Bubbletea

33 2 0
                                    

HANNAH

  Kanina pa ako nag-aantay ng taxi dito pero wala pa ring dumadaan. Pagkatapos ko kasing magpaalam kina mom na magso-shopping ako,e nakalimutan kong magpahatid kay Manong Hedric—family driver namin. Kung bakit ba naman kasi ako nagmamadali,e. Kasalanan 'to no Cassy e,bakit niya ba kasi ako iniwan dito? Sana,isinama niya ako sa L.A! Promise ko naman na magiging behave ako dun at hindi ako magiging third party sa kanila ni Ivan dahil mag-eenjoy naman ako kahit mag-solo lang.

"Ma'am,sasakay po kayo?" Salamat  naman at may taxi din.

"Sa SM po tayo,manong."


Pagdating ko sa SM agad akong pumunta sa bubbletea section. Naglalaway na ako sa sarap! Grabe, I am so forever inlove with my bubbletea.

"Miss?Bibili ka ba o titingin lang?"



Pinagtaasan pa ako ng kilay ng bruhang cashier na'to. Ikakaganda ba niya 'yang hindi pantay niyang kilay?



Ngumiti ako ng matamis. "Siyempre,bibili ako! Shunga ba you? Kaya nga ako pumila diba? Bawal bang pagnasaan ko muna ang bubbletea ko?"





"Ano sayo,Miss?"



"Yang—"




"Walang kikilos na masama! Dumapa kayo!" Dapa daw? Anong gagawin niya? Pasasayawin kami ng otso-otso habang nakadapa?



"Hoy! Ikaw,bigay mo sa akin yang binili mo!" Turo sa akin ng mamang may makapal na balbas na kasing kapal ng mukha niyang makapal din tulad ng dictionary! Aagawan pa ako ng bubbletea! Bumili siya kung gusto niya!


"Bakit ko ibibigay 'to sa'yo? Aba,mama bumili ka ng iyo oy— teka,wala namang ganyanan!" Paano, naglabas kasi siya ng matulis na kutsilyo. Saan niya nakuha 'yan? Paano nagkasya sa bulsa niya ang kutsilyo?


"Akin na!"


Niyakap ko ng mahigpit ang bubbletea ko. Bakit ko ibibigay ang akin? Aba. Malilintikan sa akin ang mamang 'to! Kahit... kahit may kutsilyo pa siya!


"Ayoko nga! Bumili ka kasi ng iyo!"


Bigla naman siyang humakbang palapit sa akin. "Teka... mama, bakit ba kasi gusto mo kunin 'tong bubbletea ko?"





"Wala kang pakialam! Akin na kasi para wala ng masaktan!"





"Ibigay mo nalang,Miss! Para makaalis na siya dito at hindi na makagulo pa!" Sabi sa akin ng istupidang cashier na'to. Bakit ba napakadali nilang mauto? As if naman, na bubbletea lang ang habol ng mamang 'yan! E,mukha pa nga yang magnanakaw,e!





"Gusto mo,kaluluwa mo nalang ang ibigay ko?"inirapan lang ako ng bruha. Humarap ako kay mama. "Mamang holdaper na mukhang magnanakaw na kinulang sa bitamina,pag-usapan po natin ng mahinanahon ito..."


"Ayoko... bigay mo na kung hindi..." hinablot niya ang isang dalaga. "Malalagutan ng hininga ang babaeng 'to."




Grabe si mamang kulang sa bitamina,ayaw paawat. Nandamay pa ng ibang tao para maging props. Wow! Akala ko sa pelikula lang nagyayari ang ganitong scenario! Pati,pala sa totoong buhay?


"Just give it to him,Miss! I'll buy you another one." 'Yung girl na hinablot ng mama.




"No.What mine is mine! If you want to save your life, bilhan mo nalang siya tutal... bubbletea ang gusto niya,e."sumimangot lang ang babae. Awwwe,cute!



"Bakit ba ang malas ko ngayo?... Fine, I'll buy you a bubbletea manong just please let me go."
Inglesera talaga 'tong si ate. Nosebleed tuloy ako pero siyempre, biro lang 'yun!



"And...CUT!"

Lahat kami napatingin sa taong sumigaw ng 'CUT'... Ano 'to? May shooting tapos kasali kami? Di man lang kami nakapaghanda?



"You did a great job,Miss. Salamat sa cooperation mo..." tumingin siya sa crowd. "Thank you, everyone."



"Welcome,DIREK!"



Say what?



"Your face is funny! HAHA... Opps,sorry!"




"Okay? Ano bang nangyayari?"




"May shooting kasi sila for their presentation tungkol sa mga krimen na nagaganap dito sa pilipinas and one of those is 'Holdaping'. Sad to say, nabiktima ka! On the spot kasi 'to at walang script." Paliwanag ng babae sa akin,siya 'yung inglesera.


"...are you part of this?"




"Well,no! Pinakiusapan lang ako ni Jake na maging isa sa mga crowd."



"Who's Jake?"



"HAILEY!"may sumigaw na lalaki na tumatakbo papunta dito. Lumingon naman itong si ate.



"O,Jake! How was it?"


Siya pala si Jake—'yung sumigaw kanina ng 'CUT' na direktor kuno. Halos magka-edad lang ata kami nito,e. Paano,naging direktor 'to?


"It was great and..." tumingin siya sa akin. "...oh,thank you pala sayo?"



"Hannah. Hannah Alcantara!"




Nagkatinginan silang dalawa na parang nagulat pa sa pangalan ko. "So,you are Hannah na pinapahanap ni Harold. Not bad."



"What a coincidence."


After that,bigla nalang silang umalis.


Si Sungit At Si KulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon