Chapter - 26

295 51 33
                                    

Pauline

Hindi ko akalain na may ganito pa lamg kaligayahan sa mundo. Mahirap ipaliwanag at ang tangi ko lang naiintindihan ay wala nang mas sasaya pa sa akin sa mga sandaling ito.

Pareho kaming nakasakay sa kabayo at yakap ako ni Lucas sa unahan niyon. Tinuturuan niya ako kung papaano magbalanse sa pangangabayo.

Mula nang magtapat ang binata kahapon ay palagi na siyang nakadikit sa akin. Kahit nga kasama namin si Kuya Jeremy ay wala itong pakialam.

Ngayon ay inaya niya akong mamasyal sa iba pang parte ng hacienda na hindi ko pa nakikita tulad ng maisan at kapehan. Nilibot namin iyon habang sakay ng kabayo. Parang naninikip ang dibdib ko sa labis na pagibig sa binata. Kung ako ang tatanungin ay ayoko nang mawalay pa sa piling nito.

“L-lucas, mami-miss kita pagbalik namin sa Manila,” sabi ko sa nobyo nang huminto kami sa lilim ng isang puno. Doon kami kakain ng tanghalian dahil may baon kami.

“Ako rin naman,” anito na tila may biglang naisip.

Yumakap ako sa isa niyang braso. “Paano kung ayaw ko nang umuwi?”

Napalingon ito sa narinig. “Pauline, nag-aaral ka pa. Baka sugurin ako ng daddy mo kapag ginawa mo iyan.”

Lumabi ako kay Lucas. “Ang layo naman kasi nito sa amin. Paano tayo magkikita?”

“Hayaan mo’t gagawa ako ng paraan. Kailangan ko lang munang makausap ang daddy mo tungkol sa atin...” anito.

“P-paano kung pilitin ka nga niyang magtrabaho sa VBC?” tanong ko na biglang kinabahan. Ayokong dumating sa puntong papipiliin nga ng aking ama ang nobyo ko.

Bumuntong hininga si Lucas saka ako inayang maupo sa damuhan. “Paano kung sabihin ko sa’yo na hindi ko kayang iwan ang haciedang ito? Mahalaga sa akin ang pinaghirapan ni Mama. Pati mga magsasaka rito ay halos tatay at tiyuhin ko na kung ituring.”

“Lucas, naiintindihan kita. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala kay daddy. Hindi ka niya pipilitin sa bagay na ayaw mo.”

Ngumiti si Lucas bago tumango-tango sa akin. Napatitig naman ako sa mukha niya bago mayamaya ay pinatulis ang nguso.

“Kiss,” utos ko na ikinatawa nito. Hinalikan niya ako nang mabilis sa ibabaw ng labi. Mayamaya ay naghain na ito ng dala naming pagkain at masaya naming pinagsaluhan iyon.

“Ilang ang gusto mong anak?” tanong ko na bigla nitong ikinabulunan sa nginunguya.

“Bakit ganyan ang tanong mo?” anito matapos uminom.

“Para may idea ako. Ako kasi’y apat ang gusto para masaya sa bahay.”

“Tsk. Maaga pa para pag-usapan iyan.”

Lumabi na naman ako sa nobyo. Ayaw ba nitong pagplanuhan agad ang future namin? Dahil nag-boyfriend ako ng mas matanda sa akin ay expected ko nang maaga akong mag-aasawa. Ayoko itong paghintayin nang napakatagal.

PAGKAUWI namin sa bahay nila ay nakangiti akong dumiretso sa silid. Hindi ko pinansin ang nakahabol na tingin nina Freya at Dale. Maliligo ako sa likod-bahay dahil usapan namin ni Lucas na magkikita sa may kwadra. Doon kasi ang napili naming tambayan tuwing gabi.

Si Dale ang nagprisintang ipagbomba ako ng tubig habang naliligo roon.

“Ang saya mo, ah? Kayo na ba?” puna nito sa akin.

“Oo, kahapon pa,” sagot ko habang ngiting-ngiti.

“Ang daya mo naman. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?”

“Nakalimutan ko, eh. Saka hindi ka naman nagtanong.”

“Ganoon?”

“Oo. Nagtapat siya sa akin at ang sabi niya mahal na mahal niya ako at hindi siya mabubuhay nang wala ako, ayii!!!!” kinikilig kong kwento habang kinukuskos ng sponge ang kili-kili. Nasasanay na yata ako sa pagtabo ng tubig panligo. So proud of me.

Until I Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon