10

15 7 0
                                    


"I'm going" napatingin sa akin si Blaze. Napansin ko ang kaunting luha sa mata n'ya habang nagtatakang nakatingin sa akin.

"Saan ka pupunta?" aniya.

Huminga ako ng malalim, "Kina Zid, ikaw na muna ang bahala sa gamit ko" aalis na sana ako ng magsalita s'ya.

"Sasama ako"

Magsasalita pa sana ako pero dahil tatagal pa ay pumayag nalang ako. Gustong gusto ko ng makarating doon at tignan kung ano ang nangyayari. Kinuha namin ang gamit namin saka umalis at pumunta sa school nina Zid. Nag-text sa akin si Kai na nasa office daw yung dalawa kaya doon kami tumuloy. Nagtanong nalang kami kung saan 'yon dahil hindi naman namin alam ang pasikot sikot dito. Nadatnan namin si Kai sa labas ng office na hinihintay kami. Napatingin agad s'ya kay Blaze.

"Umiyak kaba?" tanong n'ya dito.

Umiwas lang ng tingin si Blaze.

"Nasaan na yung dalawang bugok?" napatingin s'ya sa akin sa paraang nagtatanong na 'obvious ba? malamang nasa loob' buti nalang hindi ganun ang sinagot n'ya kundi pati kami magsasapakan dito.

"Nasa loob. Kinakausap ng Dean" naroon parin ang hint ng sarkasmo sa boses n'ya. Lumapit s'ya kay Blaze at inakbayan ito. Hindi ko nalang pinansin. Childhood friends nga pala ang mga 'to muntik kopa makalimutan.

Lumabas si Zid makalipas ang ilang minuto. Napatingin agad ako sa kamao n'ya na namumula. Lalapit na sana ako pero nilagpasan n'ya ako at tumuloy kay Blaze. He held her hand before he asked her if she's okay. May dumaang kirot sa puso ko dahil sa nasaksihan. Sumunod lumabas si Zyde at napatingin din s'ya kina Zid. Ramdam ko ang pagpipigil n'yang lumapit sa dalawa. Ano kaya ang sinabi n'ya kay Blaze kanina na naging dahilan ng pagiyak nito. Imbis na manatili roon ay hinila ko si Zyde sa medyo malayo sa tatlo.

"What the fuck happened, Zydrius?" nagpipigil na tanong ko. Sumandal lang s'ya sa pader at parang malalim ang iniisip. May pasa s'ya sa gilid ng labi.

Hindi s'ya nagsalita ng ilang minuto kaya ako nalang ulit. Nakakainis naman! ano ba kasing nangyari bakit s'ya sinuntok nalang bigla ni Zid!

"I'm asking you" mas madiin na tanong ko.

Ngumiti s'ya ng bahagya.

"Zid likes her" aba spokening dollar, kidding aside. Hinintay ko ang sunod n'yang sasabihin "I think Blaze also likes him" nangunot ang noo ko. Pinagsasabi nito.

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Naisip ko lang. Baka kaya ayaw n'ya din akong sagutin dahil yun nga ang dahilan" aniya. Napatawa ako ng sarkastiko.

"Wow! naisip mo lang? naisip mo lang na baka gusto din s'ya ni Blaze kaya tinawagan mo si Blaze at may sinabing kung ano na wala namang kwenta kaya s'ya umiyak kanina, naisip mo lang ang walang kwentang bagay na 'yan kaya nakapag-cutting kami ng wala sa oras. E tangina mo pala, deserved mo ang suntok ni Zid dahil gago ka! Ang kapal ng muka mo na pagdudahan ang nararamdaman ni Blaze sayo! ang kapal ng muka mo Zyde! kulang pa 'yang pasa mo! dito, ako sasapak sayo!" nanggigigil na sigaw ko.

Napatingin s'ya sa akin. "Umiyak si Blaze?" napairap ako.

"Oo dahil sayong tangina ka! napaka nonsense mo! ayusin n'yo 'yan!" inambahan ko s'ya ng suntok dahil nakakagigil s'ya.

Venomous of Love Where stories live. Discover now