CHAPTER 55

837 21 0
                                    

Dinner gaganapin ang post birthday celebration ni Matthew. Nasabi niyansa akin na darating from US ang family niya. Hindi naman daw masyadong formal ang party, mga close friends ni Matthew at iilang malalapit sa pamilya Romero.

Nasa sofa ako sa living area. Kasama ko si mommy. Si daddy ay nasa trabaho pa. Kakatapos lang namin maglunch at nanunuod kami sa flat screen. Abala si mommy sa pag-aayos ng mga lumang photo albums namin. Nasa lap ko si Bambi. Namiss ko din itong aso ko.

"Mom, patingin ha?" Kinuha ko ang isang makapal na photo album na nakalapag lang sa center table namin.

"Sure darling." Binuklat ko ito. Unang pucture ay si mommy at daddy during college days nila. Napangiti ako sa buhok ni mommy, kulot kulot na nakasabog. Parang si Merida lang sa Brave. Naaliw ako sa pagtitingin sa mga college days pictures nina mommy. Pagbuklat ko sa sumunod na picture ay medyo napakunot ang noo ko.

May picture si mommy at isang babaeng maganda, kuha ang picture sa ibang bansa. Parang somewhere Italy? Pamilyar na pamilyar ang babae pero hindi ko alam kung saan ko nakita. Kinuha ko ang atensyon ni mommy.

"Mom?" Nakakunot noo kong nilagay ang photo album sa table.

"Hmm?" Inalis ni mommy ang tingin sa ginagawa at tumingin sa akin.

"Who is she?" Inusog ko palapit sakanya ang album at itinuro ko ang babae na kasama niya sa larawan. Sinulyapan niya ito at kunwa'y ibinalik sa akin ang tingin.

"She's a friend from college days, hija." Sumandal ulit si mommy at inayos ang mga pictures na hawak niya. Napatingin aki muli sa larawan. I think I saw her somewhere. Hindi ko lang matukoy.

"Bakit hindi ko siya nakita? What's her name?" Mostly, ang mga college friends ni momny at daddy ay kilala ko. I don't know what's with these woman pero napukaw niya ang atensyon ko. Her brown eyes is so familiar, parang katulad ng kay Matthew. Malalim at expressive.

"She's Jasmine. She left the country after graduation. Nagkita lang kami sa Italy noong naghoneymoon kami ng dad mo." Jasmine. Even her name is very familiar. Napaka nostalgic naman nito. Parang nakita ko na siya talaga. Kinuh ni mommy ang photo album at ibinalik sa kung saan niya kinuha ito. Nagpaalam siya sa aking magpapahinga muna sa kanilang kwarto. Sayang hindi ko nakuha ang last name niya. Baka sakaling sa last name makilala ko kung saan at kailan ko siya nakita.

Umakyat din ako sa kwarto ko. Inayos ko ang regalo ko kay Matthew para mamaya. I'm sire Paulette is coming, ayoko nga sanang makita niya ito pero this gift is special to me. I really want him to have it. Inilagay ko ito sa isang box na parang patay na gold ang kulay.

Sumalampak ako sa kama at nagpahinga. Nagising na lang ako sa katok sa aking pintuan. Napasulyap ako sa digital clock ko sa bed side table. Alas kwatro na. Halos tatlong oras din akong nakatulog.

"Bukas yan." Sabi ko sa kumakatok. Sumilip ang isa sa maid namin.

"Ma'am, pinapakilos na po kayo ni Ma'am Cynthia." Tumango lang ako sa sinabi ng maid. Ilang minuto na siyang nakalabas sa kwarto ko pero nakatunganga pa ako rito. Maya maya pa ay bumangon na rin ako at dumeretso sa bathroom. Nang matapos maligo ay nag underwear lang muna ako. Nag blow dry ako ng buhok.

Isang asymmetrical royal blue dress ang suot ko. Sleeveless asymmetrical ito at flowing lang ang skirt. Ipinartner ko ito sa isang puting platform sandals. Hinayaan ko lang ang buhok ko na nakaladlad. Nagapply lang ako ng ligt make up. Nang makuntento ay inilagay ko na sa pouch ko ang aking iphone at wallet.

Bumaba na ako. Naabutan ko sa may dulo ng hagdan sa baba si mommy na nakatayo sa harap ni daddy at inaayos ang nectie niya. I smiled. They're sweet. Mommy is wearing a simple black dress and a pair of black peeptoe shoes. Daddy is wearing a red longsleeves. Inaayos ni daddy ang cuff ng kanyang sleeves habang abala si mommy sakanyang itim na necktie.Napatingala si mommy sa akin at ngumiti siya.

Risk it All (Pacific East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon