-----Tomoko's POV-----
Nagdatingnan na kinabukasan ang mga pulis at may dala silang warrant of arrest. Wala akong nagawa ng kaladkarin na nila ang ama ko palabas ng mansiyon.
Pinilit kong lumapit kay daddy.
"Otosan!(Dad) Bago ka umalis sabihin mo muna kung paano ko pwedeng makausap si Lord Kelvin."
"Huwag na anak, wala na tayong magagawa... nakuha na ng bangko ang lahat ng ari-arian natin. Ikaw na lang ang natitira kong kayamanan at ayoko namang mawala ka pa."
"Otosan! Please... kailangan ko siyang makausap."
"Kagabi pa lang niya ayaw sagutin ang mga tawag ko kaya kung gusto mo siyang kausapin ay kailangan mo siyang puntahan sa mismong bahay niya."
"Saan dad?"
"Hanapin mo sa log book ko sa aking mesa."
Tumango-tango ako at pinakawalan na ang kamay ng aking ama. Tinanaw ko ang papalayong police car na maghahatid sa kanya papunta sa kulungan.
Pinahid ko ang mga luha ko. "Otosan... pangako... makakalaya ka sa kahit na anong paraan."
Hinanap ko ang bahay ng mga Imperial at tinuro ng address ang isang malaking mansiyon? palasyo? modern house? ancestral? Ano ba to, hindi ko alam kung anong klaseng bahay ito basta malaki!
"Ito ba ang Malacañang Palace?" Bulalas ko sa aking sarili.
Biglang may sumagot sa aking likuran na isang matandang babae at pinagtatawanan niya ako. "Iha, taga-saan ka ba at hindi mo alam kung anong itsura ng Malacañang Palace ha?"
Nang humarap ako sa kanya ay nag-iba ang tono ng pananalita niya... naging seryoso siya.
"Kaya naman pala... mukhang nasanay kang credit card ang palaging dala kaya hindi mo alam kung anong itsura ng Malacañang Palace kasi hindi ka pa nakakapunta doon o nakakahawak ng papel na pera tama?"
Humugot ito sa bulsa niya ng bente pesos at pinakita sa akin ang likuran. "Ito ang Malacañang Palace, at yan namang nasa harapan mo ang... Imperial Palace."
Napatingin ulit ako sa bahay... "Mukhang mas malaki pa nga ito sa Malacañang Palace, hindi ba na-insulto ang presidente?"
Tumawa ang matanda. "Hinde siyempre dahil ang mga Imperial family ang pinaka-malaking contributor ng buwis sa ating bansa."
"Ahmmm... mawalang galang na po... sino po kayo lola?"
"Naku pasensiya ka na, nakalimutan kong magpakilala... ako nga pala si Adelaida... tawagin mo na lang akong lola Adel, ako ang yaya ng magkakapatid na Imperial."
Ang tanda-tanda na nila tapos may yaya pa rin sila? Natawa ako sa narinig ko.
"Halika miss Tomoko, sumunod ka na sa akin sa loob."
Sumunod naman ako sa kanya at saka ko lang napansin na tinawag niya ako sa pangalan ko. Itatanong ko sana sa matanda kung pano niya yun nalaman ng biglang nagyukuan ang mga nakalinyang mga maids at butler at binati ako ng...
"Magandang araw Miss Tomoko..." Koro nila.
"Kilala din nila ako?" Laking-gulat ko.
Biglang umalis sa hanay ang isang maid na halos kasing-edad ko lang at agad nagpakilala. "Hello po miss Tomoko, ako po si Lily ang inyong magiging personal maid."
Napamaang ako, teka kakatungtong ko lang sa bahay na ito tapos may personal maid na agad ako?
"Sige na Lily, baka napagod na ang senyorita mo kaya pagpahingahin mo na muna siya sa kanyang kwarto." Utos ng matandang mayordoma.
BINABASA MO ANG
Imperial Brothers
General FictionSa larangan ng business, isang apelyido ang kilalang-kilala at kinatatakutan na makabangga... ang IMPERIAL. Tatlong magkakapatid naman ang kilala sa apelyidong ito... ang tinaguriang 'Lord Kelvin', 'Alexander the Great' at 'King Arthur' ng Imperial...