Chapter 1: A new life

6 1 0
                                    

Wendy's P.O.V.

"Anak, marami ka pa bang iginagayak?" ang tanong sa akin ni mama habang inilalagay ko sa mga kahon ang aking gamit.

"Sige hintayin ka na lang namin dito sa ibaba, ilalabas ko lang ang iba nating gamit." Ang tugon sa akin ni mama.

Ilang saglit pa, pagkatapos kong mailagay sa kahon ang aking mga gamit ay agad na akong bumaba at inilabas na rin ang gamit.

"Oh! Anak, sigurado ka bang wala ka nang naiwan sa loob? Ang sambit ni mama.

"Ok. na po mama."

"Kumpleto na ba ang lahat ng gamit natin para maisakay ko na dito sa tricycle." Ang tanong sa amin ni papa.

"Ok. na Yan lahat, mahal," - mama

"Pareng Lino, tulungan na kitang buhatin ang iba Dito." Sambit naman ng kaibigan ni papa na may-ari ng tricycle.

"Sige, Sige., salamat pare!"

"Nelly, kailangan nyo na ba talagang lumipat?" Ang Tanong ni Aling Rosa Kay mama na syang may-ari ng tinitirhan naming bahay.

"Ate Rosa, kailangan na po talaga naming lumipat ihh. Kinukulit na kasi ako ng kapatid ko." - mama

"Ganun ba? Haysss, mahihirapan na naman ako nitong maghanap ng mabait at mapagkakaktiwalaang mangungupahan sa bahay."

"Ate Rosa, sigurado ako na makatagpo ka rin agad."

"Oh! Sige, basta kapag kailangan nyo ng tulong ko huwag kayong mahihiya na tumawag sa akin, alam nyo naman na pamilya na ang turing ko sa inyo."

"Tatandaan ko po Yan, Ate Rosa. Mag-iingat din po kayu dito at Saka pwede naman po kayung dumalaw sa amin. Teka, iwan ko po Yung address ng lilipatan naming." Sabay sulat sa piraso ng papel. "Heto po."

"Naku, baka mapadalas ako ng punta sa inyo nito."

"Walang problema, Ate Rosa."

"Mahal, ano, tara na?" sambit naman ni papa

Sabay tango ni mama,"Ate Rosa, alis na po kami."

"Mauna na po kami ate Rosa, mag-iingat po kayo dito." sambit ni papa

"Sige, mag-iingat din kayo, nga pala Wendy pagbutihan ang pag-aaral at saka hanap ka na rin ng love life para hindi ka na lang sa Cellphone mo tumatawa." Sabay ngisi ni ate Rosa at nila mama

"Eh? Naku po, bata pa po ako at saka wala po akong time dun. Sige po nay Rosa, mamimiss ko po kayo." At ayun syempre may pa goodbye hug pa ako.

"Sige na at baka gabihin pa kayo."

At sumakay na nga kami sa tricycle sabay kaway kay Nay Rosa.

*********@our new house**********

Napatingin ako sa paligid kung saan huminto ang aming sinasakyan, Ang fresh ng air and syempre fresh din ang nga bahay sa paligid.

"Pare, salamat sa paghatid ah. Mag-iingat ka sa pag-uwi." - papa

"Sige pare, mare, Wendy mag-iingat kayo dito." sabay ngiti namin sa kaibigan ni papa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not so ROMANTIC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon