Pleasure 05

3.6K 133 31
                                    

Pleasure 05

"Uhm, Sir Seth," I greeted awkwardly.

I'm trying my very best not to stammer or even sound my real accent. Baka magduda siya. At ayoko sa ganoon. Mahihirapan akong magtago, and who knows, he might be the reason for my parents to find me, right?

"Where the hell you think you're going?" he asked.

Tinignan ko muna ang aking hawak na mga gamit at bumuntong hininga. "Nasabihan po ako ni Ginang Icah na linisin daw po ang kwarto niyo."

"Do you even know how to use a mop?" tanong nito na para bang nang-iinsulto.

I took a very deep breath and forced myself to smile. "Yes, I do. And uhm pasensya na po tungkol kanina. Wala po kasing laundry machine sa amin kaya hindi ko alam na umiikot pala talaga 'yon."

Sana naman ay maniwala siya. Wala na kasi akong ibang maisip na pwedeng ipalusot kapag magbibitiw pa siya ng sandamakmak na katanungan. Baka sa kakasinungaling ko nito ay mahuli na niya ako.

"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?" kunot-noo nitong sambit. "Clean my room, now. I'm only giving you ten minutes."

I immediately nodded my head. Hindi ko na hinintay kung pagbubuksan pa ako nito ng pinto dahil lagi kong pinapaalala sa sarili ko na hindi na ako isang royalty rito, kasambahay na ako. No one opens the door for me.

Pagkapasok ko sa kanyang silid ay naglibot ako ng tingin. Mukhang wala namang masyadong marumi sa silid na ito kaya naman mabilis lamang itong linisin. Kinuha ko na ang feather duster at nagsimula na sa mga sulok-sulok ng silid.

Ngunit nagtataka ako nang maramdaman ko ang pagpasok nito sa silid. Pasimple ko itong nilingon at hindi ko maiwasang i-examine ang pangangatawan nito. He's taller than Sue at mas defined ang katawan nito na tila ba'y laging nag-e-exercise.

"You're hired not to stare at me, young lady."

I blinked my eyes and looked away. Clearing my throat, I continued doing what I'm supposed to do and didn't mind him. I must admit, he has this intimidating aura. Ngunit masyado itong mahina para makaramdam ako ng takot o kaba man lang.

The only reason I feel nervous is that they might be able to see the truth between my lies.

After cleaning his room in a hurry, I immediately left the place. There's no more reason for me to stay there. Baka kapag nagtagal ako roon ay mapapansin na niya ang mga bagay na hindi napapansin ng ibang tao sa 'kin. He looks like he's someone who can uncover every truth he wants to know.

"Ano? Kumusta? Hindi ka ba pinagalitan ni Sir Seth?" bungad sa 'kin ni Mina. "Pasensya ka na hindi kita natawag agad. Huli ko na kasi napansin si Sir Seth na paakyat ng silid, e."

I smiled at her. I'm happy to see her so concerned about me, even though we just knew each other. "I am fine, Mina. Binigyan niya lang ako ng ten minutes para linisin ang kanyang silid. It's done now."

She let out a deep breath, as if she'd been relieved to hear what I said. Ngumiti lang ako rito at nagpaalam muna para ilagay ang aking mga ginamit na panglinis sa storage room. I was about to go back to the kitchen when I heard a cry from the garden.

Dala ng kuryosidad ay tinahak ko ang daan patungo sa hardin. Natagpuan ko ang isang batang babae na nakasuot ng isang makulay na damit. She's sobbing while looking at her knee. Napatingin naman ako rito at nakita ang sugat niya. I roamed my eyes all over the place but no one was there to help this poor little girl.

Nilapitan ko ito at lumuhod sa kanyang harapan. She lifted her gaze at me, tears streaming down her cheeks. I smiled sweetly at her. Ayokong matakot ito sa 'kin.

Guilty Pleasure 03: Maid to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon