Anonymous #15
Maaga pa lamang ay lumabas na ako sa kuwarto ni Euan para bumalik sa guestroom. Naabutan ko siya habang pinagkakasya ang sarili sa couch na nasa harap ng kama. Kinuha ko ang kumot ko at ipinatong sa kanya. I'm sure he will complain once na magising siya dahil sa pananakit ng katawan.
I went downstairs to get a glass of water. Inaantok pa ako but I want to calm my nerves. Bukod sa namamalat ako, parang may kumikirot pa sa kaloob-looban ko and I don't know what it is.
"Boo!" Someone tickled me on my hips. Nabigla pa ako ng makita si Kevin sa aking harapan. He frowned when I didn't react. Masyado pa akong gulat sa pangyayari.
"How are you?" Tanging nasabi ko. Kumuha ako ng maiinom sa ref. He likes apple juice so I poured some of that sa hawak kong baso at pagkatapos ay inabot sa kanya. He sipped on the glass and frowned a little when he saw me watching him.
"Hindi mo ako namiss?" He placed the drinking glass on the kitchen counter at ngumiti sa akin ng nakakaloko. He opened his arms to meet me. Agad naman akong pumaloob sa mga brasong yun at hinalikan siya sa pisngi.
"That's it?" He laughed tauntingly. Itinuro niya ang kanyang labi at ngumuso. Natawa pa ako ngunit agad naman siyang hinalikan doon.
"Malapit na ang pasukan, Asia." Kevin trapped me with his arms on the stair banister while we're about to go upstairs. "Hindi na tayo madalas magkikita so please baby, you need to promise me one thing ..." Malumanay niyang sabi. "That you will always include me with every decisions you make, arasso? Alam kong hindi ka sanay sa ganitong set up but you need to trust me. Dapat wala tayong tinatago sa isa't-isa." I nodded my head just to stop his worry.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nakapatong sa aking balikat at ngumiti. "Naiintindihan mo ba talaga ako?" He stopped me from moving.
I gave him a toothy smile.
"Damn. Sa dami ba naman ng lalaking nakapaligid sa'yo. Hindi ko maipapangakong hindi ako magseselos."
"I love you, baby." He whispered to my hair. I didn't respond. Mahal ko siya but I'm torn between the two of them. Hindi ko gustong palalain ang sitwasyon pero sa tingin ko ay wala pa akong magagawa sa ngayon.
"Let's go?" Akay ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita pero alam ko na may nararamdaman siyang kakaiba, na may namumuong problema sa aming dalawa.
Nang dumating ang Pasko ay si America at Aristotle na ang sumundo sa akin upang makauwi ng bahay. Hindi man ako gustong paalisin ni Kevin ay wala siyang nagawa. My cousin Aristotle is a very conservative man at nang malaman niyang nakikitira ako sa bahay ng boyfriend ko ay halos kaladkarin niya na ako pauwi. However, Tito Arman kept on insisting that I have no right to stay in our place, showering me with profane language and expletives. My mom was still on a seminar so I celebrated the Christmas and New Year alone. Wala din si Kevin para samahan ako and lately, he was missing in action. Madalas ay pumupunta siya sa Baguio para asikasuhin ang kanyang pag-aaral at kahit na isang text man lang ay wala akong natatanggap mula sa kanya. Justice was very worried nang malaman niyang nag-iisa ako. He invited me to their house but when I found out that my father would be there too, I refused the offer. Hindi ko pa kayang makita si Dad.
From: Euan
Lunch?
Muli ay binura ko ang mensaheng nanggaling kay Euan. I'm trying my very best to avoid him pero kung ganito na lang palagi, baka hindi ko na siya matiis.
