FAT KINI's Project: "MyLove Story"

66 4 0
                                    

I am always the laughing stock.  Nasanay na ako. Since bata ba naman ako, ganun na.  Ang role ko ay magbigay ng rason sa mga kaibigan ko para tumawa. Wala akong boyfriend kasi mataba daw ako, pero maayos naman ang mukha ko. Well, okay choosy ako sa lalaki, gusto ko kasi guwapo. Pero ano nga daw bang mapapala ko? Wala daw magkakamaling lalaking guwapo ang maiinlove sa akin. Sinabi yan ng mga kaibigan ko. Sama nila noh? Pero mahal ko sila...

Ako ang taga-ayos nila ng problema. Ako ang bridge nila kapag may manliligaw sila. Ako ang taga-paalam sakanila kapag may overnight study-kuno kami. At kapag may out of town field study aw kami slash field trip lang pala naming magbabarkda.

Ako ang unan nila, when they need someone to hug. Ako ang shoulder nila when they need someone to cry on. Ang katawan ko, sobrang laki when they need someone to lean on.. 

Ako ang taga-gawa ng report namin sa klase. Ako ang taga-edit ng gawa nila. Ako lahat. Ako. Ako. Ako.

Masaya naman ako sa ginagawa ko. Wala naman akong lovelife kaya sila ang pinagtutuunan ko ng pansin. Ako yung kinikilig para sakanila kapag kunwari ayaw nilang kiligin kesyo baka makahalata si crush. HAHA.

Sabi pa nga ng mga kaibigan ko, God is writing the perfect Love Story for me... Sagot ko naman, No. I'm gonna write my own love story... :))

Pero... Hindi paring maiwasang malungkt ako. Wala akong Valentine's Date, Walang sumusndo sa akin sa bahay. Walang maghahatid sa akin sa school. Walang nagbibigay sa akin ng bulaklak. No one to exchange sweet nothings with. Babae din ako. Teenager. At gusto ko ring maranasang kiligin. Kiligin para sa sarili ko. I wanna fall inlove with the man of my dreams. At yan ang project ko para sa sarili ko! 

FAT KINI's Project: "MyLove Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon