Raven's POV
Nagising ako dahil sa mga kakaibang tunog na aking naririnig sa paligid at ng imulat ko ang aking mata ay nagulat ako at nag taka kung nasaan ako dahil napapalibutan ako ng mga nag tataasang mga puno at kung ano ano pa
"anong ginagawa ko at pano ako nakapunta dito" sabi ko saaking sarili dahil naguguluhan ako wala naman akong matandaan na nag liwaliw ako sa kakahuyan para sa wala so howw
Tumayo ako upang mag hanap ng tao na maaari kung hingan ng tulong dahil hindi ko talaga alam kung asan ako
Habang nag lalakad sa walang katapusang kagubatang ito ay bigla akong napatigil at agad na inakyatan ng takot dahil sa aking nasa harapang hindi ko malamang hayop o tao o di kaya ay ibon dahil kakaiba ang itsura nito
Meon itong katawan ng leon pakpak ng isang ibon at ulo ng tao kayat labis ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung ano ang kaya nitong gawin saakin
Tatakbo na sana ako ngunit huli na pala ang lahat bigla itong sumugod saakin at hinampas ako ng kanyang matigas na buntot kaya tumalsik ako at tumama sa malaking puno na muntik ko nang ikinawalan ng malay
"ahhhhgggg ang sakit hayop ka inaano kaba huhuhuhu" daing ko ng pag pagsak ko sa lupa ayaw mung maniwala lika dito ihahampas kita huhuhuhu
Sumugod na ito saakin kaya napa pikit nalang ako siguro ito na ang katapusan ko. Ilang saglit pa ay wala parin akong nararamdamang sakit o kung ano na maaari kung ikamatay. Kaya nag mulat ako ng mata at napanganga ko dahil sa aking nakitang isang lalaking nakatalikod pero kita mo dito ang laki at namumutok na mga muscles sa katawan ng humarap ito saakin ay mas lalo akong napanganga dahil sa tila nakakita na ako ng tunay na dyos ng kagwapuhan dahil subrang gwapo talaga mga vebs grabe
"ayos kalang ba binibini" nag aalala nyang tanong saakin kayat tumango ako kahit na hindi naman totoo dahil ramdam ko parin ang sakit ng aking katawan
Naalala ko nga pala na may halimaw na sumusugod sakin kaya luminga linga ako sa paligid at dun ko nakita ang hinahanap kung walang hiyang halimaw na bumalibag sa maganda kung katawan nakita ko ito na may malaking bakal na naka tarak sa kanyang dibdib mukhang wala na itong buhay dahil parang hindi nato humihinga
" salamat ahh kung hindi dahil sayo siguro patay na ako ngayon" sabi ko sakanya dahil sa pagligtas nya sa buhay ko
"ahh yun ba wala yun tsaka alam ko naman na kailangan mo ng tulong pero teka langpano ka nakapunta dito at bakit ganyan ang kasootan mo" tanong nya saakin kaya naman napabuntong hininga ako bago sumagot sa kanyang katanungan
"ahmmm kaseee ano hindi kodin talaga alam kung pano ako nakapunta dito ang alam kulang nagising nalang ako na nandito na ako" sabi ko sakanya dahil wala talaga akong kaalam alam kung ano ang nangyari at kung pano ako napunta dito
"napansin konga sa isyong pananamit palamamg ay alam ko na hindi ka tagarito" sabi nya saakin na tinanguan kulang pakiramdam korin kase na parang nasa ibang lugar ako dahil hindi pangkaraniwan ang Nakaharap ko kaninang halimaw
"ano pala ang iyong ngalan binibini" tanong nya saakin nahiya naman ako dahil sa pag tawag nya saaking binibini
"ahhm ako nga pala si raven at hindi mo kailangang tawagin akong binibini dahil hindi naman ako babae" nahihiya kung sabi sa kanya ito naman ay nagulat at tila hindi makapniwala sa kanyang narinig
"wahh napaka ganda mo para sa isang lalaki kayat inakala ko na ikaw ay babae" gulat nyang sabi na may paghanga sa kanyang mata
Nahiya naman ako dahil sa mga sinasabi nya kayat namula agad ako ng husto"magkagayun man ay patawad sa aking pagtawag saiyo ng binibini ako nga pala si rafael" pag papakilala nya saakin sabay abot ng kamay agad ko naman itong tinanggap
Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng panghihina sa diko malamang dahilan kayat bago pa ako matumba at mawalan ng malay ay agad akong nasalo si rafael