Chapter 5

1 1 0
                                    

Isang linggo na rin ng makikain ako sa unit ni Ice at isang linggo na rin akong binabagabag ng sinabi ng dalawa. Bakit naman ako bibisitahin ng papa ni Ice?

Habang tulala kaharap sa computer, biglang sumilip ang ulo ni Maria sa nakaawang na pinto.

"Boss." Alanganing tawag niya na tiningnan ko lang. "Alam kong super major busyness ka ngayon pero kasi..."

"Ano?" Tanong ko ng putulin niya ang sinasabi.

"Ang chairman ng Montecarlos Empire nandito!" Pabulyaw na bulong niya.

Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya at walang alinlangang tumayo sa kinauupuan para hilahin siya papasok.

"Anong ibig mong sabihing nandito? Wala naman akong appointment sa kaniya 'di ba?" Pangungumpirma ko.

"'Yon na nga eh. Wala kayong schedule na dalawa ngayon pero bakit personal ka niyang pinuntahan? Papapasukin ko ba?"

Hindi agad ako nakasagot at pabalik-balik na naglalakad patalikod at paharap sa kaniya.

"Boss naman. Nakakahilo ka, okay? Kung ayaw niyong tumanggap ng bisita ngayon edi sasabihin ko na lang na busy ka."

"No." Putol ko agad sa kaniya. "Let him in. Baka urgent ang pakay niya."

"Okay." Inayos ko muna ng kaunti ang mga papeles na nagkalat sa table ko bago prenteng nakabantay sa pinto para sa pagpasok niya.

"Good morning Mr. Montecarlos." Magalang na bati ko ng makapasok na siya.

"Sa labas mo na lang ako hintayin." Utos niya sa kasama niya bago ako hinarap. "It's nice to see you Mr. Del Franco." Baling niya naman sa akin.
Grabe. Composure pa lang alam mo ng mahirap maging kalaban ang isang 'to.

"Please have a sit, sir. Darating rin maya-maya ang drinks." Alok ko sa kaniya na agad niya namang sinunod.

"You got Davin's looks."

"Po?"

"Nagmana ka sa lolo mo."

Hilaw na napangiti naman ako sa sinabi niya. Kung ganoon, may ugnayan nga talaga ang dalawang pamilyang ito.

"Ahh...sorry pero pwede ko bang malaman kung anong dahilan at personal akong pinuntahan ng kagalang-galang na chairman ng Montecarlos Empire? Sa pagkakaalam ko, walang naka schedule na appointment sa pagitan nating dalawa."

He just smirk at my question and instead of answering it, tinanong niya rin ako.

"So anong dahilan at pinapasok mo ako gayong wala naman pala tayong appointment?"

Napatikhim pa ako bago siya diretsahang sagutin. "Ginagalang ko po kayo chairman. At gusto ko sanang humingi ng dispensa sa nagawa kong pananakit sa anak niyo years ago."

"Bakit naman naisipan mong humingi ng tawad sa akin? Sa kaniya ka may kasalanan kaya dapat sa kaniya ka humingi ng kapatawaran."

"'Yon na nga po chairman eh. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya. Lalo pa ngayong may pamilya na siya. Napaka-insensitive ko naman kung uungkatin ko pa ang nakaraan namin gayong masaya na siya sa pamilya niya." Sinserong sagot ko na tinawanan lang niya. Problema nito?

"Hangal talaga ang mga kabataan ngayon. Paano mo malalamang masaya nga siya kung hindi mo tinatanong? Hindi porket nakikita mong nakangiti walang lungkot na dinadala. Akala ko mas matapang ang mga kabataan ngayon, nagkamali pala ako."

"Pasensya na po."

"Anyway, total naging topic na natin ang anak ko, may pabor sana akong hihilingin sayo."

Nothing Like UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon