"Maghahating gabi na pala" sabi ko sa aking sarili.Hello, ako nga pala si Christine Joy huwag niyo nang alamin yung apilyido ko at ito nga pala ang aking mga.....sabihin nalang ating nakakatakot na karanasan..Nasanay na akong matulog ng around 1am dahil sa panunuod ng k-drama. Ngunit hindi ko inaakalang dito pala mag sisimula ang aking kinakatakutan.
Mag isa ako sa apartment na inuupahan ng kaibigan ko dati. Nagustohan ko ang aking pananatili dito dahil ang ganda talaga ng kwarto sa apartment na ito.
Isang gabi kung kailan nag simula ang pangyayaring hindi ko malilimutan. "Hayst, ano bayan. Episode 13 lang ba talaga ito? Nakaka bitin naman" sambit ko ng may pagkainis. Tiningnan ko ang aking orasan."ay, malapit na palang matapos ang hating gabi" wika ko.
Inayos ko ang aking higaan para matulog na.Humiga ako, akmang matutulog na sana ng may narinig akong boses na nagmumula sa sala. "boses ng babae yun ah" wika ko.
Pinuntahan ko ito para tingnan. Ngunit, wala namang tao nang makarating ako.
"Ha? Weird." sabi ko nalang sa aking isipan. Maya-maya pa ay may narinig naman akong ingay na nagmumula sa loob ng aking CR.
Pinuntahan ko ito, laking gulat ko ng makita ang isang babaeng duguan. Nakaramdam ako ng kaba at takot."sino ka?" tanong ko sa babae. Tumawa lang ito, sabay sabing " hindi mo ba na-aalala ang oras na ito?". "oras na ito? Ano ang iyong ibig sabihin?" tanong ko sabay tingin sa aking selpon. 1am na pala, ito nga pala ang oras na nagpakamatay sa apartment na ito ang aking kaibigan.