Chapter 1
Excited na akong pumasok ngayon sa klase. Pasukan na naman, namiss ko na ang aking mga kaklase at kaibigan. Pati na rin ang mga guro (naks naman, sumisipsip!) at syempre mawawala ba naman ang aking mga crushes? Oo, hindi lang isa. Marami akong crush. May angal? Ako nga pala si Emmaline Louise Fernandez pero tawag ng mga kaibigan ko sa akin, Elle. Nasa 3rd year na ako sa isang private school.
Nagmadali na akong naligo at kumain. Ayaw kong ma-late sa unang araw ng pasukan noh. Baka mapaglihian ko ang pagka-late, mahirap ng ma-guidance. Pagdating ko sa school, nandun na ang aking mga kaibigan, as always, ako na naman ang huli. Tatlo kaming mabebestfriends.
"Elle!!!!" tili ni Vanie sabay kaway! Parang miss na miss talaga ako ah?
Si Vanie ay isa sa mga bestfriends ko. Siya ang pinaka-friendly sa aming tatlo. Magaling din siyang sumayaw at sige, magaling na rin siyang kumanta. Siya rin ang pinakamadaldal. Hindi ko sinasabing hindi ako madaldal, I'm just saying na mas madaldal siya.
"Kumusta na?" si Jamie, bestfriend ko din. Ito namang taong may pagkamisteryosa. Pero wag ka, matalino yan. May pagka-bookworm din siya tulad ko kaya nagkakasundo talaga kami. Siya naman ang pinaka-artistic sa aming tatlo. Mapa-drawing, painting, photoshop, pagmamake-up, kayang-kaya niya yan!
"Oh my god!! I miss you so much girls! I'm fine! Kayo? Kumusta? I really missed you!" sabay beso at hug ko sa kanila.
Na-miss ko talaga 'tong dalawang 'to. Para na kasi kaming magkakapatid. Kami palagi ang magkakasama sa pag-aaral man 'yan o mapabulakbol man. Kami na rin ang nagdadamayan sa aming mga problema especially pagdating sa pamilya at sa pera.
"Ok lang din kami! My gaawwdd! Ang daming nangyari over summer!" energetic na sabi ni Jamie. Kaya naman nagchikahan na lang kami habang hinhintay ang time.
Marami kaming napag-usapan. Tungkol sa aming summer vacation at syempre sa aming mga crushes. Mawawala ba naman 'yan?
"Alam mo ba Elle na ang gwapo ni Alec ngayon? Gosh, maglalaway ka talaga! Iba na ang gupit niya at mas nagmature na 'yung face niya." Si Vanie. Si Alec nga pala ay taga-kabilang section na crush na crush ko. Sabi ko nga na marami akong crushes but as of now, siya ang aking super crush. Magkamukha kasi sila ni Enrique Gil.
At dahil nga crush ko siya ay HINDI kami friends. Nahihiya kasi ako makipag-usap sa mga crushes ko. Alam ko kulang ako sa confidence!! AKO NA TALAGA!!
"Talaga? Hindi ko pa siya nakikita eh." Automatic naman na tumingin ako sa palibot para hanapin si Alec.
"Nakita ko na siya kanina Elle, totoo nga ang sabi ni Vanie." Sang-ayon ni Jamie. Hahanapin ko pa sana siya pero sadyang masaklap ang tadhana at saka pa tumunog ang bell.
"Let's go to the classroom girls!" yaya na ni Vanie
"Later mo na lang siya hanapin Elle. Makikita mo rin naman 'yun eh." Pampalubag loob pa ni Jamie.
Sige na nga lang. Makikita ko rin naman 'yun eh. 'Ika nga nila, save the best for last.
Hayyyy, salamat natapos din ang English at Chem. Two down, another two to go. Pinakapaboritong subject ko na rin, ang RECESS!! J Syempre masaya ako, aside sa makakakain na ako, makikita ko pa ang crush ko. Papunta na kaming tatlo ng bestfriends ko ngayon sa canteen at ayun nga ang hinahanap ko. Bumibili ng pagkain at mas gumwapo nga talaga siya. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. Tapos na silang bumili ng mga kaibigan niya ng pagkain. Saktong-sakto namang papalapit siya sa amin. Nginitian niya pa ako.
"Hi!" sabay taas ng kamay niya. Ngumiti din ako at magwawave back na din sana ako nang pigilan ni Jamie ang kamay ko.
"Hindi ikaw ang kinakawayan, 'yung nasa likod natin." Sabi pa ni Vanie.
Pagtingin ko sa likod, hindi nga ako ang kinawayan. Iyong babaeng mukhang bulate (bitter ehh) ang kinakawayan niya. T.T Nag-smirk pa sa akin 'yung babaeng mukhang bulateng 'yun! Tse!
Sheeeetttt naman! Pahiya ako doon ahhh.. Namumula na ata ako. Hayyy, kalian ba kita malalasap crush ko? Hanggang tingin na nga lang yata ako. Hayy naku, ikakain ko na lang muna 'to, mahirap ng mapunta sa mental ng dahil sa gutom!
BINABASA MO ANG
Alam Mo 'Yung Feeling
Teen FictionAlam mo ‘yung feeling na noon hanggang tingin ka lang, ngayon abot-kamay mo na? Alam mo ‘yung feeling na titingin ka pa lang sa crush mo, nakangiti na siya sa’yo? Alam mo ‘yung feeling na iniimagine mo pa lang ‘yung bagay na makapagpapakilig sa’yo...