-----Tomoko's POV-----
18th birthday ko na.
Pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit for 18 years ay ni-minsan hindi ko naranasang umiyak.
Oo nga at umiiyak ako pero lahat ng iyon ay tears of joy.
Hindi dahil sa matapang akong babae kaya hindi ako umiiyak kundi dahil wala lang talaga akong mahanap na dahilan para umiyak dahil ni minsan wala pang nagpasama sa loob ko.
Kahit nga ng mamatay ang mama ko sa sakit na cancer ay masaya pa rin ako kasi hindi siya naghirap katulad ng ibang may sakit na cancer.
Alam mo kung bakit?
Kasi mayaman kami... mayamang mayaman kami.
Kaya marahil walang bagay na nagpapasama ng loob ko kasi lahat ng bagay na gustuhin ko ay nakukuha ko.
"Miss Tomoko, tawag ka na ng daddy mo. Magsisimula na daw ang debut mo sa baba." Tawag sa akin ng personal yaya ko na si Mae.
"Sige yaya Mae, susunod na po ako."
Pagkababa ko ay nakaabang na sa akin lahat ng mga bisita.
Nakamaang sila sa ganda ko. Hindi ko sila masisisi, unique talaga ang beauty ko kasi half pinay at half Japanese ako. Nagmana ako sa papa ko at malakas ang dugo ng mga Yamazaki kaya mas nangibabaw ang pagiging Japanese ko.
Hindi ko na pinangko ang buhok ko at hinayaan ko na lamang iyon na nakalugay kasi yun ang gusto sa akin ng halos lahat ng mga friends ko. Kasi daw kapag nakalugay ako ay nagmumukha akong Japanese doll dahil sa mala-porselana kong kutis na nagrereflect sa straight long shiny black hair ko.
Ni hindi ko na nga kinailangan pang kulayan ang labi ko dahil natural na ang pagkapula.
Habang pababa sa hagdan ay sinalubong ako ni papa ng papuri. "Anata wa utsukushiidesu (you are beautiful)"
Yumuko ako ng bahagya bilang pag-galang sa ama. "Otosan arigatogozaimashita(thank you dad)"
Perfect na sana ang gabi ko nang mag-18th dance na at isinayaw na ako ni daddy.
Si dad nga ang naging 2nd to the last dance ko at nang ibibigay na niya ang kamay ko sa aking nobyo na si Nico para makumpleto ang aking 18th roses ay ibang kamay ang tumanggap sa kamay ko.
Nagulat ako sa pagsulpot ng isang estrangherong lalake.
Tumingin ako sa nobyo ko at naghihintay na ipagtanggol ako pero tila na-estatwa siya sa kaharap. Para siyang nakakita ng multo at takot na takot na naglakad palayo.
Kaya naiwan ako sa gitna ng dance floor kasama ang di ko kilalang lalake.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.
Bigla akong hinatak ng matangkad at gwapong lalake palapit sa katawan niya at isinayaw ako.
Ikinagulat ko ang pangyayari pero sumunod pa rin ako sa indayog niya. "Sino ka ba? At anong karapatan mong agawan ang boyfriend ko ng chance na maisayaw ako?"
Tantiya ko ay nasa 30's pababa na ito base na rin sa paraan ng pagdadala nito ng suit. He seems like a businessman pero I must say na sa gwapo ng itsura niya, kung hindi siya maka formal attire ay mapagkakamalan pa siyang nasa 20's pababa.
"Sinong boyfriend ang tinutukoy mo, yung si Nico? I believe hindi mo na siya boyfriend ngayon." Pahayag ng estrangherong lalake sabay tingin sa direksyon na dinaanan ng boyfriend ko.
"A-ano?" Bibitaw na sana ako sa lalakeng kasayaw ko nang mas lalo niya akong hinatak palapit sa katawan niya. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magpanggap na kilala siya kasi baka magkagulo pa ang mga bisita ko at masira na ng tuluyan ang party ko.
BINABASA MO ANG
Imperial Brothers
Aktuelle LiteraturSa larangan ng business, isang apelyido ang kilalang-kilala at kinatatakutan na makabangga... ang IMPERIAL. Tatlong magkakapatid naman ang kilala sa apelyidong ito... ang tinaguriang 'Lord Kelvin', 'Alexander the Great' at 'King Arthur' ng Imperial...