Chapter 1

696 24 11
                                    

Naglalakad ako ngayon sa isang lugar kung saan nagsimula ang lahat at doon din ito natapos.Sa isang lugar kung saan naging pinakamasaya ako at sa lugar kung saan bumuhos ang mga luha ko.Sa lugar kung saan ako natutong magtiwala at sa lugar kung saan ako unang beses naloko.Sa lugar na inakala kong kalangitan,sa halip ay impyerno pala.Naglalakad ako ngayon sa isang napakalaking parke dito sa aming lugar.

Saan man ako tumingin ay napakasaya ng tanawing nakikita ko.May mga batang naglalaro at nagtatakbuhan,may mga magkasintahan na masayang masayang magkahawak ang kamay habang nagkekwentuhan,may mga matatandang mag-asawa na magkahawak ang kamay habang pinapanood ang kanilang mga apong masayang naglalaro.Ang saya ng paligid,mukhang walang problema,kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon.

"Maxine gusto mo ba nitong ice cream?Gusto mo ibili kita?"tanong sa akin ng lalaking katabi ko habang dinidilaan ang cheese flavoured ice cream niya

Napabuntong hininga ako kasi kasama ko na naman siya,kahit saan talaga ako pumunta patuloy siya sa pagsunod sa akin.Nakakainis na !

"Pwede ba?Iwan mo na nga ako dito.Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mo na akong susundan?"naiirita kong sabi sa kanya

Sa halip na malungkot sa sinabi ko ay mas lumawak pa ang ngiti sa kanyang labi "Eto namang si Maxine ko.Ang taray taray mo talaga.Siguro nagpapakipot ka lang sa akin?"nakangiti niyang tanong sa akin

Inirapan ko siya bago nagsalita "Pwede ba?Iwanan mo na nga ako.Atsaka ang kapal din naman ng mukha mo para sabihing nagpapakipot ako sayo.Bakit sino ka ba?"mataray kong tanong sa kanya

"Ako lang naman si Dave Laxamana."nakangiti niyang sabi sa akin saka kumindat "Ang taong mamahalin at papakasalan mo."natatawa niyang sabi sa akin habang kinakain ang ice cream niya

"Ewww !Pwede ba?Lumayo ka na nga dito.Nakakadiri yang kacornyhan mo."naiirita kong sabi sa kanya

Bumuntong hininga siya bago nagsalita "Bakit?Natatamaan ka na sa akin no?Crush mo na ba ako Maxine?O kaya mahal mo na ba ako?Ayieee ikaw ha.Sabi na nga ba mahuhulog ka rin sa akin."nakangiti niyang sabi sa akin habang pilit sinusundot ang tagiliran ko

Hinawi ko ang kamay niya "Pwede ba?Nakakainis ka ng manyak ka.Lumayo ka na nga dito !Hindi kita kailangan."naiirita kong sabi sa kanya

Mukhang nadismaya siya sa sinabi ko,sinasabi ko na nga ba susuko na agad ang manyak na ito "Talaga?Hindi mo ako kailangan?"malungkot niyang tanong niya sa akin

Tinitigan ko siya mata sa mata "Oo naman,hinding hindi kita kailangan.Kaya pwede ba?Umalis ka na dito sa harap ko."mataray kong sabi sa kanya

Nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan ang kamay ko "Kahit kailan,hinding hindi kita iiwanan.Kahit ipagpilitan mo pang lumayo ako,hinding hindi kita lalayuan."

Unti-unti kong namalayan ang pagbagsak ng mga maiinit na luha na nanggaling sa aking mga mata.Naaalala ko pa rin yung araw na pilit niya akong kinukulit dito,yung kahit ipagtabuyan ko siya hindi niya ako lalayuan,yung kahit sabihin kong iwanan niya ako alam kong hinding hindi niya yun gagawin.Yung mga pangako niya,yung mga sinabi niya,inasahan ko yun,naniwala ako doon.Pero nasaan na?Wala na ang mga pangakong yun,kasing bilis ng pagkawala niya.

Mag-iisang taon na rin akong kinukulit ni Dave at mag-iisang taon na rin akong kasa-kasama ang lalaking ito.At sa isang taong yun,marami na akong nalaman sa kanya,mas nakilala ko pa kung sino nga ba talaga siya.Hindi ko lang siya unti-unting nakilala,unti-unti ko na rin siyang minahal.

Nakatayo ako ngayon dito sa park kung saan palagi kaming pumupunta ni Dave tuwing labasan sa school.Nasa harapan ko siya habang may dala-dalang mga bulaklak at tsokolate.Pinapalibutan kami ng mga tao,mga estyudyante,mga nagtatrabaho na pilit inuusisa kung anong nangyayari.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon