FINALE

89 5 0
                                    

"Dad, why are we here?" Nagtatakang wika sa akin ni Zefhan nang dalhin ko sila sa lugar na makikita ang buong siyudad.

Nasa itaas kami ng bundok, nilakad pa namin, at nagbiyahe pa kami ng mga anim na oras. Kasama rin ang ama at mga tito nila. Kaya nakalibre ng pamasahe papunta rito.

Holiday ngayon kaya sinamantala na namin ang araw.

Si Weilan mismo ang nag-suggest nito dahil ilang beses na siyang pumunta rito para sa shooting kaya naging tourist spot na rin ito para sa mga fans ni Weilan na humaling na humaling sa kaniya. Despite the fact that he's serious and doesn't like to communicate with his fans.

Hindi ko aakalain na may fans pa siya sa ugali na meron siya kapag nasa work siya.

Ibang-iba sa tunay na reyalidad.

Nandito nga pala kami sa malaking puno na naka-bend paibaba saka tumaas bago umikot pakanan. Marami itong sanga na malalaki't mahahaba.

May kaunti na ring turista na dumarating pero hindi sila lumalapit sa direksyon namin dahil may mga bodyguard na nakapaikot.

Si Linran naman ang nagdala niyan. Ayaw niya kasi na masira ang bonding naming lahat dahil sa mga taong kilala sila sa industriya.

'Yung issue noon about Sinian and Alrich, hindi na naibalik pa dahil may mga lawyer's letter ang ipapadala sa mga taong gustong ilabas ang isyu na matagal ng nam-tay sa medya.

Si Sinian naman ang gumawa noon. Akala ko noong una ay mahirap talaga siya kaya nagtatrabaho siya.

Hindi ko aakalain na dahil lang pala sa akin.

Mayaman siya. Kahit na nasa kulungan siya, may mga pinagkakatiwalaan naman siya sa kompanya na ginawa niya matapos makaalis na sa poder ng kaniyang mga magulang.

Walang kahit anong sentimo siyang kinuha sa kanila noong malaki na siya.

Bata pa lang siya ay nagtatrabaho na talaga siya. At 'yung allowance na binibigay sa kaniya noong nag-aaral siya ay nilagay niya sa bangko.

Sa kaniya naman daw iyon, dahil responsibilidad pa rin ng ina niya na punan siya ng pangangailangan niya. Kaya sa kaniya iyon.

Kaya 'yung naipon niya na pera simula walo hanggang sa ikalabing-pito niyang kaarawan, lumaki.

Noong ikinasal na siya kay Alrich, doon na rin niya naisipang magpagawa ng maliit na business like restaurant.

Mahilig magluto si Sinian at minsan ko na ring nalasahan ang pagkain na inihanda niya. Masasabi ko talaga na pang-world class ang lasa at dating ng niluluto niya.

Hindi na ako magtataka na sa loob ng isang taon ay naging popular ang restaurant niya at lumago pa ito nang lumago.

Pero ni minsan ay hindi niya pinapaalam sa iba ang identity niya. Tanging sa mga ka-sosyo niya lang sa trabaho.

Kaya hindi naapektuhan ang kaniyang negosyo matapos niyang makap-tay ng tao.

Hanggang ngayon ay labit-labit niya pa rin ang pagsisisi. One time, noong nag-overnight siya sa bahay, kitang-kita ko talaga kung paano siya bangungutin.

Hindi siya umiiyak pero ramdam ko naman na kahit sa panaginip lang din, nilalakasan niya ang loob niya. Umuung*l lang siya, naghahanap ang kaniyang mga kamay ng braso o makakapitan, that's why I lend my hand everytime I'm seeing him like that.

Kagabi, nangyari rin iyon, sa bahay ko na pinatuloy ang lahat dahil mga pagod na rin naman sila, saka malayo rin ang bahay nina Weilan at Linran.

Sa katunayan ay sa apartment na ni Sinian patutulugin ang mga kapatid niya pero ayaw paalisin ng magkambal ang tatlo.

THE UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon