Nandito kami ngayon sa headmistress office dahil ipinatawag kami sa hindi malamang dahilan
"bakit mo kami pinatawag headmistress" ani ni ash kay headmistress camilla na nasa aming harapan
"ipinatawag ko kayo dahil bibigyan ko kayo ng misyo sa mundo ng mga tao" sabi ni headmistress na ikinagulat ko pati din sila
"ano naman pong misyon yun headmistress" takang sani bi james dito
"kailangan nyong humanap ng katulad ng mago sapagkat isa isa nang namamatay ang mga mago sa mundong iyon dahil kumikilos na ang mga darkan upang hanapin at patayin ang itinakda" sabi nya na ikinagulat namin grabe naman pala yang mga darkang yan papatay talaga sila ng mga enosente mahanap lang ang itinakdang sinasabi sila
"bukas na bukas ay aalis na kayo maaari na kayong mag sibalik sa mga dorm nyo at ikaw prinsipe asg maiwan ka" sabi ni headmistress nag tataka man kung bakit pinaiwan pa si ash pero naisip ko na sya nga pala ang leader kaya siguro may ipapaalala sakanya si mrs. Camilla
Ash POV
Ng makaalis na sina raven ay humarap ako kay headmistress na ngayon ay seryoso ng nakatingin saakin
"anong sasabihin mo headmistress" malamig na ani ko sakanya dahil hindi nya ako ipapaiwan kung wala syang mahalag sasabihin
"protektahan mo ang itinakda wag na wag mong hahayaan na maagaw sya ng mga kalaban maliwanag ba prinsipe" seryoso nyang sabi saakin kaya nagulat ako dahil alam ko kung sino ang tinutukoy nya at si raven iyon, tumango naman ako sa sinabi nya kahit hindi man nya ipaalam saakin yun ay gagawin ko talaga ang lahat mapanatili lang ligtas ang mahal ko matagal kona ding alam na sya ang itinakda dahil hindi pangkaraniwan ang kanyang kapangyarihan dahil maihahalintulad mo talaga ito sa mga dyos at dyosa
"humayo kana at mag hanada sa pag alis nyo bukas" sabi pa nya bago muling umupo sa kanyang upuan at muling pumirma ng mga dukomento
Kaya wala na akong pinatumpik tumpik pa at umalia na akoRaven's POV
Nandito kami nina rose sa cafeteria at kumakain iniintay din namin si ash na dumating dahil kinausap sya ni headmistress ano kayang pinag usapan nila - hindi naman sa chismosa ako pero well hindi ko maitatanging malaki at matalas ang mata at tenga hahahaha choss pero curious talaga ako kung anong pinag usapan nila dun
"anong meron sa inyo ni ash" napatigil ako sa pag subo ng pagkain dahil sa sinabi ni rose napatingin naman ako dito at para itong asong napaka laki ng ngiti
"oo nga naman raven share mo naman oh haha kyaaaa kinikilig ako" ani ni sofia na walang humpay sa kakatili kaya ang mga istudyan te ay nabaling ang tingin saamin jusko nakakahiya ang babaeng ito
"ahhh ganito kase yan-" naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang may mag salita sa likod ko
"boyfriend nya ako" maikling ani ni ash kaya heto ako ngayon pulang pula at gustong mag pakain sa lupa juskoooo
"kyaaaaa sabi kona ehhh kyaaaaa" tili ni sofia na wari ay wala ng bukas para tumiling muli jusko dinaig pa nya sa morrisette sa pag whistle nya
"oh my gosh oh my gosh i can't breath kyaaaaaaaaa" sabi naman ni rose at biglang tumili ng pag kalakas lakas kaya halos mabasag na ang aking ear drums juski kung pwedeng hampasin to kanina kupa po ginawa huhuhu
Sina james at rafael naman ay tawa ng tawa dahil sa inaakto ng dalawang babae si ash namna ay tumabi saakin at humalik saaking pisngi na dahilan upang mamula ako abot langi dahil sa kilig at hiya. Mas tumili nama ng mas malakas si sofia at sinabayan din ni rose jusko naabot na nila ang level ni maria carry jusko may pakulot kulot pa yung tili nila huhuhuhu