1

65 4 0
                                    

(for clarification, from chapter 1 and so on is the story where it begins, saan sila nanggaling, pano nagkakilala, pano sila napunta sa puntong 'yun etc. Baka malito kasi kayo hehe. Sa kalagitnaan niyo pa po makikita ang "break up" scene na inupload ko sa tiktok. I hope, you will join me 'til the end and I hope walang magbabago. Enjoy reading my cupcakes😘)

Chapter 1

"LVU?! Seryuso ka ba Eli?" gulantang na saad ni Thalia ng malaman ang plano ko.

I am preparing my requirements for tommorow dahil mag-t-take ako ng entrance exam sa Laude Victory University, hindi siya gaanong kilalang school ng lahat pero matagal na itong naipatayo para makatulong sa mga estudyanteng katulad ko.

They offered lot of opportunities and benefits. Meron silang college degree and TVET program, (TVET is under TESDA course, and this is just a two-year course, 1 year for study/schooling and also 1 year for OJT, at ito ang pinaplano kong kukunin). Ang pinaka na gustohan kong offer nila is yung sila mismo ang maghahanap ng kompaniyang pagtatrabahuan ng estudyante pag mag O-OJT na. There will be a chance also that the company will consider us already as their regular employees kahit nag O-OJT palang.

"Huling sugal na 'to, pag hindi parin makapasa sa entrance exam and interview, titigil na lang siguro muna ako sa pag-aaral" Ani ko na parang nawawalan na ng pag-asa.

Grabe, dalawang school na ang tinry ko, pero ni isa sa kanila walang may nag text. Hindi ko narin alam kung makakapag-aral pa ba ako o hindi na, hindi na kase kakayanin nila mama pag magka-college pa ako, tuition pa lang hindi na kakayanin.

"Alam mo naman kung gaano ka strikto dyan di ba, tapos malayo pa. Remember beh, nandito tayo sa probinsyang puro tubohan at puno ang paligid! Delikado masyado!" May pag-aalalang dagdag niya.

Gets ko naman yun pero pangarap at realidad ang puhunan ko dito.

Kung hindi ako susubok, walang may mangyayari at magbabago.

Magsasalita na sana ako ng may isasabat pa pala siya, "Beh ito pa, bawal mag boyfriend dyan, iba din ang grading system nila kesa sa ibang school, tas Madre pa ang na mamalakad. Baka unang araw mo palang, parang gusto mo ng maging kanang kamay ni San Pedro, nako!"

Daming dada ng babaeng 'to.

"Gago, syempre inalam ko muna kung ayos lang ba yang skwelahan na yan bago ko itatry diba, 'wag kang ano, isasama kita dito. Wala kang magawa sa buhay, magpakabanal ka naman Thali! Actually, bagay ka nga dito, araw-araw ba naman silang nagdadasal hindi puputi yang budhi mo?" bara ko sa kanya, "at teka nga, sino bang may sabi sayo na boyfriend ang hahanapin ko dun? Wala na nga tayong allowance, lalandi ka pa?"

Matapos niyang tapusin ang ginagawa niya kanina pa ay pumunta na siya sa inuupuan kong sofa, nandito kasi ako sa bahay nila para bisitahin siya dahil parang nabubulok na 'to dito.

"Kita mo, sa tingin mo sa ugali mong yan tatanggapin ka dun? Pareho tayong maitim ang ugali dito, 'wag kang mag malinis." aniya at hinampas ako sabay tawa, "natatakot ako sa disisyon mo beh! Ito ah, hindi kapa nagkaka-boyfriend, madalas ka ring masunurin sa magulang, halos lahat nga iintindihin mo nalang kahit naabuso kana e, tapos mag-eenroll ka sa skwelahan na yan? Ang pagiging palamura mo, pwede pang maayos, kaya what if—"

"What if ano na naman?"

"What if isa ka sa magiging Madre pagkatapos ng graduation. Yung magd-desisyon ka na papasok ka na lang sa—aray Eliana!" Hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil sinabunutan ko ang buhok niya na parang labada ang shampoo kada ligo sa sobrang dry.

"Wala ka talagang kwenta 'no? Kaya ka siguro binagsak dito sa lupa ni Lord para maging matandang dalaga at walang pera" Saad ko at inirapan siya.

Seryuso yung tao dito tapos yan lalabas sa bibig niyang holyshit? Ipapalaklak ko kaya ang holy water sa kanya ng mahimasmasan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Defeated In The Game Of LoveWhere stories live. Discover now