"Pupunta"
"Hindi pupunta"
"Pupunta"
"Hindi pupunta"
Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay namin. Walking distance lang din naman kasi. At para na akong shungang nagsasalita mag-isa. Pano ba naman kasi, bukas na pala ang js prom at nahihiya akong pumunta dahil wala akong date :( Actually, meron na naman talaga sana eh, si Kyle classmate ko. Tinatong niya ako kaninang umaga, syempre pumayag na ako kesa naman wala akong date. Ang kaso, kinausap niya ulit ako kanina bago ako umuwi. Sabi niya ay wag nalang pala daw dahil may iba na pala siyang date. Ang labo nga eh! Tinatong niya pa ako eh meron na pala siyang date. Nakakainis talaga!
"Hoy babae!"
"Ayy pusa!" napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa gulat. "Ano ba naman yan Yka, ba't ka ba nanggugulat? Magkaka-heart attack ako dahil sayo eh!"
"Hehehe peace" at nag peace sign pa kuno siya eh muntik na niya akong patayin sa gulat. Ang babaeng to talaga!
"Tsk! Oh ba't ka nandito? Sa pagkakaalam ko hindi dito ang daan pauwi sa bahay niyo ah!"
"Actually, kanina pa kita sinusundan. Nakakapagtaka dahil hindi mo man lang ako napansin, parang ang lalim ng iniisip mo."
Ehh? Sinundan niya pala ako. Hindi ko tuloy napansin. Kasalanan to ng Kyle na yun eh! >_<
"Ahh ganun ba? Sorry, may iniisip lang."
"Iniisip? Ano naman yun?" nagtataka niyang tanong.
"Naisip ko lang, hindi nalang siguro ako pupunta bukas sa js prom."
"W-what??? Why???" O___O
"Wag ka ngang OA jan!"
Makapagreact naman to, hmmpp...
"Seryoso, bakit naman? Sayang kaya." nanghihinayang niyang sabi. Maski naman ako naghihinayang din eh. Kaya lang, nakakahiya talagang pumunta pag wala kang date.
"Binawi ni Kyle ang sinabi niya, may iba na pala daw siyang date."
"W-what??? Like seriously? Ehh abnormal pala yun eh! Sarap niyang ihagis sa bermuda triangle kasama si Jeric dahil pareho silang nakakayamot! Mga estupido!" naiinis niyang sabi.
"Hayaan mo nalang yung mga yun! Haaayyy..."
Naisip ko lang, at first niyaya ako ni Jeric, pero kalaunan binawi niya. At ngayon naman si Kyle. Seriously, bakit ba ang malas ko? >_< Am I ugly?
"Yna?" huminto si Yka sa paglalakad kaya lumingon ako sa kanya.
"Hmmm?"
"Diba may nagpapadala sayo ng sulat? Eh kung siya nalang kaya?"
"Ano? Hindi ko nga kilala kung sino siya eh! Baka mamaya creepy stalker pala siya."
"Malay natin GWAPO rin pala siya at hindi isang CREEPY STALKER. Siguro matagal na yang may gusto sayo. Hindi lang masabi-sabi kaya idinaan nalang sa sulat."
At ipinagdiinan pa talaga ang salitang gwapo at creepy stalker no?
"Sana man lang nagpakilala siya diba? Para naman may assurance. Isa lang ang ibig sabihin non, hindi siya nag-iisip. That's it."
"Kilalanin mo muna kaya bago mo sabihing hindi siya nag-iisip. Alam mo maraming boys na TORPE!"
Ipinagdiinan ulit ang salitang torpe. Err >__>
"Eh paano ko nga siya makikilala eh hindi naman siya nagpapakilala! Tsss"
"Eh di pumunta ka bukas sa js prom! Makipag meet ka sa kanya. Simple as that!"
"Ano? Ayoko nga!" sabay cross arms.
"Ano ba naman yan! Ikaw... Bahala ka... Ahh! Sabi nga pala ni ma'am ang hindi pupunta ay walang extra points. Aba't sayang din yun no! Sige Yna, una na ako ha? Bye-bye.."
Kinindatan pa niya ako atsaka tumakbo habang winawagayway ang kanyang kamay.
Kumusta naman daw yun? -_-
Arrgghh >_<