Anonymous #1
"Shit! What the hell are you thinking?" I snapped at Bridge who was still holding a small basin. She just threw me some cold water and started giggling while here I was, frigging wet!
"I was just waking you up from a nightmare." She just shrugged and put down the basin on my bedside table.
"Pwede kitang idemanda ng trespassing!" I stormed out of the room cursing.
"As if you would do that." She smirked and followed me downstairs.
"What do you want?" I said while taking off my Abercrombie shirt and pants. Naiirita sa basang damit at sa kaibigan kong pakialamera. I was only wearing my bra and panty.
"Hey stop doing that. Gusto mo bang masilipan?" She freaked out at kinaladkad ako pataas.
"Tayo lang ang nandito, Bridgette. Stop overreacting." I rolled my eyes at her and saw that she was doing the same thing.
"Show some decency, Asia. Ayusin mo nga ang buhay mo. Hindi dahil naghiwalay kayo ay wala ka nang rason para magsimula ulit!" Kinaladkad niya ako papasok kuwarto at naiinis ako sa sarili ko dahil wala na akong natitirang lakas para lumaban sa kanya. Nang maramdaman niya ito ay agad niya akong binitawan at lumapit sa aking higaan upang itapon ang basang comforter sa sahig.
"Wala kang karapatan para pakialaman ako, Bridgette." Kumuha ako ng shorts at sleeveless shirt sa closet ko bago siya muling hinarap.
"And what are you going to do here? Throw yourself a pity party? Okay, I'm not going to bother you. You can ruin your life for all I care. Just don't come near me once you realize na sana nakinig ka nalang sa akin at hindi mo inubos ang oras mo sa pagiging tanga." Tinaasan niya ako ng kilay at saka ngumisi.
Kahit gusto kong takpan ang tainga ko ay hindi ko na magawa. I turned my back and started wearing my clothes.
I'm not here for pointless arguments, Asia." Huminga siya ng malalim at umupo sa maliit na couch sa gilid ng kama ko.
"Then why did you come all the way here, huh? I'm not going to kill myself kung iyon ang ikinatatakot mo. I'm not suicidal so just leave me alone, Bridgette." Tapos na akong magbihis at muling humiga sa kama kong medyo basa pa.
"I know you so well, Asia. Wala kang maitatago sa akin." Hindi niya pinansin ang tanong ko at ipinakita ang cellphone niyang may mga screenshots ng conversation ko sa iba't ibang social networking sites. Naaalala ko si America sa kanya that's why we became friends pero ngayon palang ay nararamdaman ko na ang kaibahan niya sa aking pinsan. Madaldal si Ames pero hindi siya gagawa ng isang bagay na ikasasama ng loob ko.
"Since when did you start doing this? You flirted too much, Asia. God! This is so cheap." Halos tumirik na ang kanyang mga mata habang sinesermonan ako.
"Shit! How the hell did you – You're stalking me, Bridge!" bulalas ko sa kanya.
"Parang hindi mo naman gawain." She rolled her eyes at me.
"I was just having fun." I tried to compose myself and make sound reasonable.
"Kailan pa naging fun ang pakikipaglandian sa mga techies?" Kumunot uli ang noo niya habang tinitignan akong mabuti. "For all we know, scammers 'yang mga pinagtutuunan mo ng oras mo magdamag. This isn't normal. You're becoming a social media slut." Nandidiri niyang sabi sa akin.
"I'm moving on. Just leave me alone, Bridgette. Kaya ko ang sarilii ko." Halos patili kong sabi sa kanya. Nawawalan na ako ng pasensiya sa pakikialam niya sa'kin sa loob ng dalawang buwan matapos akong hiwalayan ni Euan.
Huminga ako ng malalim para maibsan ang pagkairita na nadarama ko ngayon. I just want them to leave me alone. Kaya ko naman magmove on kung bibigyan nila ako ng sapat na oras para dito. Sa ngayon, nasa stage pa ako ng acceptance. Hindi ako makapaniwalang nakabuntis si Euan habang kami pa. Hindi ba ako enough for him?
"Bloody shit Asia Rodriguez! You still love that freaking asshit? Sabi mo nagmomove on ka na? Bakit nakuha mo pang makipaglandian sa kamukha niya?" Halos mabingi ako sa sigaw niya at napahawak siya sa kanyang noo na parang hihimatayin na. Nabigla ako nang makitang hawak hawak niya ang phone ko at binabrowse ang messages sa facebook messenger ko. That chinky eyes, that fair skin, that smug look. It all reminds me of Euan.
"I didn't know ... I was completely clueless ... uh...Uh... That was nothing." Nautal ako at hindi mahagilap ang mga salita sa aking utak. No, I wasn't clueless about it. Aware akong kamukha niya si Euan kaya I was captivated right at that moment with the same charm Euan's giving when we were ... Hindi ko na napigilan ang paglandas nang luha sa aking mga mata. I need to stop thinking about Euan, Kyper is much better than him. He's proud of our relationship, of what we're going to have. Hindi niya ako hahayaang masaktan, hindi niya ako pagmumukhaing tanga.
"Anong nothing? Dammit Asia! You were asking this guy to put some tats using your name! The same thing na hiniling mo kay Euan nung nililigawan ka pa niya!" Hindi pa rin humihina ang boses niya at para akong batang nakagawa nang kasalanan at sobrang nanliliit.
"Because I need assurance! I don't want them to leave me at kung yun na lang yung tanging paraan, then I'll give any damn thing for it! Alam kong selfish ito pero anong magagawa ko?" Napafacepalm ako at nagsimulang humikbi.
"Bridge, hayaan mo na akong maging masaya kahit ngayon lang."
"Cupcake naman Asia oh!" sigaw niya habang binibitiwan ang murang pinasikat ni Clarence Buttowski. "You're not making any sense. Nawala pati ang logical thinking mo dahil sa lalaking 'yon. Everybody wants to catch you now that you fall pero ano bang meron sa kanya at lagi mo na lang siyang iniiyakan? Forget the Korean bastard and that Kyper Ramirez if that's really his true name! Give it up! They don't deserve you, you don't deserve them either!" Hinahabol niya ang kanyang hinihinga pagkatapos niya akong walang humpay na sermonan.
"He likes me Bridge." Yumuko ako pagkatapos sabihin sa kanya iyon.
"Oh my God! I can't believe you. Masyado kang assuming, Asia!" Halos maiyak ako sa katotohanang binitawan niya.
