Chapter 2

48 2 1
                                    

Chapter 2

“Good morning, everybody, please take your seats!” bati sa amin ni Ms. Perez, adviser namin. Super bait niyan at maganda pa. Manang-mana kami sa kanya.

“Good morning and thank you Ms. Perez!” at naupo na kami.

“Ok, before anything else, I would just like to tell you that the ‘University Days’ is fast approaching. I know that it is still the 2nd day of our class but you all know that this event is held every 7th day of July.”

Natahimik kaming lahat. The ‘Univeristy Days’ is one of the events that students look forward to. Excited kami dahil syempre one week na walang klase. May mga booths pa sa field na may iba’t-ibang pakulo.

“The Student Body Organization officers already planned the booths, programs and presentations and were approved by the faculty and of course by our principal. So now, I would announce what tasks are assigned to you.

Tahimik kaming nakinig kay Ms. Perez. Excited kaming malaman kung ano ang gagawin namin para sa UD. Tinawag na ang aking pangalan at gaaawwwddd! Magpipresent kami ng dance number with the fourth years sa opening ng UD. Kasama ko si Vanie kasi nga sabi ko kanina magaling siyang sumayaw. Si Jamie naman sa backdraft at decorations ng gym na-assign. Maaasahan talaga ang talent niya doon.

“Van, I’m scared! Gawwdd, maraming manonood doon.” Sabi ko kay Vanie habang patuloy na naglilitanya si Ms. Perez.

“Kaya natin ‘to! Tayo pa eh, ang gagaling natin?” ngiting-ngiti pa itong si Vanie.

“Kaya mo ‘yan, Elle! Maganda ka naman at magaling pang sumayaw! Confidence lang ang kulang sa’yo! Kaya mo ‘yan!” pamapalakas-loob pang sabi ni Jamie.

“Salamat Jamie! Ikaw na talaga!”

“Eh paano ‘yan Jamie, hindi ka namin kasama?” nalulungkot na sabi ni Vanie.

“Oo nga, Jamie. It would never be the same without you! T.T” dagdag ko pa.

“Hoy, ang oa ha! Parang hindi na tayo magkikita forever!” natatawang sagot ni Jamie.

“Forever agad-agad? Di ba pwedeng isang buwan muna?” hirit pa ni Vanie.

 “Mga shongang ‘to! Sa gym din naman kayo magpa-practice. Magkikita pa rin tayo doon. At saka alam n’yo naman na hindi ako sumasayaw kaya ok na ok na ako kung saan man ako na-assign.” Nakangiting paliwanag pa ni Jamie. “At isa pa,  sabay pa rin naman tayong kakain di’ba?

Sabay kaming napa-“aaahhhhhhh” ni Vanie kaya pinagtitinginan kami ng mga classmates namin pati na rin ni ms. Perez na katatapos lang sa pagtawag ng mga pangalan.

“Sorry ma’am!” sabay pa naming tatlo.

“It’s ok, but please be quiet!” cool na sabi ni Ms. Perez. “And I’m telling that to EVERYBODY!”

Natahimik naman ang buong klase.

“Ok, for the dance presentation, you will have a meeting this 5pm at the gym. Vanie and Emmaline. The two of you, are the only participants from our class. So, goodluck!” palakpakan naman ang aming mga classmates.

“Galingan n’yo! Kaya n’yo ‘yan!” sigaw pa nila. Nahiya naman kami bigla. Kaya, ngumiti na lang ako sa kanila.

Nagpatuloy naman si Ms. Perez sa mga schedules ng mga meetings at practices sa ibang area. Si Jamie may meeting din mamaya sa gym para sa backdraft at decorations.

Natapos na rin ang klase kaya favourite subject ko na naman, RECESS!! J

Ayun nga, nandito na naman kami ng dalawa kong bestfriend sa canteen kumakain. Ano pa nga ba? At syempre, pasimpleng hinihintay si crush.

Pero laking dismaya ko. Nakita ko si Alec may kaakbay, ‘yung babaeng bulate kahapon. Ano ba ito? Sila na ba? Tanong ko sa sarili ko.

Para namang nabasa na Vanie ang iniisip ko at sinagot ang tanong ko. “Sila na daw Elle.”

Parang gumuho ang mundo ko. Alam n’yo ‘yung feeling ng maagawan ng laruan? At ‘yung nang-agaw pa ay hindi kagandahan. Sana man lang pumili siya ng mas maganda sa akin para masaya akong makita siya sa piling ng iba. Pero hindi eh. Hindi siya maganda!! ‘Yun ‘yun eh!! ‘Yun ‘yun!!

“Ok, hindi ko na siya crush!” pasimple kong sabi sabay tayo.  Naglakad ako pabalik ng classroom.

Ayokong makita nilang nasasaktan ako kaya hindi ko na lang ipinahalata. Sinundan naman ako ng dalawa.

“Ok lang ‘yan Elle, marami pang iba d’yan.” Si Jamie.

“Oo naman, hindi ko na nga siya crush eh. Maghahanap na ako ng iba!hahaha..”

“Tutulungan ka naming maghanap, wag kang mag-alala.” Alok pa ni Vanie.

“Sabi n’yo ‘yan ah!” nakangiti kong sagot sa kanila. Pero masakit pa rin ha.

Alam n’yo ‘yung feeling na gusto mong umiyak ngunit hindi pwede dahil magmumukha kang talunan? ‘yun ang feeling ko ngayon!

Well, anyway, wala na akong magagawa kong mas gusto niya iyong bulateng iyon. Magsama sila mga mukhang bulate! (bitter lang te?) Lilipas din ito!

Nagsimula na ang klase. Habang seryoso akong nakikinig sa aming Math teacher (bah, himala!), biglang tumunog ang kanta ni Miley Cyrus na Party in the USA. Kinabahan ako, baka cellphone ko iyong tumutunog.

Nakita ko naman si Vanie, kinakapa iyong bag niya at mukhang natataranta na. Tinitingnan na rin kasi siya ng lahat. Eh kasi naman habang tumatagal eh lalong lumalakas iyong kanta. Hindi pa rin niya mahanap kaya nagsalita na si Ms. XYZ, iyong Math teacher.

“Ms. Mendez? Is that your phone ringing?”

“Ah, yes ma’am. I’m very sorry ma’am.” Sagot ni Vanie na kinakapa pa rin ang kanyang phone sa kanyang bag. Kay laki ba naman kasi ng bag kaya cellphone na nag-iingay hindi mahanap-hanap.

“Please turn off your phone, you’re disturbing the class”. Nakataas na ang kilay ni ma’am.

Sakto namang nakuha na ni Vanie ang kanyang phone. Sa wakas!

“I’m very sorry again ma’am but it’s my mom calling and I think it’s an emergency.”

“Ok, you may receive that outside.”

“Thank you, ma’am!” Pagkatapos ay dali-daling lumabas ng classroom si Vanie at sinagot ang tawag.

Pagkatapos lumabas ni Vanie, ay muling nagpatuloy si Ms. XYZ sa pagtuturo. Hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko. Bakit kaya tumatawag sa ang mama niya? Baka may problema sa bahay nila Vanie. Syempre nag-aalala din ako sa bestfriend ko noh.

Maya-maya pa ay pumasok na ulit siya sa classroom. Napansin kong namumutla siya at kinakabahan. May nangyari nga yatang masama ah. Dumiretso si Vanie kay ma’am at tahimik silang nag-usap. Tahimik din kaming nakikinig, oo  na, tsismoso’t tsismosa na kami, pero hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila.

Pagkatapos nilang mag-usap, bumalik na si Vanie sa upuan niya. Ngunit imbes na umupo, inayos niya ang kanyang mga gamit at iniligpit sa bag. Alam niyang nagtataka ako at hindi  lang pala ako, si Jamie rin pala,kaya nagsalita na siya.

“Friends, si mama, isinugod daw sa ospital.”

“Oh, my god!” sa shock ko ay iyon lang ang nasabi ko. It’s not like everyday ay may naoospital sa amin kaya hindi ko talaga inaasahan iyon.

“How is she?”, nashock din si Jamie pero mas nauna siyang nakabawi kesa sa akin.

“I still don’t know but I will go and find it out.” Naiiyak na si Vanie. Kaya niyakap namin siya ni Jamie. Wala na kaming pakialam kahit mapagalitan pa kami.

“We will pray for your mom. Don’t worry and be strong.” Pag-iinspire ko sa kanya.

“Oo nga Vanie, kaya mo iyan. Go lang ng go!” dagdag pa ni Jamie.

Tumango naman si Vanie. Saka kinuha na ang kanyang mga gamit at tumingin kay Ms. XYZ. Tumango naman ito. Lumabas na ng room si Vanie at pupuntahan ang kanyang mommy.

“Ok lang sana si Tita.” Mahina kong sabi kay Jamie.

“Oo nga. We’ll just pray for them.”

Alam Mo 'Yung FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon