MOVE ON

43 0 0
                                    

Bakit ba may move on? bakit kailangan natin masaktan at maramdaman ito, Sa love pag nagmahal tayo kaakibat niya na ang moveon pag tayo naman ay nasaktan at iniwan. Minsan tuloy nakakatakot na magmahal kasi baka masaktan ulit at dumaan na naman sa proseso ng pag momove on. masaya sa una pero lahat nagbabago at nawawala. bakit may nangiiwan at iniiwanan? bakit na kahit ano gawin mo hirap na hirap ka sa pag momoveon.... Kasi andun padin yun "HOPE". Hope mo na baka maayos at magkaayos pa, na baka mahal ka pa. Ang sakit di ba kasi kahit ayaw na ng utak mo magpakatanga sige heto ka pa rin, hindi mo mapigil ang sinisigaw ng puso mo. Sinasabi ng isip mo kalimutan mo na, wag ng iyakan dahil hindi naman worth it pero ang sagot ni puso "wag kasi mahal mo eh" , "mahal ko pa". Pero paano ka makakalimot kung patuloy mo padin siya iniisip kung dika bumibitaw sa hope na pinanghahawakan mo, kung patuloy ka na lumalaban mag isa. Ang hirap magpanggap na masaya kahit ang totoo hindi naman talaga, madaling ikubli pero napakabigat dalhin. Ikaw? paano ka ba nagmoveon? move forward ba o move backward?

ako? naranasan ko ang pagmomoveon dumaan din ako ako sa stage ng denial.. :) stage ng katangahan pero ganun naman eh di ba pag mahal mo kahit na magpakatanga ka na balewala sayo hndi mo na naiisip sarili mo kasi yun umiikot nalang sayo eh SIYA. pero di pala tama yun, kasi bago mo matutunan ang magmahal dapt matutununan mo muna mahalin ang iyong sarili. yung pinipilit ko yung sarili ko tanggapin kahit ang totoo ayaw ng loob ko, yung kahit ang sakit sakit ng puso ko dahil sa nararamdaman ko yung kahit iiyak mo ng iiyak andun padin. at nadun din yung Hope, baka sakali na mabuo pa, na baka bawiin pa, na baka bumalik pa sya at sabihing mahal padin ako, at baka isa lang itong pagsubok na kailangan pagdaanan at malampasan. manhid at masokista na ata ako dahil parang balewala na sakin ang sakit. kaya hindi pala dapat 100 % ang dapat ibigay kapag nagmamahal ka.. dapat 50/50 lang magtira din para sa sarili.. bago mo matutunan ang magmahal ng iba mahalin muna ang sarili.. hindi din dapat mawala sa puso natin si God. kasi sya ang gagabay sa atin, siya ang nakakaalam ng layunin niya sa ating buhay. Ako ang ginawa ko para unti unti kong macope ang pagmomoveon inumpisahan ko sa aking sarili. inisip ko mabuti na wala naman ibang tutulong sakin kundi ang sarili ko lang, kundi AKO. mahirap sa umpisa hindi ganon kadali gawin lalo na kung iisipin mo na baka dimo kaya, pero kung gugustuhin mo talaga magagawa at makakaya mo. Malaking tulong din si God sakin kasi yung mga times na unti unti nako sumusuko , pray lang ako ng pray at naniwala ako sa kanya na malalagpasan ko mga pinagdaraanan ko. Wag tayong matatakot na papasukin si god sa ating mga puso dahil siya ang magiging daan natin para tayo ay lumakas at maging matatag.

SEPARATE LIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon