CHAPTER 2

34 4 0
                                    

Papasok palang ng gate ang sasakyan ay tanaw na ni Chandria ang kasambahay sa bungad ng kanilang bahay. Napangiti siya ng Makita si Ate Lorna. Hindi pa ito nagmimintis sa pagsalubong sa kanya kapag umuuwi siya.


Si Ate Lorna ay matagal ng naninirahan sa bahay nila. Dalaga pa ang Mama niya ay kasama na sa bahay si Ate Lorna. May pamilya at mga anak si Ate Lorna pero lahat sila ay malalaki na at may kanya-kanya naring mga pamilya. Ang driver nilang si Manong Mar ay ang asawa ni Ate Lorna.


Naging Yaya ng Mama niya si Ate Lorna noong bata pa ito, pero ng lumaki na kanyang ina ay doon naman nag-asawa si Ate Lorna at umalis sa paninilbihan sa pamilya ng mommy niya. Noong nagpakasal at nabuntis ang kanyang mama ay bumalik si Ate Lorna sa paninilbihan sa pamilya nila kasama ang asawa nito na si Manong Mario na naging driver na din ng pamilya nila kinalaunan. At ng isilang siya ay kay Ate Lorna inihabilin ang pag-aalaga sa kanya dahil sa masyadong abala ang kanyang mga magulang sa kani-kanilang karera.


Tumigil ang kotse, hindi pa nakakababa ng sasakyan si Manong Mario para pagbuksan siya ay nauna na itong buksan ni Ate Lorna. Tila kanina pa ito naghihintay sa kanila dahil aligaga ito na maunahan ang kanyang asawa na pagbuksan siya ng pintuan.


"Hay Chandria buti nalang at dumating kana." Bungad agad ni Ate Lorna pagkabukas niya ng pintuan ng kotse.


"Good evening to you too Ate Lorna!" bati ni Chandria ng nakangiti. Natatawa siya dahil nakalimutan ng Yaya niya na batiin siya samantalang ito pa mismo ang laging nag papaalala ng tamang paggalang at pagbati.


"Ay-ay Chandria, magandang gabi din sa iyo iha, nakalimutan kong batiin ka dahil marami akong iniisip." Nasapo pa nito ang noo.


"Pangga napaghahalataan kana." Natatawang sabi ni Manong Mario. Nakalabas na ito sa kotse.


Natawa na din si Chandria. Hindi na din kasi maikakaila ang edad nila. Kung tutuusin ay matagal na dapat nagretiro ang dalawa pero dahil sa napamahal na ang mag-asawa sa pamilyang Bernardo ay ipinangako nila na hanggang sa makakaya nila ay pagsisilbihan parin ang pamilyang tumulong sa pamumuhay nila.


"Huwag niyo ako pinagloloko dito. Bata pa ako at matalas pa ang memorya ko. Mar igarahe mo na ang sasakyan at ako na bahala sa mga gamit ni Chandria." Hawak na ni Ate Lorna ang bag ko at ilang pirasong libro.


"Iha nandiyan pala si Mam Lulu, kanina ka pa hinihintay. Hindi na kita tinawagan kasi alam ko namang pauwi na kayo kaya pinaghintay ko nalang siya sa sala." Ate Lorna informed Chandria.


Hindi na nagtaka si Chandria sa pagdalaw ng Manager niya sa bahay nila. Habang pauwi siya kanina ay tinignan niya ang laman ng e-mail niya at binasa niya ang pinadala ni Tita Lulu sa kanya. And she is already expecting her Tita to come over because the thing she had sent to her needed to arrange in personal.


Pagdating nila sa sala ay naabutan nila si Lulu na nakaupo at busy sa hawak na tablet. Sobra itong tutok sa hawak na aparato na kung hindi pa siya tinawag ni Chandria ay hindi pa nito malalaman na dumating na pala ang hinihintay niya.


"Good evening Tita Lulu!" lumapit ito sa manager at nakipagbeso.


"Good evening din Chandria!" balik bati ng manager sa dalaga.


"Alam mo naman siguro kung bakit ako nandito?"


Tumango si Chandria sa tanong ng kanyang tita.


"Chandria, iha maiwan ko muna kayo ni mam Lulu dito. Mam Lulu dito kana po maghapunan." Hindi na hinintay ni Ate Lorna na sumagot ang manager, agad itong tumalikod at iniwanan sila.


Napatawa si Lulu pagkaalis ng kasambahay nina Chandria, hindi na kasi nito hinintay ang sagot niya. Wala na siyang magagawa kundi pagbigayan ang alok ni Ate Lorna, kunsabagay matagal-tagal narin noong huli itong kumain sa malaking bahay.


Makalipas ang ilang minuto ay binuksan na ni Lulu ang pakay niya kay Chandria.


"Nabasa mo na ba ang pinadala ko sa e-mail mo?" Lulu asked on her business-like tone.


"Yes and I am not accepting it." Magalang at agarang sagot ni Chandria.


"Actually I am already expecting that as your answer, pero I want to know the reasons coming from your mouth."


"As much as I want to accept the offer ay hindi po pwede. Ayon sa nabasa ko sa pinadala niyo sa akin ay one week ako doon and I can't afford that to happen especially now."


"What do you mean by that?" tanong ng kaniyang manager.


"This coming weekend po kasi ay magho host si Daddy ng gatherings sa dalawa niyang foundation and I need to be there. Election is coming and he needs my support. Then I have my schooling. And then a week after that may shooting si Mommy sa El Nido and I need to go with her. Alam mo naman Tita ang sitwasyon diba?" Tila nagmamakaawa itong nakatingin sa manager.


Understanding came to Lulu's senses. As much as she also wants that project for Chandria, there are more important thing than this opportunity to Chandria's modeling career.


Lulu has known Bernardo's family for two decades now. She and Min, Chandria's mother, are best of friends. Nagkakilala sila sa isang sikat na youth-oriented show noong 90's. Si Min noon ay newly hired asssistand director whereas Lulu is a regular talent ng show na iyon. At doon nagsimula ang pagkakaibigan nila.


"Naiinindihan kita iha. Alam mo naman para mo narin akong pangalawang ina sa industriyang pinasukan mo, idagdag pa na matalik kong kaibigan ang mommy mo. It is just so happened that the owner of the clothing line personally handpicked you to model their clothes. They have seen your billboards in Singapore and in Hong Kong and they are mesmerized by your Filipina features kaya madali ka nilang ipinahanap. Nagkataon pa na kaibigan ng Tita Kris mo ang may-ari ng clothing line kaya tinawagan agad ang mommy mo at ako."


"I just hope they won't get mad to me for not accepting it." Nag-aalala siya. Hindi kasi ugali ni Chandria na hindi pagbigyan ang mga pabor na hinihingi sa kanya, nagkataon lang kasi na may mas importante pa siyang gagawin.


"Actually ipinauna na ng mommy mo na baka hindi mo tanggapin ang offer nila but they are persisitent. Kasama ko dapat ang isa sa mga assistang ng owner pero napakiusapan ko na ako na ang bahala. I am sure hindi sila magagalit but they will be expecting na soon ay mapagbibigyan mo sila."


"Tita for sure mapagbibigyan ko sila pero hindi pa ngayon, because it's not yet the right time."


GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon