Nagsimula ito ng First year Highschool kami, wag kayong ano diyan imposibleng di kayo nagkacrush? ahaha
Highschool isa sa pinaka memorable na part ng buhay natin, dito tayo nagkaroon ng barkada, kaaway, nakakilala ng mga mean girls at dito tayo unang nainlove oh diba totoo naman ahahah, so ganito nga yun.
"Hoy bes anong section ka?"
"sa HOPE ako ikaw?"
"syempre same tayo, ayieee"
"ayun naman pala tara na sa room, baka malate pa tayo terror pa naman daw yung advisor natin."
"naku baka si ms. reyes, napakafamous nun sa lahat ng studyante napaka terror daw nun, grabe daw pag magpunishment."
"ahahah wag naman sana tayong buenas"
nakarating na kami sa room na hindi naman late sakto lang ang dating namin, karamihan sa mga kaklase namin ngayong first year mga kaklase namin nung elementary din. small world
syempre sa highschool di mawawala ang self intro, maraming new faces kasi, actually itong school namin malapit lang dun sa elementary kung saan kami nagaral ni bespren, kaya marami din ang nagstay, loyal kami eh ahahah
"Let's start your self intro. from row 1 to 4, start miss"
nasa 2nd row kami third seat ayaw namin sa harap baka pag inantok kami di kami makatulog, ahah joke lang mas maganda kasi dito nasa tapat ng electric fan, syempre dahil public tayo sanay na tayo sa electric fan, natapos na nga ang 1st row kaya kami na ang susunod.
it's Us na.
"Hi everyone I am Kia Faye Oinuma or Kia for short, masaya akong makita kayo ulit at makilala ang mga transferees."
"Hi everybody Ynara Niña Esclito, just call me Yra nice meeting you again and sa mga bago nice to meet you guys."
all smile pa yan huh ahahah, sa totoo lang mahiyain naman talaga kami pero siguro dahil sa adrenaline rush luh! ano daw? ahahaha, makinig na nga lang tayo next na ang row 3, nakapagpakilala na ang sa first to 3rd seat sa row 3 may tatlong lalaki na lang ang magpapakilala para row 4 na.
"Geo Daze Marquez, Hello sa inyo sana marami pa akong maging kaibigan sa inyo." bibong pakilala netong isang transferee
"Haimer Jer Lisbo, single ahah nice meeting you guys." Jolly naman neto ahaha
ayan na yung panghuli na kanina pang tinitignan nitong mga kaklase namin"Ciro Lesyel Manalo, nice meeting you guys."
mga kaklase kong nagsi bulungan pagkatapos niyang magpakilala, shy type yarn, ako din naman ahahnagpakilala din ang aming advisor for the whole school year siya si ma'am Maria Reyes english teacher sobrang strikto, pero pag sa klase lang. Tumunog na nga yung bell hudyat na breaktime na.
"tara na sa canteen baka mawalan tayo ng upuan." sabi ni kia sabay hila sakin pero dahil sa di ako handa sa paghila niya ay muntikan na akong makipaglips to lips sa sahig, buti na lang nakakapit ako sa...sa ....sa braso? tiningala ko ang taong ito at nagulat ako dahil si ciro yung bagong studyante.
"So..sorry, pacensya na." sabi ko rito sabay tayo ng maayos.
"okay lang next time magdahan dahan ka na lang." sabi nito at umalis na kinurot ko naman sa tagiliran itong si Kia.
"ikaw kasi eh"
"sorry na ahehe"
"tara na nga, ikaw talaga kung di lang kita talaga kaibigan."
"pero infareness hah, mabait yung ciro na yun."
"paano mo naman nasabe?"
"syempre tinulungan ka niya, kung di dahil sa braso niya nakipagface to face kana sana sa sahig ahaha."
"aba, ewan ko sayo tumingin na nga tayo ng mauupuan."
"teka wala ng space bes, hmmmm..... ah ayun tara"
sumunod lang ako kay kia kung saan ba ito patungo.
"Hi guys, pwede bang makishare ng table wala na kasing space dito na lang may available."
"oo naman"
"thank you" sabi ni kia all smile pa yan, mga kaklase din pala namin ang mga katable namin from elementary ahehe.
"Hoy, nabalitaan niyo pala yung about kay Khami?"
"anong meron?"
"babalik daw siya dito guys di ba nga lumipat siya pero babalik din daw."
"baka kasama na ang kakambal niya?" sabat nitong si kia, yeah we know her kasi since grade 1 magkakaklase na kami at kaibigan din namin yun kaya nga nalungkot kami nung nalaman namin na lilipat siya, pero buti naman nakapag isip siyang babalik din dito.
"Sana nga bumalik na siya namimiss ko na yung bruhang yun."
"Oo nga eh sana kasama na din si shena para happy together again na tayo."
pagkatapos namin magbreak diretso na din kami agad sa room at duon tumambay, ang init kasi sa labas.
"Ay PALAKA!"
"ahaha magugulatin ka parin bes"
"gaga, ikaw ba naman tusukin sa kilikili dika magugulat? problema mo?"
"Ang Boring!!!!"
"Baliw, ahaha"
maghapon nga kaming nagself intro lang at nakinig sa mga magiging flow ng aming aralin natapos ang maghapon na parang pagod na pagod ako.
"tara na bes?"
"wait lang iwan ko lang tong mga libro sa locker, yung sayo ba?"
"nalagay ko na kanina pa."
"sige sige, wait lang"
habang naglalagay ako sa locker ko ng mga libro, merong tumabi sa akin at binuksan ang katabi kung locker si ciro pala ito, pero di ko na siya pinansin at naglakad na ako palayo.
"hoy dalian mo."
"ito naman parang laging nagmamadali."
"sorry naman daw, baka kasi mahirapan tayong sumakay ng jeep."
dali dali nga kaming naglakad papuntang sakayan, andami na ngang studyante paunahan na lang.
I'm home!!! ayoko ng ikwento ang nangyari kanina kasi nga po di biro ang napagdaanan namin kanina.
"oh anak andyan kana pala, sige na magpalit kana ng damit mo at ipaghahain kita ng meryenda."
"sige po ma, salamat po" hinug ko nga si mama bago pumuntang kwarto ko.
pagkatapos kung magbihis ay nahiga muna ako saglit, napaisip ako sa mga maaaring mangyari sa buong school year nakakaexcite.
"anak, magmeryenda kana muna duon."
"sige po ma."
basta maeenjoy ko ang aking highschool.
___________🧚🧚🧚___________
Ano kaya ang mangyayari sa mga susunod na chapters?
Story time:
sa totoo lang po kinikilig ako habang sinusulat ang kwentong ito.SKL🤣
BINABASA MO ANG
VISIONS OF FOREVER
Fiksi PenggemarForever? iba-iba tayo ng pananaw sa katagang Forever. Katulad ni Ynara Niña na naniniwala sa forever ng makilala na niya ang kanyang crushie. ang tadhana kaya ay sasangayon? o Hanggang Pangitain na lang ng Magpakailan man ang kanyang mararanasan? A...