Chapter 5

11 3 0
                                    

Chapter 5

Alimpungatan si Ladder dahil sa ingay na nag-mumula sa labas ng kanilang bahay . Tumayo ito at inayos ang kanyang sarili bago lumabas ng kanyang silid .

Napansin niyang wala sa loob ng bahay ang kanyang ina at kapatid , kaya dumeretso sya sa labas .

" Anong nangyayari dito? " agad na tanong niya ng makita niyang nag labas ng mga armas ang mga tauhan ni Mr. Regan Chiu.

" K-kuya sinisingil na naman nila tayo , kanina pa galit si Mr. Chiu dahil walang maibigay na pera si mama . " mangiyak-ngiyak na turan ng kanyang kapatid .

Umawat naman ka agad si Ladder .

" Buti naman nagpakita kana kanina pa ako nag hihintay sayo . " panimula ni Mr. Chiu .

" Bayad inyo upa asan na? tapos na isang linggo bigay tawad ko sa inyo pero pera ko hindi pa na ibabalik . " dagdag pa nito .

Pinikit ni Ladder ang kanyang mga mata upang mapigilan ang kanyang sarili na hindi magalit.

" Nag hahanap na po ako ng paraan kung paano ko po kayo mababayaran Mr. Chiu bigyan nyo lang ako ng isa pang pagkakataon mababayaran rin kita . "

Inis na kinalabit ni Mr. Chiu ang kanyang baril , pinaputok niya ito sa malayo . Agad namang niyakap ni Ladder ang kanyang pamilya dahil nanginginig ang mga ito dahil sa takot .

" Ako bigay sayo tawad! sabi mo bigay mo pera ko ngayong linggo bakit wala parin ikaw pera!! , ako ba ginagago mo !? " inis na hasik nito .

" Bigyan mo lang ako ng isang araw ibabalik ko rin sayo ng buo ang kalahating pera mo , wag mo lang saktan ang pamilya pangako yan"

Bigla namang nag iba ang mukha ni Mr. Chiu , mula sa inis ay napalitan ito ng ngiti .

" Alam ko ikaw tupad usapan , basta wag mo lang ako taguan ." dahil sa sinabi nito ay naginhawaan naman si Ladder .

" Basta bigay mo pera kalahati tulad sabi mo ha! kukunin ko pera ko bukas babalik ako dito bukas."

Pagkatapos bigkasin iyon ay umalis na si Mr. Chiu kasama ang mga bantay nito . Agad namang hinarap ni Ladder ang kanyang pamilya at mahigpit na niyakap ang mga ito .


***

" Saan ka naman kukuha ng ganyan ka laking pera?" problemadong saad ng kanyang ina .

Batay sa boses nito ay hindi niya rin alam kong saad kukunin ang ganon ka laking pera para mabayaran si Mr. Chiu.

" Ma , ako na ang bahala , hahanapan ko yan ng paraan ." pag papakalma ni Ladder sa kanyang ina .

Umupo ang kanyang ina katabi ng inuupuan niya . " Ladder anak , alam ko, hindi gaano ka laki ang kinikita mo sa pag babartender , saan ka kukuha ng ganon ka laking pera? ano babalik ka sa dati mong ginagawa?

" Pinangako ko na sa inyo diba na kahit anong mangyari hindi ko na babalikan ang dati kong ginagawa. Hindi ko naman hahayaan na kayo ng kapatid ko ang mapapahamak ."

Niyakap ni Aling Rosa ang kanyang anak .

" Hindi ko alam kong ano ang nasa isip mo , kung ano ang binabalak mo , basta ang ipangako mo lang sa akin , ingatan mo ang sarili mo wag mong pababayaan ang sarili mo , hindi ko kakayanin kong may mangyaring masama sa iyo . " hikbing ani nito . Hinarap ni Ladder ang kanyang ina at niyakap ito .

" Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sakin , mag papayaman pa tayo diba?" birong saad nito para mabawas-bawasan ang sakit na hinagpis ng kanyang ina .

" Habang kaya ko pa mababayaran natin ang utang natin , pero dapat ipangako nyo rin sakin na mag iingat kayo palagi . "

Wala nang pamimilian ang binata , kong hindi niya tatanggapin ang trabahong inalok sa kanya ay buhay ng pamilya niya ang kapalit .

Wala na akong choice , kundi ang tanggapin at paki-samahan ang hambog na taong yun .


***

" You changed your mind?" Xavier said in sarcastic way . Ladder smirk .

" Hindi mo ako makikita dito kong hindi ko tatanggapin ang alok mo ."

Tumawa si Xavier . " Pera lang pala ang katapat sayo para pumayag ka. " pang iinsulto nito . Inis na tinignan ni Ladder si Xavier .

" Kung hindi ko lang kailangan ang pera hindi ako pupunta dito at magpapaka alipin sayo! "

" Okay , Jayson take him to his room . " napaintad naman ang kilay ni Ladder sa narinig .

" Before I forgot , I'm Xavier Dean Genovese you're boss , makukuha mo ka agad ang sweldo mo anytime you want . 50k 60k 100k name your price. " ani nito .

Inayos ni Ladder ang sarili niya.

" 100k " Ikling saad nito . Hindi naman makapaniwala ang ibang tauhan ni Xavier sa narinig .

" 100k then deal , you will stay here until I want you to stay, you will do your work as we discussed .

Wala nang atrasan to .

" Relax your self first , ipapatawag nalang kita kong kailangan na . " huling ani nito bago umalis . Si Jayson naman ngayon ang humarap kay Ladder .

" Jayson Tatum pre , kanang kamay ni Boss Salem Oregon Genovese kapatid ni Boss Dean welcome sa Genovese Family. " pagpapakilala nito .

" Ladder " maikling pagpapakilala nito ni hindi niya tinanggap ang pakikipag kamay ni Jayson .

Pasalpak na humiga si Ladder sa kanyang kama at nakatitig ang kanyang mga mata sa kisame . Iniisip kong paano paki samahan ang hambog niyang boss .

Pumasok si Jayson sa kwarto ni Ladder pero hindi sya nito binalingan ng pansin .

" Pre sabi ni Boss Dean mag handa ka raw dahil ipa kilala ka lahat mamaya bilang bagong personal bodyguard niya ." balita nito pero nanatiling walang imik ang binata .

Umupo si Jayson sa kama . " Pag pasensyahan mo na si Boss , ganyan talaga yan ." salita nito kahit walang nag tatanong .

" Paano nyo nagawang paki-samahan yang hambog ninyog boss? tanong ni Ladder .

" Aba hindi ko alam ! hindi naman ako na distino sa kanya para bantayan sya siguro dapat si Marco ang tanungin mo , sya ang pinakamatagal na bodyguard ni Boss Dean "

Hindi na muling umimik si Ladder .

" Basta ang gawin mo lang wag mong galitin si Boss Dean , iba magalit yun " pa alala nito .

" Sige mauna nako . " tumango lang si Ladder bilang tugon .

Iba magalit? tskk para ngang bakla e .

Dala ng pagod ay naka idlip si Ladder .





Wild Ring [BxB]✓Where stories live. Discover now