Chapter 5 "Reminiscing the past"

3 0 0
                                    

Nakadating na kami sa bahay at as usual, chinika nanaman agad ni Red si mama. Ang kapal ng mukha nakikikuha pa ng chips na kinakain ni mama. Sinamaan ko siya ng tingin ng magtama ang tingin naming dalawa, agad niya naman akong tinawanan.

"Tita oh, si Cali galit nanaman" pagsusumbong nito.

"May bago pa ba sa batang yan, simula nung mawala ang papa niyan palagi na yang galit at nakabusangot" pagtugon ni mama sa sumbong ni Red.

"Halika na dito, maupo ka na." Aya sakin ni Red na para bang bahay niya to.

Naglakad ako at naupo sa tabi ni mama, tumayo na si mama at nagpaalam.

"Aakyat na ako, Red magiingat ka sa paguwi mo mamaya ha. Pasayahin mo muna ang prinsesa namin" wika ni mama habang paakyat sa hagdan.

"Sa tingin mo ba ma sasaya ako kung ganitong mukha ang makakasama ko?" Pagturo ko pa kay Red.

"Wow? Ganda ka?" Pambabara niya naman

Natawa naman si mama sa bardagulan namin. "Kayong dalawa puro kayo kalokohan, sige na goodnight na" sabi nito at tuluyan na umakyat. Nagpaalam pa kami ni Red sa kanya at naghanap na ng movie na papanoorin.

"Ano gusto mo panoorin?" Tanong nito na hindi tumitingin sakin dahil nagbbrowse ito sa netflix.

"Love story? Ikaw ba? Ano ba gusto mo?" Pagsagot ko.

"Kahit ano, kung ano gusto mo." Tugon niya.

"Kung ako lang din magiisip wag na, magpatugtog ka na lang." Pagsagot ko dito, dahil kung ako ang magiisip baka hindi kami matapos.

"Sige, sabi mo e." Sagot niya bago nagsearch ng kanta. "Out of my League" by Stephen Speaks. Ang paborito niyang kanta.

"It's her hair and her eyes today,

That just simply take me away.

And the feeling that I'm falling futher in love,

Makes me shiver but in a good way."

Sumasabay siya sa pagkanta habang nakatingin sakin, Dug. Dug. Dug. Rinig kong tibok ng puso ko, mabuti na lang at malakas ang tugtogat hindi niya naririnig. Nagtawanan pa kami at sumabay sa kanta. Nang matapos ang kanta ay sabay kaming uminom ng tubig at kumain ng chips na nasa harap namin. Sabay kaming natahimik at tanging tugtog lamang ang ingay mula sa sala. Walang nagsasalita samin, para bang pareho kaming napagod sa pagkanta.

"Natatandaan mo pa ba nung Valentines Day tas nakatanggap ako ng letter tas gusto mong makibasa pero ayoko? Tapos nagtampo ka pa tsaka sumimangot. May isa akong letter na tinabi." Pagkukwento niya.

"Ah, oo nung grade 10 tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, nasakin pa din yung letter, Gusto mong mabasa?" tanong niya.



*FLASHBACK*

Malapit na ang Valentines day, napakadaming puso na nakadecorate sa school namin. Ibat ibang pakulo sa mga magshota. Yung iba naman teacher ang sinusurprise. Kinuha ko ang isang pink na sobre mula sa bulsa ng bag ko at nagtangka na ihulog iyon sa dropbox na ginawa ng mga SSG. Nagkaroon sila ng project kung saan gumawa sila ng dropbox na pwede mong hulugan ng letter, para daw iyon sa mga gustong magtapat ng damdamin nila pero walang lakas ng loob. Ibibigay iyon kinabukasan para saktong Valentines Day daw. Sinamantala ko na uwian na, para walang makakita sakin na maghulog sa drop box. Nakakahiya naman. Mahal pa ang papel na ginamit ko para sa tula na bibigay ko sa kanya, scented paper at sinunog ko pa ang gilid. Tuwang tuwa pa ko habang pinagmamasdan ang ginawa kong regalo para sa kanya.

"Cali!" Rinig kong pagtawag sakin, luminga pa ako at nakita si Red. Nataranta pa ako at inilagay ang letter na para sa kanya sa aking bulsa. Mabuti at hindi niya gaanong napansin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untying the Red StringsWhere stories live. Discover now