Naaala ko pa yung day na todo ang ngiti ko pero deep inside gusto ko nang umiyak. Di napapansin ng iba yun kasi todo joke ako nung time na yun eh pero nung napa-upo na ako sa seat ko may biglang lumapit sakin at tumabi sabay sabi..
"Wag kang umiyak."
Tiningnan ko kung sino. Ahh! Siya pala!
"Ako? Pagsuuure! Haha" pagmamaangan ko.
"Tss. Pwede ba? Akala ko ba bestfriend tayo?" sabi niya then biglang naging worried ang expression ng face niya. Oo! Bestfriends kami pero do ko alam kung kailan at paano, biglaan then Boom ito na nga bestfriends daw kami.
"At kailan ka pa naging concern ha?!" sabi ko. Oo nga! Anyare sakanya?!
"Dati pa! Basta kung gusto mong umiyak, lapit ka lang sakin at..*tap ng shoulder niya* umiyak ka dito." sabi niya. Sheemz naman oh! Ito ang ayaw ko eh pinapakilig niya kasi ako ng hindi niya alam baka ma.fall ako sakanya pagnagtagal tss.
"Hahaha ikaw ba yan?! Wow ha!" Yun nalang nasabi ko. Naninibago ako at nagulat ako sobra sa sinabi niya.
"Oo naman, seryoso ako haha kaw talaga!" sagot niya sabay gulo ng buhok ko tss.
"Hahaha at kailan pa tayo may seryosong usapan?" sabi ko naman. To be honest ang weird namin eh! Yes! We are bestfriends pero iba kami pramis! Nagtataka nga yung iba kung bestfriends ba talaga kami.
"Ngayon! Seryoso ako haha yan ba goodvibes kana!" sabi niya sabay palo sakin ng mahina. Napatawa nalang ako sabay sabi...
"Drama mo kasi! Hahaha thank you :)"
"Kaw pa! :)"
Nawala bigla yung badvibes ko nun. Akala ko kaya kong magpanggap sa kanilang lahat pero may isa palang tao na makakahalata nun at nabigla ako dahil sa dinami-dami siya pa talaga. Yung lalakeng always kung kaharutan. Yung hindi magiging kumpleto ang araw namin pag walang sigawan at asaran. Trashtalk ang normal conversation namin and always lang kaming nagbibiruan kaya nga sabi ko nga na di uso ang seryosong usapan samin pero kahit ganun...
Masaya kami kahit ganun kami, kahit harsh kaming magsama at puro bully ang ginagawa namin sa isa't isa never pa kami nagkasamaan ng loob siguro konti lang kasi minsan sineseryoso ko yung joke niya pero nagsosorry naman siya kaagad at dahil di ko siya matiis and ending bati kami agad.
At nung araw na yun, naging like ko siya "somehow" pero mas pinli kung itago nalang yun...
Nakakainis nga eh! Alam mo yung feeling na tinitease ka ng mga kabaraka niya sa kanya at pinagkakamalang kayo ng iba?! Ang hirap kaya mag-acting na parang wala at para di ako magmukhang defensive.
"uyyyyy! Kath and Daniel" napadaan kasi yung barkada ni Daniel sa room namin.
"Walay trip lang?" sabi ko sabay taas ng isang kilay.
"Crush mo talaga si Daniel no? Amin na oi! Ayiee Daniel Kilig!" sabi nung isa pa. Di ko alam ang name.
"Gago! Di ah! Ikaw nalang mag ako hahaha" - ako sabay tawa. Ganito always ang drama pag nakakasalubong ko ang barkada niya tss.
"Hoy! Alis nga kayo mga ungoy kayo! hahaha" - Daniel
"ikaw owl! Ang bilog ng mata eh!" - barkada niya. wahahah.
"GAG*! HAHAHA" - Daniel at kaming lahat nagtawanan.
Days, months and years past bestfriend parin turing niya sakin kahit di na kami ganun kaclose kasi nagkaseparate ways kami at di naging classmates nung nakaraang school year at mas nakafocus na kasi ako sa barkada ko at siya din and may bago narin akong nagugustuhan at siya naman may nililigawan na. I'm happy for him kasi kahit papano may pinagsamahan kami, gusto ko maging masaya siya sa lovelife niya and I'm happy by that time at napa-isip ako...
"Buti nalang may nagugustuhan na akong iba bago siya nakahanap ng kanya hahaha"
Pero di ko akalain na makukrus ulit ang landas namin
"Oy bestfriend!" sabi niya nung makapasok ako sa room. First day of class yun.
"OH! Ba't ka nandito?!" Duh obvious naman eh, nagtanong pa ako. Wala parin siyang pinagbago.
"Grabe naman! Ito section ko haha classmates pala tayo! haha." Sabi niya sabay hampas ng mahina sa balikat ko.
"Oo nga eh! Ang malas ko tuloy haha." Haha ito na naman ako nagsisimula.
"swerte nga eh! May pogi kang classmate para inspired ka araw-araw! haha" sabi niya.
"Gag* ka talaga tsss hahaha." at ayun nga ang nangyari sa first day of school namin. Parang balik ulit kami sa dati at wala parin kaming pinagbago. Nothing new ganun parin ang cycle namin pag magkasama kami.
Lumipas ang mga araw at mga buwan. Kapag nasa classroom ako siya ang almost always kung kausap at kasama. May pagkafriendly user kasi yun! Di joke lang haha! pero after class hours naghihiwalay na kami at sumasama sa mga barkada namin. Nasabi ko na ba na wala na pala sila ng nililigawan niya. Di ko alam ang reason pero si girl daw ang kumalas. Nasaktan siya nun. Nagshare kasi siya sakin pero as time goes by I'm happy at proud sa kanya kasi atlast naka-move on na siya :)
"Bes patulong naman!" ito na naman siya pag may activity nagpapatulong.
"Nako! If I know Kath ginagamit ka lang niyan haha." sabi ng isa kung classmate.
"Hoy! Bestfriend ko to wag kana jan! Oy kath wag ka maniwala sa kanya di ako ganun." Haha sabi ni Daniel. Ang deffensive niya pramis.
"Alam ko noh! Everybody's bestfriend yan eh!" biro ko lang yun pero half meant. Minsan napapa-isip ako na baka ginagamit niya lang ako pero I know di siya ganun at yes! Everybody's bestfriend siya! Bakit? Paano ba naman, half sa klase namin bestfriend niya. Friendly much lang ang peg? Pero sino naman ako para pigilan siya. Katulad lang kasi kami eh.
"Grabe naman to. Di naman!" depensa ni Daniel.
"Hay Kath, Isa ka lang sa listahan ng mga bff's niya wahaha." Biro ng isa kong seatmate. Yeah alam ko pero di ko kasi siya matiis eh. Kasi I think..
I'm starting to like him again o di talaga nawala yung pagkagusto ko sakanya at nagbuild nalang ako ng bounderies kasi alam ko may iba siya at di kami pwede in the first place kasi for sure I'm not his type.
"Wooh! Natapos din" sabi ni Daniel. Kakatapos lng kasi ng project namin na by group at nagkataon ulit na kagrupo kami. Naglalakad kamimg dalawa palabas ng school.
"Oo nga eh! Galing ko kasi!" biro ko.
"Syempre! bestfriend kita eh!" - siya
"I know!" sanay na ako sa mga ganitong trip namin. Minsan trip naming magpangap na syota. Hanep noh?! Pero alam kasi namin na biro-biro lang yun.
"Kaya labs kita eh!" si daniel yan. Kitams? Ganyan tripping namin. Di uso ang seryosong usapan.
"Mas labs kita noh haha." Syempre! Ako magaling ako jan kaso nga lang medyo half meant yun na biro. Shit! Ayaw ko siya magustuhan kasi Ayaw ko lang!
BINABASA MO ANG
BitterSweet Relationship ( A short Story )
Short StoryKung hindi mo madaan sa paramdam idaan mo nalang sa biro-biro yan. Saan kaya hahantong ang isang bittersweet na relationship ? Well you want to know? Basahin niyo nalang :)