Kaibigan Mo Ako
Biglang tumunog ang cellphone ko.Unti-unti akong nalungkot ng nakita ko ang nakalagay sa aking cellphone.
Happy 10th Monthsary to us Dave.Two months to go 3years na tayo. :D
Nangingilid ang mga luha ko sa nakita ko.Isinave ko ang reminder na ito sa aking cellphone noong kami pa ni Dave.Noong masaya pa kami,noong akala namin hanggang katapusan kami na,noong hindi pa niya ako niloko at pinagpalit sa kaibigan ko.
Dalawang taon na rin pala ang nakalipas.Sa dalawang taon na yun,ginawa ko rin lahat ng ginagawa ng mga babaeng nagmomove-on.
Nilibang ko ang sarili ko.Nagparty,nagshopping,binuhos lahat ng oras sa trabaho pero kahit na anong gawin ko,basta wala akong ginagawa,pumapasok pa rin siya sa isipan ko.Sinubukan ko na ring magtapon ng mga binigay niya sa akin noong regalo.Nagawa ko ring magdelete ng mga text messages at mga picture namin pero kahit na ganoon,masakit pa rin.Mahal ko pa rin siya,nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon.
Hindi pala talaga ganoon kadali ang makalimot.Kung magkakaroon man ako ng hugot ngayong araw na ito,ang pag-ibig ko sa kaniya ay parang isang tagihawat.Kung alin pa yung naging masakit,iyun pa yung nagmamarka ng sobra.
Paano ka ba kasi makalimutan?Paano ko ba mapipigilan ang mahalin ka?Paano ba?Parang awa mo na sabihin mo sa akin kasi nasasaktan ako sa tuwing nakikita kang masaya,wala ng problema at may kasama ng iba.
Tinititigan ko ngayon ang nag-iisang picture namin ni Dave na itinira ko sa aking cellphone.Ang picture na ito ay ako at si Dave noong sinagot ko siya.Buhat buhat niya ako habang ako ay dala-dala ang mga bulaklak at tsokolate na ibinigay niya sa akin.
Nakakamiss ang araw na ito.Yung araw na sobrang saya namin.Yung araw na wala kaming problema.Yung araw na puro pag-ibig lang ang nararamdaman namin sa isa't-isa.
Mahal pa rin kita.Gusto pa rin kita.Pero ayoko na,tama na.Dapat ko ng pigilan ito,dapat na nga siguro akong huminto sa pag-asa na baka pwede pa.
"Psssst."nagulat ako kasi biglang may tumawag sa akin
Pinunasan ko agad ang mga luhang kumawala sa akin at hinanap kung saan nanggaling ang pagtawag na iyun.
"Bakit ka umiiyak?"natatawa niyang tanong sa akin
Sinamaan ko siya ng tingin,siya na naman. "Pakialam mo ba?"mataray kong tanong sa kaniya
"Baka nakakalimutan mo.Boss mo ako dito."nakangiti niyang sabi sa akin.Tss bwiset.
Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita "Ano po bang kailangan niyo sir?"binigyan ko ng emphasize yung salitang sir bilang isang sarkastikong pagtawag sa kaniya
"Gusto ko sanang ipaayos lahat ng mga files na ito sayo.Kailangan ko kasi mamaya."sabi niya sa akin at ipinatong ang gabundok na mga papeles sa lamesa ko
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko "Seryoso ka ba dito?"biglang tumaas ang tono ng boses ko dahil sa iritasyon
"Oo naman.Mukha ba akong nagbibiro?"tanong niya sa akin "Bakit hindi mo ba kaya?"tanong niya muli habang may isang nakalolokong ngiti
Bumuntong hininga ako bago siya sinagot "Ka..kaya ko."sabi ko sa kaniya
"Okay then I'll get it later."sabi niya sa akin at umalis na patungo sa kaniyang office na katabi lang ng table ko
Nakakainis.Akala ko mapapadali ang trabaho ko pero nagkamali ako,mukhang impyerno pa ata ang napasukan ko.Kung hindi ko lang siya boss,natarayan ko na ang abnong 'yun.
BINABASA MO ANG
Moving On
Teen FictionPangako mamahalin kita habang buhay.Pangako hindi kita iiwanan.Pangako hindi kita ipagpapalit sa ibang babae.Pangako,pangako,pangako.Nasaan na ang mga pangakong yan?Mabilis naglaho kasabay ng pag-alis niya.Paano ko siya malilimutan kung siya na ang...