Chapter 3

0 1 0
                                    

"Love, any plans next week?" Tanong niya sa gitna ng pagkain namin.

"I'm busy for the whole year. Why?" Sagot ko agad kahit na wala naman akong alam sa schedule ko sa loob ng taong 'to.

"Well, next week is my birthday. I am planning to book a reservation in Maldives. Let's go there next week?" Nakangiting tanong niya habang nakatitig sa akin.

"I told you I'm busy for the whole year. I've seen my schedule and it's so uptight. Maybe next year will do." Sagot ko pagkatapos ubusin ang pagkain.

I hate her pero hindi ako pinalaki ni lola para paglaruan ang pagkain.

"Palagi mo na lang tinuturn down ang invitation ko. What's with you Cris?" Inis na tanong nito. Bakas din ang pag-iiba ng boses niya.

"Hindi kita tinuturn down Stacey. Sadyang busy lang ang kompanya ngayon dahil sa laki ng perang nawawala." Rason ko habang tinititigan siya.

Kakaubos ko lang ng pagkain at wala na akong gana pang ubusin ang inilagay niyang dessert sa plato ko.

"I'm full. Sayo na lang 'yan." Pigil ko ng dadagdagan niya pa sana.

"Cris stop your nonsense. Hindi mo naman siguro gustong isumbong ka sa tito mo 'di ba? Stop turning me down or else—"

"Else what? Magsusumbong ka? Kanino? Kay tito? Bakit, ano bang meron sa inyo? Baka naman may alam ka sa problema ng kompanya? Baka kasi....tinutustusan ka pala ni tito." Pahapyaw na pang-iinsulto ko na ikinakunot ng noo niya.

"Are you accusing me something, Cris Cyryl? Sa tingin mo ba may nangyayari sa pagitan namin ng tito mo?" Inis na tanong niya at binitawan ang mga kubyertos para tingnan ako ng masama.

"How would I know? Hindi naman tayo magkasama palagi. And besides, anong malay ko kung tinatrabaho niyo pala ang pangangailangan ng isa't isa. Bakit, hindi ba?" Talagang dumukwang pa ako para lang maramdaman niyang ayoko sa gabing 'to.

Ngunit sa halip na magalit, ay nginisihan niya lang ako. "Sorry to remind you love but I think that phrase suits on your ex-girlfriend well."

Alam kong ako ang nagsimula pero mali ang desisyon niyang idamay si Aicelle sa usapang 'to. "Huwag mong dinadamay si Aicelle dito Stacey. You already get what you want. Don't you dare cross the line!"

"Huwag mo akong tinatakot Cris. Sa tingin mo bakit kita napapayag na makipagrelasyon sa akin? I don't care if you don't love me at all. Ang importante, hindi ka rin masaya at ang babaeng 'yon!" Inis na sagot nito. "And how dare you insult me face to face? Bakit? Gaano ka ba kalinis? Gaano ba kalinis ang babaeng 'yon para magmalinis ka ng ganito sa harap ko? Nakakaawa ka. You keep on pushing me away pero tinutulak ka rin palayo ng taong minahal mo. How's the feeling anyway? Kaya pa ba?" Pang-iinis niya sa akin.

Gustong-gusto ko siyang saktan dahil sa panghuhusga niya kay Ice pero alam kung mas lalala ang sitwasyon kapag pinatulan ko pa siya at lumalim ang pag-iinisan namin. Kaya walang pagdadalawang-isip na inubos ko ang lamang wine ng baso. Para lang mawala sa isip ko na gusto ko siyang putulan ng hininga.

"Want more?" Ngiting alok niya sa bote ng wine na hawak niya. Hindi ko na hinintay pang siya ang maglagay sa baso ko at agad na inagaw sa kaniya ang bote at tinungga ito diretso.

Alam kong may plano ang babaeng 'to. Ang hindi ko alam, kung gaano karami ba ang inilagay niyang kung ano sa bote na 'to. Naramdaman ko na lang na nag-uumpisa ng umepekto ang inilagay niya pagkalapag ng bote sa lamesa at dahil medyo madilim ang buong sala, hindi ko na maaninag ng mabuti ang ginagawa niya.

Nothing Like UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon