CHAPTER 37

859 26 7
                                    

Ilang araw ko ng pinag-iisipan kung paano ko mai-improve yung painting ko. Tapos na ang midterm at hindi mamamalayan ay finals na. Friday na ngayon at ngayon din ang araw na napag-usapang mag-oovernight kami kina Brandi sa Merville.

Tapos na ang klase ko pero may practice game kami ngayon. Sinikop ko ang buhok ko para maitali sa isang ponytail. Lumabas ako ng locker room suot na ang aking puti at berdeng jersey at puting nike shoes. Nadatnan ko si Brandi na may kausap sa cellphone. Tumabi ako sakanya at di ko maiwasang pakinggan ang pinaguusapan nila.

"Oo na nga! Alas syete pa! Ano?" Napalingon ako sa kanya. Isa lang ang taong alam kong ginagamitan niya ng ganyang tono. Napangiti ako. Siguro ay binibwisit siya neto.

"The fuck?! Wag kang makadala dala ng babae mo-- hindi ako nagseselos. Kadiri ka. Oo na. Sige na. Sunduin mo ko dito ha?! Wala akong dalang kotse." I knew it. Siya nga ang kausap ni Bran. Hay etong dalawang ito. Minsan galit na galit sa isa't isa. Madalas laging magkasama. Hindi na yata mabubuhay ang dalawang ito na hindi magkasama.

Humalakhak siya at binaba na ang phone. Ngumisi ako sakanya pagtingin niya sa akin.

"James?" Tumango siya at dere deretsong nagsalita.

"Yung gago na yun. Dadalhin daw niya si Alyssa sa bahay ko. Ew." Umirap siya at padabog na nilagay ang cellphone sa bag niya. Mas lalong lumaki ang ngisi ko.

"Bakit? Nagseselos ka na? Nagkakagusto ka na yata kay James e." Humagalpak ako ng tawa kasabay noon ang pagkatok niya sa sentido ko ng dalawang beses pero tumatawa na din siya.

"Ew. I will never. Sam!" Tinulak niya ko sa braso ng hindi pa din ako tumigil sa kakahalakhak.

"You're blushing." Tumayo siya at inirapan ako mas lalo lag akong humaglapak ng tawa dahil namumula na nga talaga ang pisngi niya.

"Move your ass down here and stop laughing!" Bumaba na ako sa mga bleachers at patuloy pa din ang kantsaw ko sakanya habang nagii-stretching kami. Puro mura ang katok sa ulo ko ang ganti niya. Mahilig talaga siya mangatok ng ulo lalo na kay James na lagi niyang tinatawag na hangal o kaya naman ay idiot.

Nagsimula na ang practice game. Sobrang nakakapagod at halos mapamura pa ko ng sumadsad ang tuhod ko sa floor dahil sa paghabol sa bola. Buti na lang at walang sugat pero baka magkapasa pa ito. Shit lang.

Halos nakatatlong set kami saka lang tinapos ni coach ang training. Pagod na pagod ako. Napatingin ako kay Brandi bagaman humihingal ay parang hindi gaanong pagod, to the point na smoker pa siya. Bilib talaga ako dito e.

Nagpupunas ako ng pawis gamit ang towel ko sa mukha at braso nang matanawan ko si James na papasok sa gymnasium. Agad lumipad ang tingin ko kay Brandi na hindi pa napapansin ang pagdating ni James.

"You're prince charming is here." Ngisi ko sabay inom ng gatorade. Napatayo siya sa bleachers at agad nilingon ang entrance ng gym. Humagalpak ako ng tawa nang makitang nagpanic siya pero hindi lumagpas sa panigin ko ang kinang sa mata niya. Maging si James ata ay bahagyang nagulat sa nakitang excitement sa mukha ni Brandi.

Kumaway ako kay James na kumaway sakin pabalik. Sinukbit na ni Brandi ang gym bag niya sa balikat. Umupo ako sa bleachers at sinukbit ang towel sa may leeg ko.

"Sabay ka samin, Sam?" Tanong ni Bran. Umiling agad ako. Hihintayin ko din kasi si Matthew pero hindi ko na isinatinig yun, baka asarin niya pa ako.

"Ayoko maging third wheel." Humagikgik ako at ngumiwi naman siya. Bumeso siya sakin at...

"Warever. See ya later." Kumaway ako sakanya at pinagmasdan sila ni James palabas ng gymnasium. Pilit pang kinukuha ni James sakanya ang gym bag niya pero pilit iniiwas ni Brandi ang katawan niya. Umiling ako at tumawa. I checked on my phone at nakita kong may kakarating lang na text si Matthew.

Risk it All (Pacific East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon