First Accident

9 2 0
                                    

Eron

Alas dose na ng tanghali nang ako'y nakauwi ng Bahay, kailangan ko nang mag handa para sa darating na audition ko mamaya, nag handa na ako ng aking pananghalian para may lakas ako habang nag a-audition

Habang ako'y kumakain may biglang kumatok sa pintuan ng aking unit.

"Eron"

Agad akong napatingin sa pintuan dahil sa pagtawag na iyon. Sino naman kaya ang kumakatok?

"Eron" muli nitong pagtawag

Agad akong naghugas ng kamay at nagsabon dahil sa dulas ng mantika.

Pag bukas ko ng pintuan,nakita ko si Carl na may bitbit na supot, parang pag kain ang dala niya, umaalingasaw ang bango ng kaniyang dala tila ba'y bagong luto ito.

"Hi Eron, Pwede ba makikain sa unit mo? Share na tayo sa pagkaing inorder ko" sambit niya

"Ha?"

"Huwag ka nang mahiya, alam kong nasasarapan ka sa dala kong pagkain, papasukin mo na ako"

Agad na pumasok si Carl sa aking unit, wala na akong nagawa dahil tuluyan na siyang naka pasok

"Kain kana mukang masarap yang ulam mo ah" sambit niya

"Oo, fried chicken from kanto kanto lang" tugon ko

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at nilagyan niya ng dalawang hotdog ang plato ko.

"Dalawang hotdog para sayo, sorry nga pala kaninang madaling araw kung na gambala kita"

Inikot ko ang dalawa kong mata sakaniya ngunit nanatili parin siyang naka ngiti sa akin

"Halikana dito kain na tayo, after nito sabay na tayong pumasok"

"Sige....." yun lamang ang nasabi ko sakaniya

Agad kong hinila ang aking upuan at kumain narin dahil ako'y gutom na gutom na. Biglang hinila ni Carl ang kaniyang upuan palapit sakin at sinabi

"Mas masarap kumain lalo na pag katabi mo ang iyong kaibigan"

Hindi na ako tumugon at nagpatuloy sa aking pag kain

"Okay kalang ba?Mukhang lutang ka ngayon" sambit ni Carl

Umoo nalang ako gamit ang aking ulo upang maipagpatuloy ko pa ang pag nguya sa masarap na pagkaing dala ni Carl.

Pagkatapos naming kumain, agad na tumayo si Carl sa kaniyang upuan at pumunta sa aking kusina.

"Teka teka, ano naman ang iyong gagawin diyan sa aking kusina" agad kong pag tawag sa kaniya

Lumingon si Carl at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"Mag titimpla ng tsokolate, para may lakas tayo mamaya sa Audition" tugon niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Apartment LoverWhere stories live. Discover now