Chapter 3

9 1 0
                                    

CHAP 3

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggg! Kriiiiiiiiiiiiiiiiiinggggggggg!

Tunog ng bell hudyat na tapos na ang klase. Yey! Ang saya naman!

“Jamie, sabay na tayong pumunta ng gym.” Sabi ko kay Jamie habang inililigpit ko ang aking mga gamit.

“Para namang may choice ako? Alam ko namang hinding-hindi ka hihiwalay sa akin.” Tatawa-tawang sagot naman ng bruha.

“Ha-ha-ha.. Alam ko rin namang gusting-gusto mo rin.” Ganting biro ko sa kanya. Wala lang ganito lang kami magpakita ng aming lesbo love.

Natapos ko ng iligpit lahat ng mga gamit ko kaya niyaya ko na siyang pumunta sa gym.

“Halika na Jam.” Tapos kinuha ko ang braso niya at ipinulupot ang kamay ko dito. Ganyan talaga kami maglakad, sweet.

Pagdating namin sa gym kakaunti lang ang mga tao.  Tapos nagtanong kami sa nakatambay doon.

“Kasali po ba kayo sa Design Committee?” tanong ni Jamie sa babae.  Fourth year na ata yun dahil mas matanda siyang tingnan sa amin.

“Oo, bakit? Kasali rin ba kayo?” nakangiting sagot ng babae.

“Kasali po ako. Ito namang kaibigan ko ay kasali sa magpipresent ng Dance Number.” Sabay turo ni Jamie sa akin. “Ako nga pala si Jamie at ito namang kaibigan kong si Elle.”

“Bevienne here.” Tapos inilihad niya yung kamay niya na inabot ko naman at ni Jamie. Sabay ngiti at sabing “hi”.

“Iyong mga dancers pala ay lumipat sa covered courts kasi di makakapagplano ng maayos ang aming team kung dito kayo magpapractice kaya napagpaspasyahan nilang ilipat kayo sa covered courts.” Pag-iimporma niya sa amin.

“Oh gawd.”Kinabahan ako bigla. Wala pa naman akong kakilala doon at wala pa naman si Vanie. Tumingin si Jamie sa akin at ngumiti.

“Kaya mo yan Elle. Time na rin yan para maging independent ka.”

“Wag ka mag-alala mababait naman sila. Kakikilala ko iyong iba doon.” Dagdag ni Bevienne.

Ito na nga ako, papuntang covered court. Kinakabahan nga ako kasi wala nga akong kasama. Baka maout of place pa ako doon. Kasi naman, ngayon pa talaga wala si Vanie. L

Ito na, sumasakit na tiyan ko. Ganito talaga to kapag kinakabahan ako. Para akong natatae. Pero dapat lakasan ko loob ko. Hindi sa lahat ng panahon may kasama ako. Kailangan din harapin ang problema ng nag-iisa. Kung makaproblema naman ako parang ang laki-laki eh, noh?

Bago ako dumiretso sa CC ay pumunta muna ako sa CR. Kakalap lang ng lakas ng loob at magpapaganda na rin para confident humarap sa tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alam Mo 'Yung FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon