02: DOUBT

12 2 1
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula nung nagpakilala sakin si Ethan bilang boyfriend ko at sa loob ng isang buwan na iyon nagsisimula na akong mainis sa pangungulit nya.

Hindi nya raw ako titigilan hanggang sa maalala ko sya, pero kahit anong gawin ko , I still can't remember him.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Perth.

"Ihahatid na kita sa school" nakangiting sagot nya

"Ayoko, at isa pa pwede bang tantanan mo na ko" inis na sagot ko sakanya

"No, I told you hindi ako titigil hanggang sa maalala mo kung sino ako kung ano tayo dati." mariing sagot nya sakin.

"Whatever, do what you want." maiksing sagot ko at tinalikuran sya

"Hayaan mo na akong ihatid ka please." pagmakakaawa neto

"Perth, sorry pero kasi" naputol yung sasabihin ko ng may tumawag sakin si James.

"Tara na, pasok na tayo" pambungad na sabi ni James sakin

"Pare, ako na bahalang maghatid sakanya." igting na sabi ni Perth

"Hindi na pare, nakikita mo ba na sakin nya gustong sumama?"

Pumagitna na ko sakanilang dalawa dahil baka magsimula pa sila ng away.

"James stop, tara na umalis na tayo" 

Pagkasakay ko sa kotse hindi ko maiwasang tingnan sya sa side mirror, bakit parang ang bigat sa pakiramdam, hinayaan ko nalang hanggang sa unti unti syang mawala sa paningin ko.

(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡

Sa lumipas na isang buwan may mangilan ngilan na ring alala na bumabalik sakin kaya mas minabuti ko nang pumasok ulit.

"Kumusta?" tanong sakin ni James

"Ayos naman, kahit papaano may naaalala na ako sakanila kaya medyo madali na akong nakaka pag adjust"

"That's good, ahm do you want to eat?  Tara libre ko." paanyaya sakin ni James

"Oo naman, Tara"

Paalis na kami ng makasalubong namin si Perth.

"Pwede ba tayong mag usap kahit sandali lang, please" malungkot na pagkakasabi neto

Tumingin ako kay James para ipahiwatig na iwan nya na muna kami at sinabing susunod na lang ako sakanya.

"What?" sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin at nagugutom na ako.

"Sumama ka sakin."

"No, kung gusto mong mag usap dito tayo mag usap." diing sagot ko

"Fine, kung ayaw mong sumama ng maayos edi dadaanin natin 'to sa mahirap na paraan"

Bago pako makatanggi nabuhat na nya ko.

"PERTH IBABA MOKO! ISA SISIGAW AKO NG KIDNAPPING! IBABA MO KO! TULONGG"!

"Everybody in this school knows that I'm your boyfriend, kaya wag kana magpagod wala ding tutulong sayo." nakangising sagot neto.

Tumigil nako sa pag piglas dahil wala din namang patutunguhan yun. Naiinis ako sakanya pero hindi ko magawang magalit.

Sino ka ba talaga Perth? Sino ka ba talaga sa buhay ko?

One Last CryWhere stories live. Discover now