOREVER
FanfictionForever? iba-iba tayo ng pananaw sa katagang Forever. Katulad ni Ynara Niña na naniniwala sa forever ng makilala na niya ang kanyang crushie. ang tadhana kaya ay sasangayon? o Hanggang Pangitain na lang ng Magpakailan man ang kanyang mararanasan? A...