Eron
Sa isang maliit na unit napa upo ako sa aking kama at nagmuni muni,
" hayst monday nanaman ambilis ng weekend parang dalawang pikit lang monday na kaagad"
napatingin ako sa wallclock 5:30 na agad kong kinuha ang aking tuwalya upang maligo nang biglang may kumatok sa aking unit
"Sino naman kaya ang may kailangan Sakin ng ganitong oras?"
Agad kong binitawan ang aking tuwalya at Binuksan ko ang pintuan upang malaman kung sino ang kumakatok, pag bukas ko ng pintuan bigla akong nagulat sa aking nakita, naka hubad si Carl ang kaklase kong loko loko, naka black pants lang siya at may tuwalya sa kaniyang ulo.
Napatingin ako sa kaniyang mukha, ang labi niya ay parang cherry na nakapatong sa cake at ang mukha niyang napaka puti, masasabi mo na talagang gwapo Si Carl para siyang anghel na nakatayo sa aking harapan.
"Yieeee, may gusto ka sakin no?" Patawa niyang sinabi sa akin
"Anong kailangan mo sakin?" Pagalit kong sinabi kay Carl
"Need ko ng sabon, naubusan kasi ako baka pwede makahiram" Tanong niya sabay ngumiti
"Wala kang mahihiram sakin, Layas!" Utos ko kay Carl
Biglang sumimangot ang mukha ni Carl dahil sa sinabi ko dag dag pa ng padabog kong boses
"Chill lang Eron" tugon niya sakin
Binigyan ko siya ng matalim na tingin at sinabi
"Ayaw mo talagang umalis? Sige isasarado ko itong pintuan"
Padabog kong sinarado ang pintuan ngunit Agad na naharangan ni Carl ang pintuan gamit ang kaniyang mga daliri at paa
"Eron! Kausapin mo naman ako ng mabuti, nanghihiram lang naman ako"
"Leche ka! Umalis kana!"
Sa sobrang pikon ko kay Carl, diniin ko ang pagsarado ng pintuan at iyon dahilan ng pagsigaw ni Carl
"Aray ko Eron!"
Narinig ko ang pag tumba ni Carl kaya agad ko namang binuksan ang pintuan
"My Gosh!"
Ang mukha niya ay naka busangot habang Kinakapa ang kaniyang mga daliri
"Deserve mo yan, yan ang mangyayari sayo pag ginulo mo pa ako" sambit ko
"Eron naman oh, parang di ka kaibigan"
Tugon niya habang naka busangot"Kaibigan? Loko ka talaga, ngayon nga lang kita nakausap"
"Kahit na" tugon niya
"Leche ka! Tumayo kana diyan at bumalik kana sa unit mo" Sarkastikong sagot ko
"Okay chill, chill"
"Layas!" Ulit ko
Agad kong sinarado ang pintuan at Bumalik sa aking kama upang kunin ang aking tuwalya para masimulan ko nang maligo.
YOU ARE READING
The Apartment Lover
FanfictionAng mahalaga, Naipapakita ko sayo kung gaano kita kamahal, kahit na hindi mo ako mamahalin