01: I LOVED YOU

23 2 1
                                    


What if? Isang araw magising ka na limot na lahat? Pipiliin mo bang alalahanin ito o mas pipiliin mong hayaan nalang at iwan ang mga ala-alang iyon sa nakaraan?


I'm Saint, I'm in a relationship with Perth for almost a year now. This guy means everything to me, nag kakasundo kami sa lahat ng bagay lalo na sa kalokohan, being with him is the greatest thing that happened to me at wala na akong mahihiling pa.

Our love story is almost a fairy tale story, I thought we would end up in a "Happily Ever After" pero akala ko lang pala yun.

"We need to talk. Magkita tayo sa park, now."

I received a message galing kay Perth at hindi ko alam kung bakit kinabahan ako, pinilit kung alisin yung negative thoughts na yun atsaka ako nag reply sayo.

Hindi na din ako muling nag tanong pa at sumunod nalang ako sa sinabi mo.


(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡

"I-I'm breaking up with you"


pambungad na sabi mo sakin, pag katapos mong sabihin yun sa akin tinalikuran mo na ako, you didn't even let me process the situation nor let me breath, hindi mo man lang ako hinayang makapagsalita, you just leave na parang isang araw lang yung naging relasyon natin.

"PERTH, ANO BA?!" sigaw ko

"IIWAN MO LANG AKO NG GANUN GANUN LANG?! NI HINDI MO MAN LANG NA ALALA NA ANNIVERSARY NATIN NGAYON ! BUMALIK KA RITO HARAPIN MO KO WAG MO NAMAN AKONG GAGUHIN" "A-AYOKO NETO"


hinang hina ako pinipigilan kung hindi umiyak dahil baka prank lang 'to pero hindi tuloy tuloy kalang sa paglalakad mo palayo sakin, nagdesisyon akong habulin ka kasi hindi ko kaya.

Niyakap kita and I begged, yes nagmakaawa ako. Pero you just say sorry at inalis yung mga kamay ko sa pagkakayakap sayo.

"PERTH! WHY?! NANGAKO KA SAKIN NAPANGHAHAWAKAN MOKO! p-please I'm begging you, ayusin natin 'to. Huwag mo kung iwan mag isa dito. Pleaseee"


sobrang basag na ng boses ko that time at hindi ko na alam kung naiintindihan mo pa ba yung mga sinasabi ko.

"s-sorry, gagawin ko lang kung ano yung tama" walang buhay na sagot mo sakin

Lumapit ako sayo at sinapak ka, unti unti akong lumayo sayo at tumakbo dahil baka pag nag stay ako baka mapatay kita sa kagaguhan mo.

I run and run wala na akong pake alam kung mag muka akong tanga. It hurts like hell you've promised pero niloko mo lang din ako

nag flashback sakin lahat ng masasayang memories natin, lahat ng pangako. Perth anong nagawa ko? bakit?

Natakpan na ng luha ang mga mata ko, halos diko na makita yung nadadaanan ko but I still run, dahil pakiramdam ko ang lapit ko padin sayo.

Para akong nasa loob ng isang maze at hindi makalabas, Kailan ba 'to matatapos? tanong ko sa sarili ko, nang biglang napatigil ako ng may marinig akong malakas na tunog.

"TABIIIIIIII" sigaw nung lalaki sa kotse

huli na ng makaiwas ako, wala akong maramdamang kahit ano bukod sa sakit sa puso ko. Nagkakagulo sa paligid ko, wala na akong maintindihan at unti - unti na ding pumipikit ang mga mata ko.

"I love you, Perth." huling salita na lumabas sa bibig ko.

(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡


Unti - unti kung minulat ang mga mata ko, sobrang liwanag ng nasa paligid ko, nilibot ko ang aking paningin sa at nagulat ako dahil may mga kasama ako sa loob ng kwarto nato.

"T-tubig" unang salita na lumabas sa bibig ko uhaw na uhaw ako na para bang ilang araw na akong hindi nakakainom.

"Gising kana. Diyos ko, salamat at nagising kana anak." pagkakasabi sakin nung isang matandang babaeng nasa kwarto.

"Tawagin nyo si Doc, bilis." utos naman nung matandang lalaki sa tabi nya.

Gulong gulo ako dahil wala akong maintindihan sa sinasabi nila.

"Nasaan po ako?" takang tanong ko.

"Anak, nasa hospital pa tayo, after mong maaksidente dinala ka kagad nila dito at ilang linggo ka ring walang malay, pero salamat at gising kana ngayon"

"Po? walang malay? aksidente?"

shit bakit ganto bakit sobrang gulo? bakit wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila?

"Oo, anak wala ka bang maalala? takang tanong sakin nung matandang babae.

"Pasensya na po, pero wala po atsaka sino po ba kayo?

kitang kita sa muka nila ang bakas ng pagkagulat sa mga sinabi ko pero anong magagawa ko wala talaga akong maalala.

Dumating na yung Doctor kinausap siya nung babaeng tinatawag akong anak kanina.

"May Post Traumatic Amnesia po sya Mrs. , it occurs immediately following a traumatic injury. In most cases it lasts for almost ten weeks". After nilang mag usap umalis na din yung Doctor.

(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡


After a week na discharge na din ako sa hospital, ganun padin halos lahat bago sakin, mag mga bagay akong hindi alam pero pakiramdam ko nagawa at nangyari na sakin

"Anak, halika muna rito kumain ka na muna." tawag sakin ni Mama.

"Opo, susunod na rin po ako" sagot ko.

pumasok muna ako sa kwarto, nanibago padin ako dahil hindi padin ganun bumabalik yung mga ala ala ko.

Napukaw ang mata ko sa picture frame na nasa tabi ng kama

Ako yung nasa picture pero sino yung kasama ko? may kasama akong isang lalaki sa picture.

Perth? wait, sino si Perth? takang tanong ko sa sarili ko

dahil sa curiosity ko napagdesisyunan kung tanungin si Mama.

"Ma, Maaaa! tawag ko rito. Mama pwede po bang magtanong? sino po 'ito? sino po si pert-?"

napatigil ako sa pagsasalita ng makita yung lalaking kasama ko sa picture na nasa harap ko ngayon, sobrang bilis ng tibok ng puso at biglang may tumulong luha sa mga mata ko , shit bat ako umiiyak?


bumuhos na yung luha ko ng yakapin nya ko, gusto ko syang yakapin pabalik pero may pumipigil sakin , tinulak ko sya dahil hindi ko alam kung sino sya at hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko ng makita ko sya .

"Baby I'm so sorry" umiiyak na pagkakasabi nito

"Sandali sino kaba?" takang tanong ko rito

kitang kita mo sa mukha nya ang pagtataka at ganun rin saakin.

"Boyfriend moko" sagot niya.

One Last CryWhere stories live. Discover now