Unexpected

27 2 0
                                    


HANNAH

Dahil gusto ko ulit gumala ngayon, napagpasyahan kong umalis ulit ng bahay. Mom and Dad were both busy sa business kaya boring na boring ang bahay. Mas maganda ng gumala para gumawa ng himala.

I was wondering kung sa plaza kaya ako pumunta para bumili ng dirty ice cream? Tapos, kakain ng madaming street foods? It would be fun. Minsan,kailang kong kalimutan na may bubbletea na nag-eexist. Paano nalang kapag nalugi ang mga pangmayaman na mga pagkain? Hindi ba sa mga street foods minsan kumakapit?

Pumunta akong garahe para tignan kung may available bang kotse o di kaya motor.

"Sana meron.."

Hahakbang pa sana ako ng sumulpot bigla si Manang Cecille.

"Manang naman! Nakakagulat po kayo ha."natatawa kong sabi.

"Pasensiya na iha. Saan ba ang punta mo at bihis na bihis ka?"

"Gagala lang po ako. Sige po, kunin ko po muna ang kotse po."

Yes,good thing! Hindi ginamit ni mom ang kotse niya. Malamang, nakisakay nagpahatid yun sa driver namin. Knowing her, tamad minsan mag-drive. Nakakatamad ba talaga mag-drive? Enjoy kaya 'yun! Kasi kapag nagmamaneho ka, fine-feel mo ang moment na walang kokontrol sa'yo.

I'm on my way now to plaza. At first moderate lang bilis ng pagpapatakbo ko pero binilisan ko pa lalo dahil mas exciting 'to! Ang saya-saya talaga kapag nagmamaneho.

I-papark ko na sana ang kotse sa isang vacant slot ng may biglang humarurot na isa pang kotse at pinark ito sa vacant slot kung saan dapat ipapark ko itong kotse.

"Hey,manong! Please naman oh! First come,first park! Ang daya mo."

Bumaba na ako sa kotse at kinatok ang salamin nito. Unti-unti naman itong binaba ng driver and to my surprise,isang gwapong nilalang ang nakita ko. He's freaking hot and talaga, gwapo!

"What did you just say?"tanong nito. Oh,c'mon! Saan ba ang dila ko?

Bumaba ito sa kotse niya at ang tangkad naman. Ang unfair talaga, may mukha na nga tapos may height pa? Ako nga kailangan pa atang paulit-ulit tumalon tuwing new year's eve para lang tumangkad.

"Did you just call me a 'manong'?" Hinubad nito ang suot niyang shades.

Taas noo ko siyang tinignan. "Yes! I came here first..." tinuro ko ang slot na pinag-parkan niya ng kotse, "...this slot should be mine para mai-park ko itong kotse ko."

"Do you even have a name written on that slot?"

"W-wala. Pero—"

"Yun naman pala e."sagot niya na hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko. Tumalikod na ito at naglakad papunta sa isang street vendors na nagtitinda ng street foods. That guy? Seriously? Mukha siya isang business tycoon na hindi marunong kumain ng mga ganiyang pagkain o sadyang jugdemental ko lang masyado.

"Hey,cutie girl!"

Lumingon ako sa tumawag ng 'cutie girl', cute daw e! Alerto dapat. Isang lalaki ang nakita ko na nasa loob ng kotse sa driver seat ang tumawag nun.

"Take my slot."sabi nito.

I just give him a smile. What a gentleman,hindi tulad ng isang lalaking 'yun. Ang tigas ata ng abdomen! Pinark ko naman agad ang kotse sa ibinigay niyang slot.

"Thank you..."

"You're always welcome,cutie!"

Naglakad-lakad na ako sa plaza. Buti nalang at dala-dala ko ang camera ko ngayon so I can easily take some pictures. This is one of my passion bukod sa pagkanta at pag-compose ng song. I also love taking pictures. Kasi,when capture some moments maiisip mo na, it could be a good memories to keep.

"M-mama...asan ka na po?"

Halos manlaki ang mata ko ng makakita ako ng isang bata na umiiyak malapit sa isang bench. Nilapitan ko agad ito. Kawawa naman ang batang 'to.

"Hey,baby boy?Why are you crying?You need some food?"tanong ko sa bata na parang nagulat pa sa bigla kong paglapit sa kaniya.

"Find my mom...please.I'm lost and I don't know where my mom is. I was just finding some playmates until I came here..and I don't know where to go."

Tumigil na ito sa pag-iyak pero nababakasan parin ng luha ang mukha. Hinawakan ko naman ang mukha at pinunasan ang mukha nito.

"What's your name,kiddo?"

"My name is..."




"Terrence!"

Pareho kaming lumingon ng bata sa sumigaw. He's the...he's the guy who stole my slot!

Tumakbo ito papunta sa amin, "Terrence?Thank god,I found you..." tumingin ito sa akin at kumunot ang noo, "...did this girl took you,Terrence?"

"Wait—what?Nakita mo ako kanina. And,did you saw that I'm with someone?Don't be so stupid!"sagot ko naman sa kaniya. This guy is unbelievable! Did he just accused me as a kidnapper? Mukha ba akong kidnapper?!

"Don't be too rude. I'm not talking to you."pabalik din nitong sagot.

Nagsalita si batang Terrence na parang naguguluhan sa amin ng lalaking 'to. Wait---

"Are you the father of this kid?"
tanong ko na ikinabaling ng tingin niya sa akin.

"Do I look like father?"

Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa, "Sort of."

"Tito Harold...she didn't took me away. She's the first one who found me here."sagot ni Terrence.

"Okay..let's go home now, you're mom is looking for you now. She might go insane."

Nagsalita si Terrence, "Can we eat at the Jollibee,first?"

"Sure...you must be hungry."

Akmang tatalikod na ako ng bigla akong pigilan ni Terrence, "Can you please eat with us,ate?"

I was shocked. This is the first time na may tumawag sa aking 'Ate'. It feels so good. Well, dalawa lang naman kasi kami ni Cassy. Mom can't be pregnant again.

"A-ah kasi.."

"Pagbigyan mo nalang ang bata."sabi nitong si 'Tito' ni Terrence. What's his name again?

"Well...let's go! Gutom na din kasi talaga ako."sagot ko naman.

Lumapad naman ang ngiti ni Terrence at hinawakan ang kaliwa kong kamay.

"Both of you will going to be my parents' substitute for today." Nakangiting sabi ni Terrence. Ilang taon na ba ang batang 'to? He talks like an adult.

"But,she's not my wife Terrence."sagot naman ni Harold. Okay, this is really awkward because I'm with these two strangers—a guy who doesn't have any 'maginoo' attitude and a kid who talks like an adult. Pero, kanina lang parang tuta kong umiyak.

"Then,ask her to be your wife,Tito."

This is really an unexpected day!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Sungit At Si KulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon