Chapter 1 "First Day of School"

4 1 0
                                    

Alam niyo, ngayon ko lang narealize, andami na naming chika pero hindi pa ako nakakapag introduce sa inyo hahaha, sa kadaldalan ko na siguro to. Anyways, I'm Calizza Malory Hale, 20 years old currently taking Bachelor of Arts in Communication. I'm the youngest in my family.

"Goodmorning class, I'm Neil Hidalgo, your professor in this subject. I know this is redundant, but I want you all to introduce yourself." Saad ni sir pagpasok nito sa classroom, agad naman napa face palm ang iba na para bang bago sa kanila ang gawain na to.

Isa isa na nga na nagpakilala ang mga kaklase ko at yung iba naman ay may nakakatawa pang introduction, yung iba naman ay trying hard. Hindi tuloy namin maiwasan ni Eula na mag bombastic side eye, o magsikuhan sa tuwing magpapakilala ang mga kaklase namin na hindi namin feel, o hindi talaga namin gusto. Pagkatapos magpakilala ni Eula ay tumayo na rin ako para sumunod sa introduction.

"Goodmorning everyone, my name is Calizza Malory Hale, you can call me Cali for short and I'm 20 years old. I took up this course because I feel like this is where I belong, and this is the course that will improve my knowledge and skills."

Mabilis nang natapos ang pagpapakilala namin, agad naman kaming nabuhayan ng sabihin ni sir na dismissal na agad dahil wala pa naman daw kaming gagawin. Wala din kaming ginawa sa ibang subject kundi mag introduce. Mabilis na lumipas ang oras, agad ding nagpauwi ang prof namin.

"Cali, tara kain" aya ni Dom sakin.

"Pass ako bes, uwi ako agad. Sa bahay na ako kakain"

"Sus, si uwiin naman" pagbibiro pa ni Dom

"Syempre di sasama yan si bes, ayaw naman tayo kasama niyan e" panggi guilt trip pa ni Randell sakin.

"Sa susunod na ako sasama bes, di ka gaganyan" sagot ko.

"Bes mauna na ako ha, andyan na love of my life ko sa labas e" saad ni Eula na kaagad ko naman tinanguan.

"Bes puro ka naman bebetime, sumama ka naman samin kumain" pamimilit ni Austin.

"Alam niyo, hayaan niyo na ang besbes ko, inggit lang kayo. Wala kayong bebetime." Pagtatangol ko kay Eula.

"Trueeeee!!! sige na bes, mauna na ako. Chat ka na lang pag nakauwi ka na ha, bye guys!" Sabi ni Eula bago bumeso at umalis.

"Randell hatid niyo ako sa sakayan bago kayo kumain ha." Sabi ko habang naglalakad kami palabas ng room.

"Na para bang may choice kami?" Sagot ni Randell.

"Guys evident ba yung dumi sa likod ko?" Tanong ni Daemon.

"Hindi naman" sagot ni Austin.

"Evident ang dumi mo sa face bes" sagot ko sabay turo sa buong mukha niya. Agad naman tumawa si Dom na may paghampas pa.

"Grabeee" wika ni Daemon, minsan nahihirapan ako magjoke kay Daemon kasi parang hindi niya magegets ang humor ko. Madalas naman ipapaliwanag ko pa kapag nag joke ako sa kanya.

"Tara na bes, hatid ka na namin" sabat ni Dom.

Lumabas na nga kami ng campus at mabilis naman ako nakasakay pauwi. Pagkasakay ko ay medyo masikip ang jeep, nakaupo ako sa tabi ng lalaki na pamilyar sakin. Sigurado ako na siya yon dahil pagupo ko palang ay naamoy ko na agad ang pabango niya. Nagkunwari ako na hindi siya napansin at nakapikit lang habang nasa jeep. Dumidilat ako upang icheck ang phone ko at nakikita ko sa peripheral vision ko na tumitingin siya sakin. Sinuot ko ang earphones ko at pumikit sakto ang tumugtog "jeepney love story" by Yeng constantino. Jusko naman bat ngayon pa nagtrip ang tadhana, sabi ko sa isip ko. Iminulat ko ulit ang mata ko at tiningnan ang lalaki sa tabi ko. Nakapikit na din siya na tila nagpapahinga, nakauniform pa siya kaya siguro ay pauwi na din galing sa school niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya, wala pa ding nagbago. Nag mature lang kaunti ang itsura niya. Inalis ko na ang tingin sa kanya at inilipat ang tugtog bago pumikit ulit upang ipahinga ang mata ko.

*FLASHBACK*

"Ikaw ba? Kumain na? Tanong ko sa lalaking kaharap ko. Ngumiti siya sakin at tumango.

"Bat andito ka pa? Sige na dun ka na. Maglaro ka na" wika ko.

"Hindi na, aantayin na kita" saad niya na nakangiti pa din sa akin. Napatingin ako sa mata niya na tila nakangiti din kasabay ng labi niya, ang mga matang unang nagparamdam sakin ng kakaibang pakiramdam na nung mga panahon na yon ay hindi ko mapangalanan. Ngumiti din ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay naupo kame sa stage ng open ground, pareho kaming tahimik at nakatingin lang sa bawat pagpatak ng ulan habang pinapanood ang mga kasama namin na player din ng volleyball. Ang iba ay naliligo sa ulan at ang iba naman ay naglalaro pa din habang naliligo. Pareho kaming tahimik lang, at doon ko naramdaman sa mura kong edad ang kakalmahan sa gitna ng katahimikan.

*END OF FLASHBACK*

Natapos ang pagbabalik tanaw ko ng magiba ang tugtog mula sa cellphone ko. Dumilat ako at napatingin sa kanya, nagulat pa ako dahil nakatingin din pala siya sakin. Tinanggal ko ang earphones ko dahil bumuka ang bibig niya, hindi ko masyadong naintindihan dahil sa lakas ng tugtog galing sa earphones ko.

"Ha?" Ang tanging salita na lumabas mula sa bibig ko. Hanggang ngayon pala ay may epekto pa din ang mokong na to sakin.

"Sabi ko buti tumingin ka na sakin" sabi niya habang nakangiti

"Ah kanina ka pa pala dyan?" Maang maangan kong sagot sa kanya.

"Oo, kanina pa. Tinitingnan kita kaso hindi ka tumitingin sakin e, nahihiya naman akong tawagin ka." Saad niya.

"Sus para ka naman others, bayad ka na ba?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya para maiba lang ang usapan, o para may mapagusapan pa? Hahaha

"Oo kanina pa" sabi niya na nakangiti.

Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa, hindi ko na din kasi alam kung ano pa ang isasagot. Nagbayad na lang ako kay manong at nag cellphone. Kunyare ay may kausap pero wala naman talaga.

"Uy dito na pala ako" sabi ko sa kanya ng mapansin na malapit na ang location ng bababaan ko.

"Ingat ka" sabi niya na may ngiti nanaman sa labi

"Oo, ikaw din" sagot ko na nakangiti din.

Hindi ko namalayan na hanggang paguwi ko pala ay nadala ko ang ngti ko.

"Mukhang good mood ka ha?" Sabi ng ate ko na hindi ko napansin na nasa sala pala.

"Hindi naman? OA?" Wika ko na pinipilit itago ang ngiti ko.

"Sus kunyare ka pa" dagdag pangiinis niya pa sakin.

"Nyenye" sabi ko, wala na kasi akong masagot dahil di ko din naman alam bat ako masaya e. Basta ang alam ko lang ay masaya ako. Iniwan ko na ang ate ko at umakyat sa kwarto, nagshower lang ako kasi pakiramdam ko ay napakalagkit ko dahil sa pagcocommute. Pagkatapos ko magshower ay nagbihis at nahiga na ako sa kama. Nag browse lang ako sa internet para medyo antukin ako, dahil napuyat ako kagabi at gusto ko sanang matulog kahit saglit na oras lang.

Untying the Red StringsWhere stories live. Discover now