Dear crush,
Okay lang kaya kung makipag meet ako doon sa creepy at misteryosong taong nagpapadala sa akin ng sulat? Haaayyy... Ang totoo niyan, naiinis talaga ako ngayon eh! Kasi naman eh! Una, inaya ako ni Jeric tapos kalaunan biglang binawi; Pangalawa, inaya ako ni Kyle tapos kalaunan binawi ulit dahil may iba na pala daw siyang date. Oh see? Sinong hindi maiinis diba? Arrgghh >_< Hindi nalang kaya ako pupunta. Kaso sayang naman ang points :( Mabuti ka pa, hindi mo na kailangan problemahin kung sinong date mo. Sa dami ba namang babaeng nagkakagusto sayo. Hmm, nakukulitan ka na kaya sa akin? Sorry ha wala kasi akong ibang mapagkwentohan ngayon eh. Ayoko namang istorbohin si Yka, mamaya niyan ma distract pa siya. Si Gian pa naman date niya, ang kanyang long time crush. Nakakatawa talaga. Ang malas ko naman. Pangit ba ako?
- Yna